Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FLORES DE MAYO

Mayo na, at … Flores de Mayo na naman! Madalas makikita natin sa paligid and senaryo ng mga batang
bitbit ang mga iba’t-ibang uri ng makukulay na bulaklak habang kasama ang mga kaibigan na naglalakad sa daan.
Yung iba’y may basket, ang iba nama’y supot. Mapapansin din natin ang pamumukadkad ng mga bulaklak na may
iba’t-ibang kulay, hugis at amoy. Isama pa ang maulap na kalangitan na tila araw-araw ay bumubuhos ang ulan sa
buong kapuluan. Flores de Mayo Ano ng aba ito?
Ang salitang 'flores' ay nagmula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “bulaklak”. Ang mga Kastila
ang nagpakilala sa ating mga Pilipino ng pagdiriwang na ito, kaya ito ay naging bahagi na ng ating kultura. Ang
buwan ng Mayo ay inilalaan bilang buwan ng mga bulaklak dahil sa panahong ito namumukadkad ang iba’t ibang
bulaklak sa ating kapuluan. Ngunit kailan ng aba ito nagsimula?
Ang pagdiriwang na ito, batay sa kasaysayan, ay nagsimula pagkatapos ng proklamasyon ng Dogma ng
Inmaculada Concepcion ng Simbahang Katoliko noong 1854 na nagtuturong si Maria ay ipinaglihi ng kanyang
inang si Santa Anna na walang bahid ng orihinal na kasalanan. Ang debosyong ito ay tuluyang lumaganap at
pormal na inilathala sa wikang Tagalog noong taong 1867 ni Msgr. Mariano V. Sevilla, isang pari na mula sa,
Bulacan. Ang pag-aalay ng mga bulaklak kay Maria ay tinatawag na “Flores de Maria” bilang pagpaparangal sa
Mahal na Birhen. Ang debosyong ito para sa Mahal na Birheng Maria ay patuloy pa ring isinasagawa hanggang
sa ngayon sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Kabilang sa mga gawaing ito ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa,
pag-aalay ng mga bulaklak, pagdarasal ng banal na Rosario at pag-awit ng mga awiting pansimbahan sa karangalan
ng Mahal na Birheng Maria sa ilalim ng sagisag na Nuestra Senora delas Flores.
Tinatayang noong taong 1867, sumulat si Padre Mariano Sevilla ng isang aklat na may pamagat na “Flores
de Maria o Mariquit na bulaclac sa pagninilay-nilay sa Buong Buwan ng Mayo”. Sa pamagat pa lamang ay agad
nang makikita na ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria sa buong buwan ng Mayo ay may kalakip na pagninilay.
Sa kabutihang-palad, nagpatuloy ang ganitong debosyon kay Maria sa buong kapuluan. Kung tutuusin, ang Flores
de Mayo ay isa pang bersiyon ng Santo Rosaryo, sapagkat ang bawat butil nito ay katumbas ng isang bulaklak na
iniaalay kay Maria. Marami pa rin sa atin ang salat sa kaalaman ng pagkakaiba ng Flores de Mayo sa SantaCruzan.
Sa dalawang debosyong ito ano ba ang gusto natin: Flores de Mayo ba o Santacruzan, o pareho? Ang Flores de
Mayo po ay iba sa Santacruzan, at ang Santacruzan ay iba naman sa Flores de Mayo. Ang Flores de Mayo ay
debosyon sa mahal na birhen bilang Reyna ng mga bulaklak samantalang ang Santacruzan naman ay debosyon sa
banal na Krus ng Panginoong Hesukristo.
Lumipas ang mga panahon, dahan-dahang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating maigting na debosyon
ng pag-aalay ng bulaklak kay Maria ay nadagdagan ng “beauty pageant.” Naghalo ang Flores de Mayo at ang
Santacruzan. Lumabas ang iba pang bagay na higit na nagpalabo sa tunay na kahulugan ng debosyong ito. Ang
dating simple na damit na ginagamit ng mga dalagang nagpaparada ng mga katangian ng Mahal na Birhen, ay unti
–unting “kinulang” ng tela sa parting itaas.
Sa panahon ngayon, kailangan nating pagnilayang muli ang debosyon natin sa Flores de Maria o Flores
de Mayo. Hindi lahat ng maganda at kalugod-lugod sa ating mga mata at sariling kagustuhan ay kalugod-lugod sa
mata ng Diyos at sa Mahal na Birhen.
Sa inyong lahat, magandang buhay at pagpalain tayo ng Maykapal.

You might also like