Aralin 2 - Saknong1-125

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Aralin 2:

Ang Pagdurusa ni Florante


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaisipan ang pagdama sa iba’t ibang damdamin ng tao ay
nakakaapekto sa kaniyang pananaw sa buhay
POKUS NA TANONG
Bakit mahalagang maunawaan ang damdamin ng tao na nagiging batayan ng positibong batayan sa buhay
MAHALAGANG PAG-UNAWA
Mahalagang maunawaan ang iba’t ibang damdamin ng tao dahilan sa ito’y magiging daan upang siya’y
maging isang huwaran sa lipunang ginagalawan
INAASAHANG PAGGANAP
Naisusulat ng mag-aaral ang isang monologo na nagpapahayag ng mga pansariling damdamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Pag-unawa sa Napakinggan
Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang awitin
Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
Paglinang ng Talasalitaan
Nabibigyang-kahulugan ang:
matatalinghagang eskpresyon
tayutay
simbolo
Panonood
Nailalahad ang sariling karanasan ng iba na maitutulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na
may temang pag-ibig gaya ng sa akda
Pagsasalita
Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin
Pagsulat
Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
pagkapoot
pagkatakot
at iba pang damdamin
Wika at Gramatika
Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang tradisyunal na may temang pag-ibig
Tuklasin
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
a. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang awitin

II. Proseso ng Pagkatuto


a. Panimulang Gawain
Pagpapakinig ng kantang “Basta’t maghintay ka lamang”

Gabay na Tanong:
1. Sino ang pamilyar sa awiting napakinggan?
2. Ano ang mensahe na nais iparating ng awitin?
3. Bakit kailangang maging matatag sa mga panahong dumaranas ng
pagsubok sa buhay?
4. Ipaliwanag ang nais ipakahulugan ng pamagat “Basta’t maghintay ka
lamang”

b. Pangkatang Gawain
Pangkat 1
IT IS PAG-IBIG: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag sa bawat bilog.

Pangkat 2
KORONA NG HUWARANG AMA: Bumuo ng mga tanong batay sa nakasulat sa loob ng
kahon.

Pangkat 3
ANSABE!?: Ibigay ang sariling opinion batay sa pahayag.

Pangkat 4
Tagamarka:
Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka
Dimensyon Napakahusay (10) Mahusay (8) Katamtaman (6)
Pagkakaisa Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok
ang mga kasapi ang nakararami ang iilan
Kalinawan sa Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong naging
Paghahatid ng pagbigkas at paghahatid ng malinaw ang mensahe
Mensahe paghahatid ng mensahe
mensahe
Pagkamalikhain Lubos na naipamalas Naging malikhain sa Di-gaanong naging
ang pagkamalikhain sa presentasyon malikain sa
presentasyon presentasyon
c. Sintesis
SAY MO? Ibigay ang iyong pananaw sa pahayag upang makabuo ng makabuluhang
konsepto.

“Kahit ipamigay ko pa ang lahat ng aking ari-arian, at ibigay


ko ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong
pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin.” – 1Corinto 13:3

III. Takdang Aralin


1. Magsaliksik sa iba’t ibang uri ng tayutay.
2. Isulat sa kwaderno.
Linangin
Unang Sesyon

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


a. Nailalahad ang sariling karanasan ng iba na maitutulad sa napanood na palabas sa
telebisyon o pelikula na may temang pag-ibig gaya ng sa akda

II. Proseso ng Pagkatuto


a. Panimulang Gawain
4 PICS 1 WORD: Ibigay ang salitang naglalarawan mula sa apat na larawan.

G U B A T
b. Pagpapanood ng Akda
Florante at Laura: Saknong 1-125

c. Pagtalakay sa akda
1. Sino ang lalaking nakagapos sa puno.
2. Saan natagpuan ni Aladin na isang moro ang lalaking nakagapos?
3. Paano nakatulong sa paglalarawan sa gubat at sa taong nakagapos sa puno
ang nangingibabaw na damdamin sa simula pa lamang ng akda?
4. Ang paninibugho ba, tulad ng naramdaman ng bintang nakagapos kay
Laura ay tanda ng labis na pagmamahal sa isang tao. Ipaliwanag.
5. Ang mga pangyayari bang naganap sa Albanya noon ay nangyayari rin sa
kasalukuyan? Sa paanong paraan.

d. Sintesis
RELATE MATCH: Maglahad ng sariling karanasan o karanasan ng iba na
maitutulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na may temang pag-ibig,
gaya ng sa akda.
Linangin
Ikalawang Sesyon

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


a. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang nabasa o napanood
b. Nabibigyang-kahulugan ang: matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo

II. Proseso ng Pagkatuto


a. Panimulang Gawain
Balik-aral
Dugtungan: Isalaysay ang mga nangyari sa bawat kabanata. Tumawag ng kasunod
na mag-aaral upang ipagpatuloy.

b. Pag-input ng Guro

c. Paglinang ng Talasalitaan
Gawain 1: Piliin ang mga taludtod sa bawat saknong ang matatalinghagang
pananalita o ekspresyon na ginagamitan ng tayutay at uriin ito. Pagkatapos
ipaliwanag ang nais ipakahulugan ng mga ito

Gawain 2: Humanap sa binasang aralin ng mga saknong na naglalarawan ng


mga simbolo. Pagkatapos bigyang-kahulugan ang mga ito sa konteksto.

d. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: PULOT OF THE DAY: Ibigay ang mga pangunahing kaisipan ng bawat
kabanatang binasa.

Pangkat 2: DA WHO? Magtala ang mga katangiang mayroon ang mga tauhan mula sa
tinalakay.

Pangkat 3: Magmungkahi ng ilang paraan kung paano mapananatilihing


buhay ang pag-ibig at pananalig sa mga panahong nakararanas at nakadarama ng
labis na kasawian. Ipakita ito sa isang tulang may tatlong saknong, pantig na
lalabindalawahin at tugmaang pantig. Lagyan din ito ng mapanghikayat na pamagat.
Pangkat 4: Tagamarka
Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka
Dimensyon Napakahusay (10) Mahusay (8) Katamtaman (6)
Pagkakaisa Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok
ang mga kasapi ang nakararami ang iilan
Kalinawan sa Lubhang malinaw Naging malinaw Di-gaanong naging
Paghahatid ng ang pagbigkas at ang paghahatid ng malinaw ang
Mensahe paghahatid ng mensahe mensahe
mensahe
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain Di-gaanong naging
naipamalas ang sa presentasyon malikain sa
pagkamalikhain sa presentasyon
presentasyon

e. Sintesis
Isaayos ang mga salitang/kataga upang makabuo ng konsepto.

Sa buhay nasa gitna maging positibo


manatiling buhay upang ang pag-asa

kahit na ang paghihirap


Ilipat
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
a. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
pagkapoot, pagkatakot at iba pang damdamin
b. Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang tradisyunal na
may temang pag-ibig

II. Proseso ng Pagkatuto


a. Panimulang Gawain

b. Input ng Guro

Ang Monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan
ay sinasabi ang kaniyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa
kapulungan ng mga nakikinig….

c. Pagbibigay ng Sitwasyon
Nais mong sumali sa Theater Arts Club ng inyong paaralan. Nabalitaan mong
magtatanghal ng isang espensyal na dula ang club na ito na isang “stage play for a cause”
na pinamagatang “Marawi, sa Diyos at Bayan, muling makakabawi.” para sa mga biktima
ng giyera sa nasabing lalawigan. Isa sa mga kahingian sa mga nais mag-audition ay ang
pagsusumite ng isnulat na monologo at ang madamdaming pagbigkas nito. Ang
monologo ay dapat papel ng isang anak na naulila na dahil sa malagim na sinapit ng
kaniyang mga mahal sa buhay dulot ng giyera sa Marawi. Ikaw ang mapalad na mapipili
ng director kung maipapamalas mo ang sumusunod na pamantayan.

d. Pagbibigay ng Pamantayan

Pamantayan sa Pagsulat ng Monologo Bahagdan


a. Nilalaman at Kaangkupan ng Monologo 30%
b. Ekspresyon ng Mukha at Pagpapalutang ng Damdamin 30%
c. Karunungan 20%
d. Hikayat sa Madla 10%
e. Kasuotan/Props 10%
KABUUAN 100%

You might also like