Professional Documents
Culture Documents
Alokasyon
Alokasyon
2.) Noon ang bawat tao ay may iba't-ibang uri at paraan ng pamumuhay. Ang bawat
isa ay nagsusumikap upang gumaan man lamang o umunlad ang kanilang buhay.
Subalit sa ngayon, dahil sa laki ng ating populasyon ay marami ng kakulangan sa
pagkain, edukasyon, tirahan at trabaho. Ito ay naging isang malaking dahilan kung
bakit mababa ang ating ekonomiya bukod pa sa mga isyung panlipunan at katiwalian
sa pamahalaan.
a.) Ano ang iyong magagawa bilang isang estudyante para umunlad ang ating
ekonomiya?
d.)Saan ba dapat magsimula ang mamayan o gobyerno para malutas ang isyung
pang-ekonomiya?
a.) Merkantilismo – sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ito ang
sistemang namayaning pang-ekonomiyang kaisipan na gumagabay pagdating sa mga
patakaran ng napakaraming bansa sa buong daigdig nuong mga naunang panahon.
Nagbibigay ito ng mga kaisipang nagsusulong na ang kapangyarihan ng isang
partikular na bansa ay nakadepende sa dami ng suplay ng mga ginto at pilak. Noong
unang panahon, nakadepende ang pagkakaroon ng kapangyarihan at pamumuno ng
isang pinuno sa dami ng ginto at pilak na mayroon ang isang tao. Maraming bansa sa
Europa ang nagtuon ng pansin sa pagkolekta ng napakaraming ginto at pilak na
kanilang ginawa sa pamamagitan ng pananakop sa mga bansang mahihina.
Karagdagan nito, ang sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya
na ang isang bansa ay uunlad sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-angkat at
pagsuporta sa pag-export ng mga kalakal. Sapagkat, ang pangunahing layunin ng
Merkantilismo ay ang pagkakaroon ng isang balanseng pangangalakal na magdadala
ng ginto at pilak sa bansa at pagpapanatili ng tinatawag ng domestic employment.
b.) Komunismo – ito ay ipinatupad sa Russia noong 1927 ni Vladimir Ilich Lenin na
mas popular sa pangalang Lenin. Samantala, pinalaganap ang komunismo sa Tsina
noong 1949 sa pamumuno ni Mao Zedong na mas kilala sa tawag na Mao Tse-tung.
Ito ay isang uri ng sistema kung saan lumilikha ng makataong lipunan na hindi
tumitingin sa kaurian o estado. Ito ay may layunin na manindigan sa panlahatang
pagmamay-ari at sa matibay na prinsipyong “Galing sa bawat isa base sa kanyang
kakayahan, para sa bawat isa base sa kanyang mga pangangailangan.” Mahigpit na
ipinagbabawal sa sistemang ito ang pagmamay-ari ng mga pribadong industriya. Ang
mga aklat na isinulat nina Karl Marx at Freidrich Engels ang itinuring na bibliya ng
mga komunismo.
e.) Kolonyalismo – ito ay isang sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa buong
mundo kung saan sinasakop ng mga bansang malalakas ang mga bansang mahihina
upang direktang mapakinabangan. Ito ay isang uri ng sistema kung saan
makakaramdam ng panliliit ang mga mahihinang bansa at makakaramdam naman ng
sobrang kapangyarihan ang mga malalakas na mga bansa.
5.) Ang pagsasaayos ng badyet, mga kalakal at patutunguhan nito, pati oras ay
mabuting bigyan ng sapat na pagplaplano para maabot ang nais na resulta.
Kailangang maintindihan ang Kaugnayan ng alokasyon sa
kakapusan,pangangailangan, at kagustuhan.