Final Narrative Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GROUP 3 H11 – A FIL 110.

MGA MIYEMBRO: Ayado, Cruz, Tan, J., Huldong

KASAYSAYAN NG BAGONG TAON:

Sa Babylonia unang nagpakilala ng konsepto ng Bagong Taon noong 2000 BC. Pinagdiriwang

tuwing “Vernal Equinox”, para sa masaganang ani sa susunod na taon. Ito’y pinagdiriwang

tuwing kalagitnaan ng Marso. Pinagdiriwang ang Akitu sa Babylonia, isang rehiyon na nasa loob

ng Mesopotamia. Ang Akitu ay isang salitang Sumerian na ang ibig sabihin ay “Barley” o

“Palay” sa tagalog. Maraming sinaunang bersyon ang selebrasyon ng Bagong Taon bago pa man

dumating ang Kristiyanismo sa mundo kaya maipagtatanto na ang selebrasyon ng Bagong Taon

ay isa talagang Paganong tradisyon. Ang mga sinaunang bersyon na ito ay ipinagdiriwang ang

ani noong nakaraang taon at umaasa naman na ang susunod na taon ay parehas din ang

kalalabasan.

Noong 8 BC sa Roma sinasabing nilikha ang sinaunang kalendaryo ng mga Romano na

naglalaman ng 10 buwan at 304 na araw. Si Numa Pompiliu, isang Romanong hari, ang

nagdagdag ng dalawang buwan na Januarius at Februarius. Ngunit, habang tumagal ang

panahon ay hindi nakatugma ang kalendaryo sa paggalaw ng Araw. Nong 46 BC, nabuo ang

bagong bersyon ng kalendaryong Romano. Kung saan naging Enero 1 ang pagdiriwang ng

Bagong taon dahil: a. Inialay sa diyos na si Janus at b. Si Janus ay may dalawang mukha na

nagsisimbolo ng pagbabalik tingin sa nakaraan at pagtingin sa kinabukasan.

Si Julius Caesar ay kilalang emperador na nagpabago ng iral ng pagbibilang ng mga araw gamit

ang tulong ng mga dalubhasa sa Matematiko noong kanyang panahon. Tinawag ang

kalendaryong Julian Calendar. Tradisyon ng mga Romanong magbigayan ng alay o regalo


para sa isa’t isa at para sa diyos na si Janus.

Ang Gitnang Panahon / Middle Ages ay punto sa kasaysayan na nagmarka ng katapusan ng

emperyong Romano at simula ng Renaissance. Noong 567 AD, pinagpasyahan ng Konseho ng

Tours na ilagay ang simula ng bagong taon sa Pista ng Pagkabuhay o Easter. (Marso 21), kaya

maraming mga bansa sa Europa ay karaniwang ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa mga petsang

ito:

a. MARSO 1 – Tulad ng mga dating Romano

b. MARSO 24 – Dahil ito’y Pista ng Pagaanunsyo

c. DISYEMBRE 25 – Dahil ito’y sumisimbolo ng pagkapanganak kay Hesus

Noong Late Middle Ages, naibalik ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa Enero 1. At noong

Oktubre 1582 , naglabas ng bago at mas wastong kalendaryo na kung tawagin ay Gregorian

Calendar ang simbahan, na pinangasiwaan ni Pope Gregory XIII. Ang repormang ito ay bunga

ng pagkakamali ng Julian Calendar sa pagbibilang ng mga Leap Year

Sa kasalukuyang panahon ay ginagamit ng mayorya ang Gregorian Calendar bilang basehan

kung kailan ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Ang pista ng Bagong Taon ay isa sa mga

pinakamalaki na pagdiriwang sa mundo. Karaniwang gumagamit ng mga makukulay na paputok

upang salubungin ang bagon taon at may kanya-kanya ring tradisyon ang iba’t ibang mga kultura

na nalikha dahil rito.

EPEKTO NITO SA KABUHAYAN AT PANANAMPALATAYA:

Ang Bagong taon ay maraming epekto sa atin. Tulad ng paniniwala natin na dahil bagong taon, mag

babagong buhay tayo, na makakabuti para sa ating pamumuhay at sa ating pagkatao. Ang tawag dito ay
“new year’s resolutions “. Ang mga halimbawa dito ang pagpapapayat, pagtitipid, pagiipon, pagsisipag,

atbp. Madaming tao ay hindi na ito ipinapagpatuloy pagkasapit ng bagong taon, ngunit para sa mga taong

ginagawa talaga ang kanilang “new year’s resolutions”, nakakatulong talaga ito kanilang pamumuhay o

pagkatao.

Tuwing bagong taon, maraming tao ay ang nagpapaputok dahil sa paniniwala na maipapaalis nito ang

mga masasamang espirito. Ngunit ang pagpapaputok ay nagdudulot ng polusyon at ito ay masama para sa

ating kapaligiran. Maganda tignan ang mga ito ngunit sa katagalan, tayo rin ang makakaranas ng mga

masamang mga epekto nito sa ating kapaligiran. Ipinagbawal na ang pagpapaputok ng gobyerno lalo na

tuwing bagong taon, ngunit madami pa rin ang sumusuway dito.

May paniniwala o pamahiin na kapag binuksan mo ang lahat ng bintana, pintuan, aparador, atbp tuwing

bagong taon ay papasok sa inyo ang swerte, ngunit ito ay nakaka apekto sa ating pananampalataya dahil

kasalanan sa diyos ang pagawa/pagpaniwala sa mga pamahiin.

Tuwing bagong taon tayo ay nagpapasalamat sa diyos na binigyan niya tayo ng isa pang taon. Madami

rin ang nagsisimba. Ipinagdadasal rin natin na sana maganda ang taon na parating at madami tayong

matutunan. Nakaka epekto ang bagong taon sa ating pananampalataya sa paraan na napapatibay nito ang

ating relasyon sa Diyos.

BAGONG TAON SA IBANG LUGAR

Lahat ng tao ay nagdiriwang ng “New Year”. Pero sa iba’t ibang bansa, may mga sarili silang

paraan, magbibigay ako ng mga ilang halimbawa. Sa Thailand, Kapag nagbabagong taon nga

naman sa Thailand ay may sarili silang tradisyon doon. Ang mga tao ay nagwiwisik ng tubig sa

isa’t isa. Ito ay sumisimbolo ng paglilinis ng kanilang mga kasalanan sa naunang taon. Sa

Pilipinas naman ay bilang isang Pilipino, ang masasabi ko ay kapag bagong taon, nagsasama

sama lahat ng magkapamilya at nagsisikainan at natatawanan. Kami rin ay kumakain kapag 12


am, at tawag diyan ay “noche buena”. Pagkatapos kami ay nagpapaputok ng mga “fireworks” at

talagang nagpapaingay para maipaalis ang mga masasamang espirito. Sa Germany naman ay

kapag nag January 1 na nga magsisimula sila ng “live concert” sa hapon o sa gabi at tradition

ng Chancellor ng Germany gumawa ng isang talumpati para sa mga tao ng bansang iyon.

LAGAY NG BAGONG TAON SA PANAHON NG TEKNOLOHIYA

Sa pagunlad ng ating teknolohiya, napapadali na ang pagbigay ng liham sa kapwa natin na

nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil dito ang pagbati sa mga tao ay mabilis at maaaring

matanggap kaagad. Katulad ng simpleng pagbati sa iyong minamahal na nasa ibang bansa,

maaari mo na siyang batiin ng bagong taon at iyon ay kaniyang matatangggap kaagad gamit ang

mga umuusbong at mga kilala na “applications” katulad ng Messenger at Facebook na

kadalasang ginagamit ng mga tao ngayon. -Isa pang halimbawa ay ang pagkaroon ng “simulated

fireworks” ito ay pinapalabas gamit ang iba’t ibang kulay at hugis ng ilaw upang maipakit ang

larawan ng isang “firework”. Ito ay mas maingat at mas ligtas kung ikukumpara mo sa mga

sisinsindihang “fireworks”. Madalas itong ginagamit at ginagawa kapag mayroong mga light

show o di kaya’t selebrasyon ng bagong taon na ipinapalabas sa isang parke upang sama sama

magdiriwang ang masa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

You might also like