Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Name : Malingin, Ronibe B.

Date: February 10,2020

Section: HUMSS 1220

Kakayanin ba?

Noong ika-11 ng Marso taong 2018, ako’y nakasakay sa isang puting van at

nakaupo sa pinakadulo nito malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang bukang liwayway

habang nakangiting pinagmamasdan ito. Subalit, ako’y natigilan nang marininig ko ang

mga tawanan ng aking pamilya na masayang-masayang nag-uusap at halatang

nasasabik sa lugar na aming pupuntahan. Habang sila’y nagtatawanan, binaling ko ang

aking atensiyon sa paglagay ng pang-ulong hatinig sa aking tenga hanggang sa tuluyan

akong nakatulog. Maya-maya ay naramdaman kong may tumatapik sa kanang bahagi ng

aking braso at naririnig ko ang boses ng aking tiyahin na naiinis dahil kanina pa nila

akong ginigising sapagkat ako na lamamg pala ang kanilang hinihintay na lumabas sa

van.

Sa aking paglabas, may nakita akong isang karatulang nagsasabing “Welcome to

Eden Nature Park” at ang pasyalan na ito ay matatagpuan mismo sa Brgy. Eden Toril,

Davao City. Pinagmasdan kong maigi ang paligid at ako’y namangha dahil sa maraming

mga matatayog na puno ang makikita pati na rin ang iba’t ibang uri at pamilyadong mga

bulaklak kagaya ng gumamela, daisy, sunflower at iba pa. Naglibot-libot kami hanggang

sa napadpad kami sa isang malawak at patag na lupain. Kahit sa mainit nitong panahon

ay nararamdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Naka agaw ng aming pansin, ang

mga sigawan ng mga tao kaya unti-unting kaming lumapit. Nang makarating na kami ay
inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mga taong nakalambitin at inuugoy sa itaas

gamit ang maitim na kable suot ang kanilang “body harness at safety gear”. Ito ang

tinatawag nilang “sky rider” at “sky swing” na tampok ito sa mga taong naghahanap o

mahilig sa mga buhis buhay na “adventure”. Ako’y namangha sapagkat sa telebesiyon

ko lamang ito nakikita at ibang klase pala kapag ikaw mismo ang makakakita nito dahil

makakaramdam ka ng kaba sa kanila.

Habang ako’y nakatitig, tinawag ako ng aking tiyahin at tinanong kung gusto ko ba

ito subukan. Unang-una ako’y nag-aalinlangan dahil nakakatakot baka ako’y mahulog o

hindi kaya ma “stranded” sa itaas. Pangalawa, takot ako sa mga matataas dahil tandang

- tanda ko pa noong ako’y bata pa ay muntik na akong mahulog sa puno ng Sinequelas.

Buti na lang ay nakapitan ko ang kamay ng aking pinsan kaya mula noon hindi na ako

nagtangkang umakyat ulit sa matataas na bahagi. Lalong-lalo na kapag pumupunta kami

ng peryahan kasama ang aking pamilya o ang aking mga kaibigan at mag-aayaya sila na

sumakay sa isang”ferris wheel” o di kaya sa “roller coaster” ako’y nagpapaiwan talaga

dahil hindi ko kayang subukan kasi kapag nasa itaas na ako, tinitingnan ko ang nasa

ibaba at nakakaranas ako ng matinding pagpapawis, panginginig at pagbilis ng tibok ng

puso na para bang hindi ko na kayang gumalaw sa aking kinatatayuan o hindi ko kayang

isigaw ang aking takot.

Lahat naman ng tao, ay may kanya-kanyang nararamadan na takot sa isang

bagay, sitwasyon, hayop, lugar at iba pa. Ito ang tinatawag na pobya at may iba’t ibang

uri ito depende sa isang tao. Ayon kay Dr. Berger (2005) isang psychologist, ang pobya

ay isang seryoso at walang basehan na takot sa isang bagay o sitwasyon na hindi naman

talaga delikado ngunit para sa may pobya ito ay nakakapagdulot ng sobrang pagkabalisa
at pag-iwas sa naturang bagay. Isa sa uri ng pobya ang tawag sa mga taong takot sa

matataas na lugar ay tinatawag na acrophobia. Ang acrophobia ay isang uri ng pobya na

kung saan ang sentro ng matinding takot ay nagmumula sa pagkalagay sa isang

indibidwal na nakararanas ng panic attacks na pwede maging dahilan upang mahirapan

siyang umalis sa kinatatayuan. Ito’y nakakaranas ng matinding pagpapawis, panginginig,

pagbilis ng tibok ng puso, pagkabalisa at pagkakapos ng hininga.

Ang tanging sagot ko sa tanong ng aking tiyahin ay oo habang pinagmamasdan

ko ang mga taong nasa itaas at kung gaano ito kataas. Sa palagay ko, hindi naman

masama kung susubukan ko ang ganitong pagkakataon at napakasayang sapagkat

minsan ko lang ito mararanasan sa aking buong buhay at nandito na kami kaya hindi

ko ito pagpapalampansin. Kasi, kailangan ko ring patunayan mismo sa sarili ko na

kakayanin ko ito dahil alam ko na hindi mawawala ang isang takot kung wala akong

tiwala sa aking sarili at hanggang sa hindi ko ito magagawa tuluyan nalang ako mamuhay

sa aking takot. Tiningnan ko ulit ang mga taong nasa itaas, napansin kong binubuhos

nila ang kanilang kaba at takot kapag sila ay sisigaw ng malakas. Hanggang sa tinawag

ulit ako ng aking tiyahin upang mag magparehistro at lagyan na ng “body harness at

safety gear” hindi ko maiwasan ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso dahil sa kaba at

ito rin ang pinakaunang lalagyan ako ng ganito kasi hindi ko akalain na makakasuot ako

ng ganito sapagkat sa telebisyon ko lamang ito makikita. Nang matapos na ang paglagay,

ay tinawag na kami ng lalaki dahil kami na pala ang susunod at kasama ko ang tiyahin

dahil dalawa dapat ang nasa “sky swing”. Kinalabit na ng maiigi ang maitim na kable at

kami ay pinaupo na sa mismong upuan nito. Dahan-dahang hinihila kami paitaas gamit

ang maitim na kable habang hinihila ito, pinipikit ko ang aking mga mata sabay hawak
sa aking kinauupuan. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at tanaw ko ang mga

taong nanood sa ibaba at makikita rin ang mga puno, sasakyan at estraktura na

tinatayang nasa 95 feet ang taas na dapat ihalain pa itaas. Nang nakatungtung na kami

sa itaas ay bumibilis na ang pagtibok ng aking puso at nanginginig dahil sa lamig ng

simoy ng hangin kahit nga mainit nitong panahon. Narinig kong pumito ang lalaki sa ibaba

at binitawan na ang tali hanggang sa mabilis ang pag-uugoy nito na mahahalintulad sa

peryahan na “vikings”. Tanging pagsigaw ang ginawa ko na kung saan binuhos ko ang

lahat ng aking takot at kaba na nararamdaman ko. Habang kami ay dinuduyan, dahan

dahan kong itaas ang aking kamay na sumasabay sa ihip ng hangin habang nakangiti

at ninamnam ko ang mga tanawin na aking makikita. Hanggang sa unti-unting humihina

na ang pagkaduyan at ako’y naghinayang dahil gusto ko pa ulit subukan . Nang natapos

na, tinanggal na mga taling naka kalabit sa amin at sabay nakangiting kinukwento ko

ang aking karanasan habang dinuduyan.

Ngunit naputol ang aking pagkukuwentuhan ng sinabihan kami ng aking tiyuhin

kung gusto pa ba naming subukan ang “sky rider” at hindi na ako nag alinlangan ay

napasabi na ako ka agad ng oo. Umakyat na kami sa isang istasyon na kung saan doon

matatagpuan ang “sky rider”. Pag-akyat palang sa itaas kay lakas na ng hangin ang

bubungad at nakikita ko ang nasa ibaba tulad ng mga puno. Nang matapos na ang naka

una sa amin, ay kami na ang sumunod at kinalibtan na kami ng tali pero mas na una

ang aking tiyahan kasunod naman ako. Nong ako na ang kinalibitan, napatingin ako ulit

sa ibaba at makikita mo talaga ang mga tanawin na nasa ibaba tulad ng matatanaw mo

ang mga puno. Wala na akong nararamdaman na takot kundi tuwa dahil alam kong

masisiyahan ako sa ginawa ko. Nang matapos na ang pagkakabit ay tinulak na ako ng
lalaki para makalambitin sa itaas at aking isang kamay ay aking itinaas sabay sigaw

hanggang sa napunta na ako sa pinakadulo ng istasyon nito.

Bandang hapon na kami natapos sa paglilibot sa buong Eden Nature Park at

hindi lang puro mga “extreme adventure” pwede rin ang pagsakay sa kabayo, kumain,

mangisda, at iba pang mga tampok sa kanilang mga akitibidad sa kanilang pasyalan na

talaga masasaya ka at hindi magsasawa. Binuksan na ng aking tiyuhin ang puting van,

tiningnan ko ang buong paligid bago pumasok at sinabi ko sa sarili ko na babalik ako ulit

dito. Nang makapasok na ako, ay umupo na ako sa pinakadulo nito malapit sa bintana at

inalagay ko ang pang-ulong hatinig sa aking tenga habang pumipli ng kanta sa aking

selpon. Pinaandar na ang sasakyan at nakangiting akong pinagmamsadan ang paglubog

ng araw habang inaalala ang mga masasayang sandaling hindi ko makakalimutan na

nagpasubok sa aking sarili.

You might also like