Ikalawang Mahabang Exam Sa 2nd Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong at sitwasyon. Pagkatapos, piliin at itiman ang titik nang wastong sagot sa inyong sagutang-papel.

1. Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng labimpitong pantig lamang.


A. Tanka C. Haiku
B. Tanaga D. Balagtasan
2. Buuin ang kaisipan ng tula ayon sa pinakawastong pagkakasunod-sunod ng mga taludtod.
1- Nang humangi’y yumuko
2- nagkabunga ng ginto
3- palay siyang matino
4- ngunit muling tumayo

A. 3214 C. 1234
B. 3142 D. 4321
3. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, ako ang doctor.”
A. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang doctor.
B. Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya doctor.
C. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ay doctor.
D. Ang nagsasalita ay nagsasabing siya ang doctor na maaaring siya’y pinagkamalang iba.
4. Ang mga halimbawang salita ay modal maliban sa ____________.
A. gusto C. tama
B. maaari D. dapat
5. “Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.” Alin sa loob ng pangungusap ang modal na ginamit?
A. iyong C. kailangan
B. mong D. magpursigi
6. “Ibig ng magandang babae na magkaroon ng anak.” Ang may salungguhit na modal ay nangangahulugang
A. nagsasaad ng posibilidad C. hinihinging mangyari
B. nagsasaad ng pagnanasa D. sapilitang mangyari

Para sa Bilang 7-9,

Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahahalagahan. Hindi mam ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawing mga
kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nadaragdagan sa nga suliraning pambansa.

Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila ay Karamay sa suliranin at
kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.

Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.

Halaw sa “Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian”

7. Ang sumusunod ay mga kaisipan na nais ipahayag ng may-akda maliban sa ang babae ay_________.
A. may mahalagang papel sa lipunan C. katuwang sa mga suliranin
B. kaagapay sa pamumuhay D. pinagmumulan ng karahasan
8. Ang tono ng sumulat ay __________.
A. nagpapaawa C. nangangamba
B. nagpapaunawa D. nagagalit
9. Layunin ng sumulat ng talata na ___________.
A. Ipagtanggol ang kababaihan C. palakasin ang loob ng kababaihan
B. pahalagahan ang kababaihan D. hikayatin ang mambabasa

Para sa bilang 10-14,

Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang sinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay
niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibinubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang makakaalam kung kalian kakatok ang opurtunidad. Hindi
naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Nag-iisip si Huiquan.

Halaw: Niyebeng Itim

10. Batay sa kuwento, ang gawain o trabaho ni Huiquan ay ___________.


A. karpintero C. ahente
B. kargador D. negosyante
11. Ang kaisipan na makukuha sa talata ay ___________.
A. maging matatag sa buhay C. huwag susuko sa buhay
B. kailangang maging matiyaga D. huwag palagpasin ang pagkakataon
12. Batay sa reyalisasyon ni Huiquan, masasabing isa siyang taong __________.
A. inspirado C. mahusay sa buhay
B. madiskarte D. may positibong pananaw
13. Ang ibinunga ng pagtatiyaga ni Huiquan ay_____________.
A. nakapag-isip-isip siya C. may pagbabago sa buhay
B. hindi nawalan ng pag-asa D. may hinaharap na kinabukasan
14. “Nag-isip si Huiquan”. Batay sa huling pangungusap, ang aksiyong gagawin ng tauhan ay:
A. maghahanap ng kasama C. magtityaga sa pagtitinda
B. dadagdagan ang paninda D. hahanap ng ibang trabaho
15. “Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antic o sinauna.” Anong elemento ng dula ang luting sa pahayag?
A. actor C. manonood
B. iskrip D. tanghalan
16. Ito ay kohesiyong gramatikal na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan.
A. anaphora C. nominal
B. berbal D. katapora

Page 1 of 2
17. Pinakakaluluwa ng isang dula.
A. iskrip C. tanghalan
B. Aktor D. director
18. Mahilig gamiting paksa sa Tanka at Haiku ng Japan ang tungkol sa paglipas ng panahon. Ano ang ipinapahiwatig
nito tungkol sa kultura at kaugalian ng mga Japanese?
A. Mahilig magmuni-muni ang mga Japanese.
B. Mahalaga sa kanila ang bawat oras ng kanilang buhay.
C. Sentimental ang mga Japanese kaya labis nilang pinahahalagahan ang paglipas ng panahon.
D. Maraming nais ipakahulugan ang iba’t ibang panahon kaya kinahiligang gamitin sa pagsulat nila ng tula.
19. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 pantig
A. ambahan C. balagtasan
B. haiku D. tanka
20. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan?
A. paglipas ng panahon C. mainit na ang panahon
B. malapit na ang taglamig D. nalanta na ito
21. Mahalagang bigkasin nang wasto ang ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang ________.
A. mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinulat.
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid.
D. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
22. Ito ay antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami sa
bansang Japan.
A. Manyoshu C. Wintermelon
B. Hokaido D. Katara
23. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagsasaad ng posibilidad?
A. Maaari kang maging manunulat. C. Gusto kong marating ang bundok na iyan.
B. Ibig kong umahon sa kahirapan. D. Kailangan mong sundin ang iyong ina.
24. Sa bansang ito nagmula ang unang pabula sa daigdig.
A. Korea C. Gresya
B. India D. Tsina
25. Ano ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino at Baka na…dapat kainin ng Tigre ang tao?
A. Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol
B. Malupit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao.
C. Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya wala silang pakialam kung kainin man ng tigre.
D. Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsasalitang puno at baka sa tunay na buhay.
26. Tukuyin ang hindi wastong pahayag tungkol sa modal.
A. Malapandiwa ang ibang tawag sa modal.
B. Ginagamit bilang pamuno sa paksa ang modal.
C. Ang modal ay ginagamit na panuring sa mga pandiwa.
D. Ang modal ay isang uri ng pangungusap na walang paksa.
27. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
A. Ang pabula ay sumasalamin sa ating kultura.
B. Ito ay bahagi ng ating panitikan kaya mahalagang pag-aralan.
C. Mayaman sa talinghaga ang pabula kaya nagpapalawak ng ating isipan.
D. Nahuhubog ng pabula ang mabuting pag-uugali ng taong bumabasa nito.
28. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?
A. mo, iyo, ikaw C. ang, si,sina
B. ni, kung, ngunit D. mas, kaysa
29. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na ____ ng dalawang salita, parirala o sugnay can pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
A. nagsasama C. nag-uukol
B. nagtuturing D. nag-uugnay
30. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang pangatnig na magkatimbang?
A. Ang mga kababaihan at kalalakihan ay magkapantay lamang.
B. Siya ay pupunta kung sasama ka sa kanila.
C. Siya ay nag-ensayo upang mahasa pa lalo ang kaniyang galling.
D. Ako ay tatakbo kapag sasama ka sa akin.
31. Ito ay isang genre ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
lipunan.
A. tula C. kuwento
B. sanaysay D. epiko
32. Sa kanila inilalaan ang dula.
A. tanghalan C. manonood
B. director D. iskrip
33. Ito ay kohesiyong gramatikal na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan.
A. anaphora C. nominal
B. berbal D. katapora
34. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. iskrip C. diyalogo
B. director D. tanghalan
35. Alin sa ibaba ang wastong pagpapahayag tungkol sa ang pagpapahiwatig na ang kausap ay maaaring
napagbintangan ng isang bagay na hindi niya ginawa.
A. Hindi/ ako si Joshua. C. Hindi ako si Joshua.
B. Hindi ako, si Joshua. D. Hindi, ako, si Joshua.
36. “Ang aso ay umaalolong.” Ano ang konotasyon ng may salungguhit?
A. masamang pangyayari C. maliwanag na bukas
B. gutom ang aso D. madilim na paligid
37. Ito ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig.
A. diin C. hinto
B. antala D. tono
38. Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
A. diin C. intonasyon
B. antala D. tono
39. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring makapgpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin at
makapagpahina ng usapan.
A. diin C. hinto
B. antala D. tono
40. Anong mahalagang kaisipan ang natutuhan mo sa pabulang “Nagkamali ng Utos”?
A. huwag maging sakim C. daig ng matalino ang malakas
B. tumanaw ng utang na loob D. masama ang manakit ng kapwa

Page 2 of 2

You might also like