Kabanata 1-15

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

El Filibusterismo: Kabanata 1 - 15

Kabanata 1:

-Ang kubyerta ay tumutukoy sa ibabaw na bahagi ng bapor na nakalaan para sa mga matataas na uri
ng tao na karaniwan ay mga Kastila.

-Ang bapor tabo ay larawan ng ating pamahalaan ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming
balakis sa landas na ang ibig sabihin ay mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang
sumulong ang bansa.Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at
ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas ay mababang uri ng tao.

-Ang ipinahiwatig ni Dr. Jose Rizal sa kabanatang ito ay ang kalagayan ng pamahalaan na inihambing
niya sa Bapor Tabo. Mahina at mabagal ang pagtakbo nito at maraming balakid sa landas na
nagpapakita ng mabagal na pag-usad o pag-unlad ng ating bayan. Nahahati din sa dalawa ang sakay
ng Bapor Tabo - ang nasa kubyerta at ang mga nasa ilalim nito. Inihahambing niya ito sa kalagayan
ng tao sa lipunan noong panahon ng mga Espanyol. Ang pamahalaan ay nagtakda ng mababa at
mataas na uri ng tao. Ang matataas na uri ay karaniwang mga Espanyol at mayayamang tao sa
lipunan. Ang mga mabababa naman ay ang mga Pilipino.

Kabanata 2

-Huwag sarili ang palaging iisipin, dahil hindi lahat ng pagkakataon ay ikaw lagi ang may
kinakailangan. Bigyan ng atensyon ang iba pang nangangailangan dahil ang Diyos ang siyang
huhusga sa kilos at galaw mo sa buhya

-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhikain. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan. Ang pagpapari ni
Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa
anak noong unang panahon.

Kabanata 3

-Hindi lahat ng alamat ay maaring paniwalaan dahil kung minsan ang ating pinaniniwalaan ay isa
lamang palang kasinungalingan at kathang isip lamang, Ngunit hindi rin natin pipiliting ang ibang tao
na maniwala sa ating pinaniniwalaan.

-Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito'y nagpapahayag ng
pagkamatapat ng babaeng Pilipina.

Kabanata 4

-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang umiiral


noong panahon ng Kastila. Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok, o palakol ay
nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan. May mga Pilipino
ring nagpapahirap sa kapwa Pilipino, nariyan ang mga tulisang dumakip kay Kabesang tales upang
ito'y ipatubos.

-Dapat natin ipaglaban ang ating karapatan katulad nalamang ni Kabesang Tales na ipinaglalaban ang
lupain na inaangkin ng mga prayle.
Kabanata 5

-Ang kaawaawang mga Pilipino ay tumatanggap ng mabigat ng parusa sa kaunting pagkukulang.


Dapat hindi tayo magpapaapi sa mga taong walang awtoridad na tapakin tayo. Bawat tao ay may
karapatan at dapat natin to gamitin ng maayos.

Kabanata 6

-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng paghahalaga ni Rizal sa


Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta't marangal ay kailangang pasukan upang
makatapos ng pag-aaral. Kailangan ng pagtitiis, pagtitiyaga, at pagsusumigasig upang matuto.

-Hindi tayo dapat magpapadala sa mga sabi-sabi ng mga tao na iyon mismo ang rason kung bakit
masama ang pananaw natin sa sarili, bagkus gawin natin iyong lakas upang tayo ay maging tagumpay
sa ating mga gawain. Kung mayroon mang mga pagsubok na papasok sa ating buhay, dapat nating
harapin ang mga ito, huwag basta-basta sumuko.

Kabanata 7

-Sa kabanatang ito matututunan na ang katotohanan kailanman ay hindi maitatago. Tulad ng tunay na
pagkatao ni Simoun na natuklasan ni Basilio. Nalaman niya na si Crisostomo Ibarra at si Simoun ay
iisa. Ngunit sa kabila nito hindi pinilit ni Basilio na ibunyag ni Simoun ang totoong pagkatao niya sa
iba. Ito ay sa kadahilanang tumatanaw siya ng utang na loob kay Crisostomo Ibarra ng siya ay
tulungan nito na makalaya.

-Nalalarawan dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa'y
humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa ay nagnanais humiwalay upang
maging ganap na malaya.

Kabanata 8:

-Ang aral ng kabanatang ito ay ang pagiging matatag at hindi nawawalan ng pananalig sa diyos' ito ay
ipinakita sa nobelang ito ng puntahan ni Huli ang Altar at tiningnan niya kung naghimala ang birheng
maria pero wala siyang nakitang himala, pero magkagayon paman hindi siya nawawalan ng pag asa sa
buhay sa kabila ng mga kabiguang nangyayari sa kanyang pamilya,bagkus ay nagpaalila parin siya
kay hermana Penchang upang kumita ng salapi para sa kanyang ama.

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang
ibibigay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa
Diyos ang awa.Ang pagkapipi ni Tadang Selo ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis ng kanilang nais
sabihin.

Kabanata 9:

-Sa kabanatang ito ay makikita ang isang kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay makikita
pa rin: ang “chismis” o pag-uusap-usap tungkol sa buhay ng ibang tao. Sa akda ay mababasang
pinaguusapan ang buhay ni Kabesang Tales at kanya-kanyang hinuha ang mga kababaihan tungkol sa
nangyari dito. Ito ay isang kaugaliang dapat nang mawala sapagkat nagdudulot lamang ito ng ‘di
kaayusan sa komunidad. Sabi nga ng mga matatanda ay kung walang magandang sasabihn ay
mabuting manahimik na lamang.
-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban ditto noong
panahon iyonSi Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas
ng kamay at sinabing siya’y walang kasalanan.

Kabanata 10:

-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala. Ang mga Pilipino’y handing
magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.

Kabanata 11:

-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya
ng mga prayle. Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita. Ang panunuyo sa
mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.

Kabanata 12:

-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y nagiging
dahilan ng pagkawala ng kawiihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.

Kabanata 13:

-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakadat pamamaraan ng
pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang pagkaroon ng pagbabago.Ang malaking
laboratory sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sap ag-aaral. Isa ito sa
sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao

Kabanata 14:

-Si Sandovalay larawan ngmga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga
Pilipino. Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y
nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang
nagging kasama’t kamag-aral nina Isagani at Makaraig.

Kabanata 15:

-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna
ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak. Maraming taong
tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalang bahala ang ikabubuti ng bayan.

Kabanata 16: Ang mga Kapighatian ng Isang Insik

-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga


lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng
lipunan sa ngayon.

Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo

-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng
gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari
noong panahong yaon.

Kabanata 18: Mga Kadayaan


-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng
Kastila.

-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga


prayle sa kanilang kasamaa’t pagkakasala.

Kabanata 19: Ang Mitsa

-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang
maghimagsik.

-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at


masabing sila’y magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.

Kabanata 20: Ang Nagpapalagay

-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na
natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.

-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang
inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.

Kabanata 22: Ang Palabas

-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito
sa mga Kastila.

-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na
gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.

Kabanata 23: Isang Bangkay

-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng


kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng
kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.

Kabanata 24: Mga Pangarap

-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan.

-Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang kabataan
ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng


pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.
Kabanata 26: Ang Paskin

-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang
labag sa kanilang kapakanan.

-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa
Pilipinas.

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino

-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala
sa mga Pilipino.

Kabanata 28: Tatakut

-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-
nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.

-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.

Kabanata 29: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago

-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.

-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
mananampalataya.

Kabanata 30: Si Huli

-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga
may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.

-Walang natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan.

-Makapangyarihan ang pag-ibig.

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding
Kastilang ,ay ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng
katarungan sa ating bansa.

Kabanata 32: Mga Ibinunga ng mga Paskin

-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya
makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata.

-Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid


-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling
kaapihan.

-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga maruruning at
mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.

-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi
baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa
alituntunin ng kagandahang-asal.

Kabanata 34: Ang Kasal

Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:

-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di lubhang
kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap
sa kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.

-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pisata
dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang.

Kabanata 35: Ang Pista

-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin.
Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang
na ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang
nagkulang at nakgkasala.

-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong
Romano.

Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb

-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.

Kabanata 37: Ang Hiwaga

-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi
nahahayag.

Kabanata 38: Kasawinan

-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang
mga kababayan.

Kabanata 39: Katapusan

-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.

-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.

-Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarunga.


-Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng
tao.

-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

Proyekto
Sa
Filipino
Ipinasa ni: Ayesha Mhallawi
Ipinasa kay: Gng Mabel Olorvida

You might also like