Esp New 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
Gerona South District
Matapitap Elementary School
Gerona, Tarlac

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Pangalan:______________________________ Iskor:___________
Baitang:_______________________ Petsa:____________

I Bilugan ang titik ng tamang sagot:

______1. Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may
karamdaman.
a. Pagtulong sa pagpapainom ng gamot.
b. Hindi pagbisita sa taong may sakit
c. Pagtawanan ang taong may karamdaman.
d. Pang –bubully sa taong may sakit.

______2. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Pabayaan lamang siyang umiyak.
b. Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin.
c. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
d. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.

______3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong sa iyong kaklase na may
sakit?
a. Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit
b. Pagtawanan ang kaklaseng may sakit
c. Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan.
d. Wala kang gagawin.

______4. May sakit ang nanay ni Samuel kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay.
Ano ang dapat gawin ni Samuel?
a. Gumawa ng gawaing bahay at alagaan ng nanay.
b. Umalis ng bahay
c. Manood ng sine at mamasyal sa mall.
d. Makipag laro sa kapit-bahay.

______5.Nagpapakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan.


a. Paminsan-insan c. Hindi
b. Palagi d. Pagmay nakakakitang guro.

______6. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa


mga may kapansanan?
a. Masaya c. Nahihiya
b. Nalulungkot d. Wala sa nabanggit

______7. Alin ang dapat mong gawin kapag nabalitaan mong may sakit ang iyong guro.
a. Mag-iingay at mang-gugulo sa klase
b. Hindi na lang papasok sa klase.
c. Pupulungin ang buong klase at sasbihing dalawin ninyo ang guro.
d. Hihintayin na lamang na pumasok ang guro.
______8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin kung nabalitaan mong
nagkasakit ang kaibigan mong nasa malayong lugar.
a. Papadalhan ng get-well soon card.
b. Dadalawin siya sa kanilang lugar.
c. Wala kang gagawin.
d. Ipagdarasal ko siya sa madali niyang paggaling.

______9. May sakit ang iyong nakababatang kapatid, Ano ang dapat mong gawin upang
mapagaan ang kanyang pakiramdam?
a. Kukwentuhan ng nakaka-aliw ang kapatid.
b. Babasahan ng nakakatakot na kwento.
c. Iiwan ang kapatid at makikipaglaro sa mga kaibigan.
d. Manood ng T.V. at hahayaag mag-isa sa kwarto ang kapatid.

______10. May sakit ang iyong lolo at lola sa probinsya, sinabihan ka ng nanay mo na
dadalawin nyo sila sa araw ng Sabado. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama sa nanay sa pagdalaw sa mga lolo at lola.
b. Magdadahilan na marami kayong gagawin sa paaralan.
c. Sasama sa nanay ngunit masama ang loob
d. Hindi na lang sasama.

______11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan.


Nakita mo na ang kaklase mong pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan
dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil wala siyang upuan.
b. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan.
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayan ko siyang nakatayo hanggang
matapos ang palatuntunan.
d. Nagpapanggap akong di ko siya nakita.

______12. Palabas ka na ng paaralan para umuwi na ng makita mo ang iyong kamag-aral


na pilay na nahihirapan sa pagtayo sa upuan . Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan na lamang na mag-isa itong tumayo
b. Aalis na parang walang nakita.
c. Lalapitan ko siya at pagtatawanan.
d. Lalapitan ko siya at tutulungang tumayo.

______13. Nakasakay si Tricia sa sasakyan. Sa isang kanto,umakyat ang isang matandang


babae. Wala ng bakanteng upuan. Ano kaya ang maaring gawin ni Tricia?
a. Ibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.
b. Hayaan niyang nakatayo ang matanda.
c. Pababain na lamang niya ang matanda.
d. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.

______14. Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may


kapansanan sa pagtawid sa daan?
a. Pagkamagalang c. Kagandahang-loob
b. Pagkamatulungin d. Katapatang-loob

______15. May paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan,alam mong marunong


sumayaw ang kaibigan mong si Roy .Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.
b. Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
c. Wala akong gagawin.
d. Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw.

______16. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may


kapansanan . Ito ba ay nagpapakita ng malasakit sa taong may kapansanan?
a. Oo c. Hindi
b. Ewan d. Wala sa nabanggit
______17. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi
ninyo masyadong naunawaan ang kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
b. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
c. Pagtatawanan ko siya dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niy.
d. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong
kaklase.

______18. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong


paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired
child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan
ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood,ano ang dapat mong gawin?
a. Tahimik akong mananalangin n asana ay maalala niya ang nalimutang linya.
b. Tatawanan ko si Jano.
c. Tatawagin ko na siya para umupo na.
d. Sisisihin ko siya at sasabihan n asana hindi na lang sumali sa palatuntunan.

______19. Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan . Isang babaeng pilay
ang nakasandal sa dingding. Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga
nakaupo.?
a. Palabasin ang babae.
b. Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay.
c. Hayaang nakatayo ang babaeng pilay.
d. Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay.

______20. Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo
maipapakita ang iyong kabutihang –loob?
a. Bigyan siya ng upuan.
b. Yayayain siyang lumabas
c. Hahayaang nakatayo.
d. Itago ang mga upuan.

______21. Mayroon kayong pagsusulit sa Filipino. Napansin mo ang bago mong


kaklase na Aeta hindi mapakali sa kanyang upuan,dahil wala itong lapis at papel.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Lalapitan ko ang kaklase kong Aeta at papahiramin ng lapis at papel.
b. Hindi papansinin ang bagong kaklase.
c. Tutuksuhin ko ang kaklase ko.
d. Pagtatawanan ko siya dahil sa siya ay Aeta at walang gamit.

______22. Sinabi ng inyong guro na ang kamag-aral ninyong Tausug ay nasunugan,at


kinakailangan ninyong tumulong.Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi papansinin ang ibinalita ng guro.
b. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan, upang
makatulong sa aking kamag-aral.
c. Sasabihan ang mga kamag-aral na hindi dapat tumulong dahil hindi nila ito kauri.
d. Makikinig sa guro ngunit hindi tutulong.

______23. May outreach program ang inyong barangay nagpapadala ng pagkain at mga
damit sa mga batang nasa malalayong lugar.Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasama ako,ngunit hindi tutulong
b. Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay.
c. Sasama ako at buong pusong tutulong.
d. Wala sa nabanggit.

______24. Alin ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng batang nagugutom?
a. Lalapitan ko at pakakainin ang batang gutom.
b. Pagtatawanan ang batang gutom.
c. Hindi papansinin ang batang gutom.
d. Bibigyan ng panis na pagkain
______25. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang damit, ano ang dapat mong
gawin?
a. Lalapitan ko siya ,bibigyan ng damit na di ko na ginagamit at makikipaglaro.
b. Paaalisin ko siya sa lugar naming.
c. Ipapahabol ko sa aso naming.
d. Pagtatawanan ang bata.

______26. May isang batang nakatingin sa inyo habang kumakain kayo sa isang restawran
,Ano ang gagawin mo?
a. Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.
b. Itutuloy pa rin ang pagkain,habang nakatingin ang bata sa amin.
c. Hindi papansini ang bata at magkukunwaring walang nakita
d. Pagtatawanan at iingitin ang bata.

______27. Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang isang kamay at hindi kayang
dalhin ang kanyang gamit. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ko papansinin ang bata.
b. Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit.
c. Magkukunwaring hindi nakita ang bata.
d. Walang gagawin.

______28. Ilang araw ng hindi pumapasok ang kamag-aral mong Bicolano,nalaman mo na


sila pala ay kasama sa mga nag evacuate dahil sa masamang lagay ng bulkang
Mayon.Ano ang dapat mong gawin?
a. Magbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya.
b. Hahayaan na lamang dahil malayo na siya sa inyo.
c. Magkukunwaring hindi alam ang nangyari sa kamag-aral.
d. Wala sa nabanggit.

______29. Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na ginagamit. Hinimok kayo ng
inyong guro na mag donate ng mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Sasabihi sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay.
b. Hindi papansinin ang sinabi ng guro.
c. Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng ibang
bata.
d. Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.

______30. May palatuntunan sa inyong paaralan,nakita mong ang isang batang Aeta ay
sumali,bilang manonood ano ang gagawin mo?
a. Panonoorin ko siya at susuportahan sa kanyang talent.
b. Lalapitan ko siya at sasabihang huwag na siyang sumali.
c. Pagtatawanan ko siya dahil sumali siya sa palatuntunan.
d. Hindi ko na lamang siya papansinin.

______31. Dinayo ka ng iyong mga kaibigan sa inyong bahay para yayaing maglaro isang
Sabado ng hapon. Ano ang gagawin mo?
a. Tatanggi sa kanila.
b. Makikipaglaro ng may kasiglahan at kasiyahan sa kanila.
c. Magtatago dahil wala ako sa kondisyon makipaglaro.
d. Paaalisin sila at magdadahilang may sakit ako para huwag silang mamilit.

______32. May gaganaping Day Camp sa inyong paaralan at hinihikayat na sumali ang
lahat ng mag-aaral.
a. Hindi ako sasali.
b. Magpapalista subalit liliban sa araw ng Day Camp.
c. Sasali ng may kasiglahan at makikilahok sa mga aktibidad.
d. Sasali ngunit hindi makikilahok sa mga aktibidad.
______33. Ang Teachers’ Day ay gaganapin sa Biyernes. Ang mga mag-aaral ay
naatasang manguna sa programang gagawin.
a. Liliban ako sa klase sa buong lingo upang hindi na makasali.
b. Makikilahok ako ng may pagkukusa at kasiyahan
c. Makikilahok ako ngunit hindi magiging tagapanood kahit may talent.
d. Makikilahok ako upang pagtawanan ang mga batang sumali ngunit pangit ang
ginawa.

______34. Oras ng P.E. Pinalabas kayo ng guro upang magsagawa ng ehersisyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi sasali sa ehersisyo. c. Sasali sa mga gagawing ehersisyo.
b. Bibili ng palihim sa canteen. d. Magtatago sa guro.

______35. Hinati kayo ng guro sa tiglilima bawat grupo. Nagkataong hindi mo kabarkada
ang mga nakasama mo.
a. Makikilahok pa rin ngunit ipapaubaya sa mga kasama ang paggawa.
b. Makikilahok pa rin ngunit mambubully ng mga kasamahang hindi gusto.
c. Makikilahok sa paghahanda at paggawa ngunit hindi sasali kung irereport na ang
ginawa.
d. Makikilahok pa rin ang gagawin ang dapat gawin.

______36. Bawat araw may naka-assign upang maglinis sa silid-aralan ninyo. Naka-assign ka
ng araw na iyon ngunit dumating agad ang sundo mo.
a. Sasabihin sa sundo na maghintay sandali at tatapusin ng maayos ang paglilinis ng
silid-aralan
b. Aalis na ng walang paalam.
c. Sasabihin sa guro na masakit ang ulo para makauwi na.
d. Sasabihin sa mga kasamahan na apurahin ang paglilinis para makauwi na kahit
marumi pa.

______37. Kaarawan ng isa mong kamag-aral at nagkaroon ng simpleng programa sa


inyong silid-aralan.
a. Sasali upang asarin ang iba pang kasali sa programa.
b. Lalabas at bibili ng sariling pagkain,
c. Sasali lamang kung pipilitin ng may kaarawan.
d. Lalahok sa programa ng masigla.

______38. Mahusay kang gumuhit kaya’t kinausap ka ng iyong guro upang sumali sa
patimpalak na gaganapin sa inyong paaralan na sasalihan ng iba’t-ibang paaralan.
a. Lalahok at magsasanay na mabuti.
b. Iiyak at sasabihing hindi kaya.
c. Liliban sa araw ng patimpalak.
d. Magtuturo ng ibang bata upang sumali.

______39. Sa paglalaro ninyo ng iyong mga kaibigan, hindi sinasadyang tamaan ka ng


bola.
a. Susuntukin ang nakatama.
b. Iiyak at magsusumbong sa magulang.
c. Hindi kikibo ngunit aabangan sa uwian ang nakatama ng bola.
d. Sasabihing ayos lang dahil bahagi iyon ng paglalaro

______40. Nagkaroon ng simpleng paligsahan sa pagbabasa sa inyong silid-aralan. Inatasan


ng guro ang bawat isa sa inyo na magsanay mabuti. Alam mong mabagal kang bumasa.
a. Lalahok ako upang ipakitang nais kong matuto.
b. Hindi ako lalahok kahit pilitin ng guro.
c. Tatawanan ko ang mga nagkakamali sa pagbabasa.
d. Susuntukin ko ang sinumang tatawa kung ako na ang babasa.

You might also like