Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 28:

SULATAN

Talasalitaan

1. Rangya - Yaman

2. Tanyag- Sikat o Kilala

3. Ipinagtulos - Ipinagsindi

4. Liwasan - Parke (lugar na may bukas na espasyo para sa pag-aaliw)

5. Pasinaya - Unang pagbubukas

Buod:

Laman ng isang tanyag na pahayagang Kastila sa Maynila ang lahat ng mga


naganap sa tatlong araw na pista sa San Diego. Rangya ang nagsisimula at
nagwawakas sa kabuuan ng pagdiriwang sa pakikiisa ng mga Agustino at ang
pagdalo ng makisig na si Diminiko, Pari Hernando Sibyla at di mabilang na mga
kilalang Europeo, opisyal ng pamahalaan, mayayaman at mga kilalang tao sa
lipunan. Sa liwasan itinayo ang isang malaking entablado. Ang hermano mayor ng
pista ay naghanda ng di biru-biro na nakikipagpaligsahan sa Kresong Pilipino na si
Don Santiago de los Santos. Puno ng pagkain at alak maging ang mga kumbento.

Kapansi-pansin din ang di pagkakakita sa binatang usapan halos ng lahat.


Balitang may bahagya itong karamdaman at lubha itong abala sa gagawing
pasinaya ng ipatatayong paaralan. Ika-11 ng umaga inilabas ang prusisyon
kinabukasan ng kapistahan. Si Pari Manuel Martin ang nagsermon matapos ang
ebanghelyo at sumabay sa saliw ng orkestra ang mga artistang umawit sa misa.
Pinakamasaya ang sayawang idinaos sa bahay ng milyonaryong Pilipino na
tinampukan ng marilag nitong anak, si Maria Clara. Kinahapunan, dumating ang
anak ng alkalde na siyang magiging pangunahing pandangal sa paglalagay ng
unang bato ng paaralan. Nabatid agad nitong may karamdaman ang nag-anyaya sa
kanya. Samantala, ayon sa sulat ni Kapitan Martin Aristenas sa kanyang kaibigang
si Luis Chiquito na pinadadalo niya ang huli sa San Diego upang makipamista at
makipaglaro ng monte sa mga batikang tahur kabilang sina Kapitan Tiyago, Kapitan
Joaquin, Kabesang Manuel, Pari Damaso at ang konsul.

Ibinalita rin niya ang kanyang panghihinayang na makakalaro sana nila si


Ibarra ngunit ito’y hindi sumipot na tila nagpapahiwatig na ayaw ring magsugal gaya
ng kanyang nasirang ama, kaya’t isa rin siyang kawalan sa masayang libangang ito
ng mga tinitingala sa kanilang bayan. Si Ibarra ay tumanggap din ng isang maiksi’t
mabangong liham na dala ni Andeng.
Crisostomo,

Mahigit nang maghapong hindi kita nakikita. Ipinagdasal kita at ipinagtulos


ng dalawang kandila nang mabalitaan kong ikaw at may kaunting karamdaman. Ang
sabi ni Itay ay hindi naman mabigat ang iyong sakit kayat bahagyang nabawasan
ang aking pag-aalala sa iyong kalagayan. Kagabi’t ngayon ay ininis nila ako dahil sa
pagpapatunog ng piyano at pag-aanyayang magsayaw. Hindi ko akalaing
napakarami pala ng mga mapang-abala at mambubuwisit sa lupa! Kung hindi
lamang kay Pari Damaso, na nagpupumilit na ako’y malibang sa pamamagitan ng
pakikipag-usap at pagbabalita sa akin ng iba’t ibang bagay, sana’y nagkulong na
lamang ako sa aking silid at natulog. Isulat mo sa akin kung ano ang iyong
dinaramdam at sasabihin ko sa Itay na ikaw ay dalawin. Ngayo,’y nariyan si Andeng
upang ipaglaga ka ng tsaa. Sanay na siyang magluto ng pinakamasarap na tsaa at
lalong mahusay pa kaysa sa iyong mga utusan.

Maria Clara

Pahabol; Kapag hindi ka dumalaw bukas, hindi ako dadalo sa pagdiriwang


ukol sa paglalagay ng unang bato sa paaralan.

- Adiyos!

Mga Tanong:

1. Upang matanggap ni Ibarra ang liham mula kay Maria Clara, sino ang
nagdala nito sa kanya?
2. Saan naganap ang pista?
3. Ilang araw ginanap ang pista?
4. Sino ang nagsermon matapos ang ebanghelyo?
5. Ano ang masasamang hilig na binanggit sa kabanatang ito?

Mga Sagot:

1. Andeng
2. San Diego
3. Tatlo
4. Pari Manuel Martin
5. Pagsusugal, pag-iinom
Kabanata 28: Ilang Sulat

Nailatha sa pahayagan sa Manila ang mga kaganapan na nangyari sa araw


ng pista ng San Diego. Kasama sa balita ang mga sikat na tao sa San Diego, ang
mga pari, maging ang pagtatanghal kasama na ang mga artistang nagsipagganap.

Nasiyahan ang mga Kastila sa komedyang nasa wikang Kastila. At masaya


namang pinanood ng mga Pilipino ang komedyang nakasalin sa wikang Tagalog.

Ngunit si Crisostomo Ibarra ay walang dinaluhan alinman sa dalawa.


Kinabukasn ay nagdaos ng isang prusisyon para sa mga santo’t santa. Nagkaroon
din ng sayawan sa pangunguna ng mag-amang sina Kapitan Tiago at Maria Clara
bagay na ikinainis ng dalaga.

Gumawa ng liham ang dalagang si Maria Clara sa kanyang minamahal na si


Crisostomo Ibarra. Isang liham ng pag-aalala dahil ilang araw na itong hindi
nagpapakita.

Ipinaabot ni Maria Clara ang liham sa kapatid-kapatirang si Andeng.

Talasalitaan:

 Nailathala – naibalita
 Pahayagan – naglalaman ng balita
 Kaganapan – pangyayari
 Nasiyahan – natuwa
 Dinaluhan – pinuntahan

You might also like