ABSTRAK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga Epekto ng Pakikipagrelasyon
sa Akademikong Performans ng mga Mag-aaral sa Senior High School ng Garcia College of
Technology, Inc. kung ito ba ay makakatulong sa kanilang pag-aaral at upang malaman ang
profayl ng mga tagatugon tulad ng kasarian at istrand.

Ang mga tagatugon ay ang mga mag-aaral sa Senior High School ng Garcia College of
Technology ng ikalawang semestre, Taong Panunuran 2019-2020 sa Garcia College of
Technology, Inc. Batay sa kabuuang bilang ng populasyon na 1,047 na mag-aaral, ang nakuhang
sample size gamit ang Interval Method ay 281. Ang mga tagatugon ay masusing pinili sa
pamamagitan ng multi-stage sampling na binubuo ng stratified random sampling at systematic
sampling with random start. Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptibong pamamaraan ng
paglalahad ng mga datos, mula sa mga tagatugon na inenkowd sa Statistical Package for Social
Science (SPSS) na application.

Ipinakita din sa pag-aaral na karamihan sa taga-tugon ay mga babae. At halos kalahati sa


mga taga-tugon ay nanggaling STEM strand. Mas marami ang mga babaeng tagatugon kaysa sa
mga lalake. Kalahati sa mga taga-tugon na ito ay nanggaling sa STEM habang ang natitirang
kalahati sa mga taga-tugon ay nanggalig sa ABM at HUMSS. Karamihan sa taga-tugon ang
nainindigan sa kanilang binitawan na salita. Marami sa mga taga-tugon ang walang kasintahan
ngunit naniniwalang ito ay mayroon paring mabuting maidudulot sa kanilang pag-aaral.

Karamihan sa mga taga-tugon ay sumang-ayon na ang pakikipagrelasyon ay makakapag-


bigay ng motibasyon, kasiyahan at kaligayahan sa mga mag-aaral. Karamihan sa mga taga-tugon
ay naniniwalang ang nangungunang dahilang ng pakikipag-relasyon ay puppy love. Marami rin
sa mga taga-tugon ay mas pinaburan ang pagiging bukas ng kanilang relasyon sa kanilang mga
magulang.

You might also like