Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

saknong 1- Dahil inakala ni Balagtas na nakalimot na si Selya siya ngayon ay

nangungulilal sa pagmamahal at nagdurusa. Para maibsan ang mga ito inaliw ang
sarili sa pag-alala sa nakaraan.

Saknong 5-6 Kanyang inaalala ang larawan ni Celia na kanyang iginuhiy na ayon sa
kanya tanging naiwang nagpapaalala sa kanya.

Saknong 7- Ibinahagi ni Francisco ang kanilang masasayang pangyayari sa buhay nila


ni Slya sa Ilog ng Beata

Saknong 8: Ang ibig sabihin ng saknong na ito ay ang paglalambing ni Selya kay Kiko
sa tuwing mapapadaan sa puno ng mangga na puno ng bunga sapagkat nais niyang
pumitas ng mga bunga nito ngunit inaaliw na lamang siya ni Kiko upang hindi na siya
magpumilit na kumuha ng bunga ng mangga.

Saknong 19: Ang saknong na ito ay nagpapahayag ng tapat na damdamin ni Kiko para
kay Selya. Sinabi niya na anuman ang mangyari mananatili syang tapat sa pag - ibig
niya kay Selya kahit pa hanggang sa kanyang kamatayan. At kung mabalitaan man
daw ni Selya na siya ay puno ng hinaing sana daw ay maalala niya na si Kiko ay
minsang nagpahayag ng kanyang pagmamahal para sa kanya.

Saknong 21: Sa saknong na ito sinabi ni Kiko na hindi niya kailanman iwa waglit ang
pagmamahal niya para kay Selya. Bagkus ninanais ni Kiko na mas palawigin pa ang
kanyang pagmamahal para sa dalaga. Ang kanyang damdamin na tila awit na
nilapatan ng himig.

Saknong 22: Inihalintulad ni Kiko si Selya sa isang bulaklak at sinabi niyang siya ay
sumasagisag kay M.A.R. o kay Maria Asuncion Rivera na tapat na iniibig ni F.B. na
tumutukoy naman kay Francisco Baltazar.

You might also like