Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Output #5

Ang Konstitusyon ng Pilipinas

Nagmistulang Tigreng walang pangil ang Pangulo sa ating Konstitusyon ngayon, Pero ano nga ba ang
konstitusyon na gamit natin ngayon? Ang 1987 Constitution ay ang ating ginagamit na saligang batas
ngayon, Na ginawa ng mga 56 na miyembro ng constitutional commision ni Dating Pangulong Cory
Aquino. Maraming depekto ang saligang batas na ito ayon sa ilang eksperto, Sa panig naman ng may
akda nito ito ay ang saligang batas na nagbalik ng demokrasya sa ating bayan ayon sa mga may akda
nito. Sa aking pananaw dapat nang maamyendahan ito dahil para maitugma sa ating panahon ngayon,
Sa katunayan 33 years na ang saligang batas na ito. Nang ito ay paboran sa plebesito noong Pebrero 2,
1987 at ang mga iilan na batas dito ay kailangan ng mabago tulad ng paraang ng paghahalal sa Pangulo
at Pangalawang Pangulo at ang termino nito sa paglilingkod. At ang Economic Provision, Sa Economic
Provision mahigpit itong nagbabawal sa mga dayuhan na bumili ng lupain sa ating bansa. Marami pang
mga batas ang kailangan na nating palitan at palalimin dahil sa panahon ngayon marami na ang
umuusbong.

Bakit kailangan natin itong palitan? Una sa lahat maraming depekto ang saligang batas na ito dahil ito’y
produkto ng mga taong may galit sa Dating rehimen ni Dating Pangulong Marcos. At Ito ay minadali at
hindi na masyadong napag-aralan. At ito rin ay nagpahina sa kapangyarihan ng Pangulo ng Republika,
Kumpara sa dating Saligang Batas ni Dating Pangulo Marcos na ginawa noong 1973. May mga mabuting
epekto rin ang konstitusyon na ito pero mas marami ang depekto nito. Dahil lubos nitong naapektuhan
ang kapangyarihan ng ating Pangulo, At mas naging malaya ang mga Pilipino, Pinahina ang mga
kaparusahan sa mga nagkakasala. Ngunit may mga mabubuting epekto rin ito, Naging mas malaya ang
mga Pilipino noon. Pero talagang kailangan na natin itong palitan nang sa gayon ay mas maging maayos
ang ating Saligang Batas. At nang sa gayon ay magkaroon din tayo ng bagong mga batas sa ating bansa.

Sa aking palagay, Mas mabuti kung kukuha rin ng payo ang rehime ngayon sa oposisyon ng sa gayon ay
maging mas maayos ang ipapalit sa nasabing konstitusyon. Dahil kung hindi hihingi ng payo ang rehime
sa oposisyon ay magkakaroon ng hindi pagsang-ayon ng oposisyon sa desisyon at naging pasya ng
rehime. Mas maganda na ang magkaroon ng pagkakaisa dahil lahat tayo ay may kanya kanyang kuro-
kuro at talino kaya mas mabuti na yung kukunin natin lahat ng kanilang mga payo nang sa gayon ay
maging maayos ang kakalabasan ng ating konstitusyon. Maaring hindi mapirmahan ang charter change o
cha-cha, Ito ay ang pagpapalit ng saligang batas. Sa tingin ko mas magiging maganda ito kung maging
demokrasya parin at magkaroon lang ng onting karagdagan at pagtama sa mga naging mali ng dating
rehime. Mas maganda ito dahil may mga sabi sabi na Learn from your own mistakes. Di ko nsman
sinasabi na mali ang naging epekto ng saligang batas na ito sa ating bansa pero mas lamang talaga ang
naging depekto nito. Kaya mas mabuting palitan at baguhin natin ito at kumuha ng payo sa isat isa at
magkaisa. Dahil wala nang magtutulungan kung hindi tayo tayo rin mga Pilipino. Ang lahat ng mga
sinulat ko rito ay pawang opinyon ko lamang at ang aking mga nalalaman sa ating konstitusyon. Yun lang
at Salamat.
All: Solo #3:

Sa pagsikat ng araw Aking ina na pasan-pasan

Ngiti mo'y natatanaw Mga hirap na pinagdadaanan

Ang puso'y napupukaw Mapusok, itong mapagtatagumpayan

Sa isip ko'y dumadalaw Oh dakilang ina, Kami’y iyong ginagabayan

Solo #1: All:

Tunay nga na ilaw ka ng tahanan Ang paghihirap ay tatanggapin

Punong-puno ng kabutihan At ito’y kanyang susulungin

Hinding-hindi ka mapapantayan Tumumba man, Bumigay man

Nang kahit na sino man Maghirap man, Magdusa man

All: Selective:

Binabayo man kami ng problema Ngunit aking ina ika’y lalaban

Minsa'y nagkakasakit at humihina Pilit tatayuan, Pilit lalampasan

Pilit mong ibabangon sa mga pagdurusa Pilit mo ring pagtatagumpayan

Muling makakamtan sapat na ligaya

Solo #2: All:

Maraming Salamat aming ina Salamat oh aming ina

Kahit sa iyong likod ay may luha Sa mga sakripisyong iyong ginawa

Ngunit sa aking harap ay masaya Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga

At sa iyong ngiti ay may ligaya Ito’y aming papahalagahan

Mahal naming ina

All:

Hinagupit man ng mga problema

Sa amin man ito'y ipadama

Minsa'y pilit kaming binabaon

Ngunit kami'y pilit mong inaahon


Output #4
Dulang Panradyo

Connie: Partner, May mga isyu na naman na nangyayari sa ating bansa partner, Isa na rito ang War on
Drugs ng ating Pangulo, Ikaw partner ano masasabi mo?

Mike: Partner, Masasabi ko na naging madugo nga ang kampanya ng ating pangulo laban sa droga,
Maganda naman ang naging epekto nito nabawasan ang mga gumagamit ng ilegal na droga sa ating
bansa pero mali rin ang naging paraan ng ating pangulo at maraming bumabatikos dito.

Connie: Partner, Tama ka dyan naging maganda nga ang naging epekto nito sa mga bilang ng gumagamit
ng ilegal na droga sa ating bansa, Pero yun nga dumadami nga lang ang bumabatikos sa ating pangulo
dahil sa mga nangyayaring ito. Teka, Partner may kakapasok lang na balita. Susan ano ang balitang ito?

Susan: Uhm, Connie andito kami sa tanggapan ng agrikultura, Dahil may mga nagproprotesta dahil sa
Rice Tarrification Law, At sila ay humihingi ng dagdag kita sa tanggapan dahil tila hindi patas ang
nagiging presyo nito.

Connie: Oo nga pala, Napasa na ang Rice Tarrification Law na nagtataas ng buwis sa mga produkyong
agrikultura at tila hindi ito nagustuhan ng ating mga magsasaka. Teka Susa may pahayag na ba ang
kalihim ng Tanggapan ng Agrikultura?

Susan: Sa ngayon Connie, Wala pang pahayag ang kalihim kaugnay sa mga nangyayaring isyu na ito,
Ngunit inaantay namin ang pahayag ng Kalihim, Yun lang muna para ngayon. Ako si Susan Velarde
nagbabalita DZEJ NEWS.

Connie: Uhm, Partner nabalitaan mo ba yung isyu na yon?

Mike: Oo nabalitaan ko na iyon, Ikaw ano ang opinyon mo tungkol dun?

Connie: Patas lang, Kasi nangangailangan din yung mga nagtitinda ng bigas upang makakuha sila ng
taripa, Dahil pati ang ating gobyerno ay nakikinabang dito ngunit di ko rin ito nagugusutuhan dahil di
nagiging patas para sa ating mga magsasaka. Pero sana i-review nila ang batas na ito at baguhin nila
nang sa gayon ay maging patas ito.

Mike: Tama ka dyan, Onting pagrereview lang sa batas na ito at ayusin para nang sa gayon ay maging
okay para sa ating mga magsasaka.

Connie: O siya, Eto pa lamang ang mga latest na balita ngayong hapon, Ako si Connie Reyes

Mike: At ako naman si Mike Valdez, At eto ang DZEJ NEWS.

You might also like