Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paggamit ng Differentiated Instruction sa pagtuturo ng Filipino 10

sa mga mag-aaral ng Sta. Peregrina High School

Caparas, Jerald Mari A.


Sebastian, Dailyn DC.
Calma, Joshua

Panimula
Ang Differentiated Instruction ay isang paraan ng pagtuturo. Naglalayon ito na malaman
ng mga Guro ang mga estratehiyang gagamitin Niya upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga
mag-aaral. Ayon kay Carlson(2008) maaring gamitin ito sa pag-modify ng nilalaman (ano ang
ituturo), proseso (paano ituturo), at produkto (paano ipapakita) ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan sa klase. Isa itong mabisa at epektibong paraan upang linangin ang kaalaman at
kakayahan ng mga mag-aaral at magkaroon ng kawilihan sa pagkatuto ng mga pang-
akademikong aralin. Ang paggamit ng D.I ay isa sa mga isunusulong ng mga Dalubhasa sa
larangan ng Edukasyon dahil ang mga mag-aaral ay unti-unti ng nawawalan ng motibasyon
hinggil sa asignaturang Filipino. Layunin ng pag-aaral na ito na makita ang bisa ng estratehiyang
ginagamit sa pagtuturo sapagkat ang mga guro ay nakaharap sa samu't saring mga pagsubok sa
pagtupad ng inaasam na layunin upang matamo ng mag-aaral ang pagkatuto ng asignaturang
Filipino. Batay sa programang K-12(2012), ipinanukala ang sistemang ito upang tugunan ng
pangangailangan ng mga mag-aaral sa pakikiisa sa hamon ng pandaigdigang kompetisyon kung
kaya ang mga guro ay nararapat na umisip at lumikha ng mga paraan ng pagtuturo upang maabot
ng mag-aaral ang pantay-pantay na kaalaman sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang antas ng
kasanayan.. Ang guro ay may malaking obligasyon sa lipunan. Sila ang humuhubog at
nagtatanim ng kaalaman sa mga susunod na henerasyon. Ito ay kinakailangang maisagawa ng
maayos sa paraang sistematiko upang pukawin ang atensyon ng mga mag-aaral na may
hangaring matutunan ang isang paksa. Mahalaga rin ang paggamit ng mga estratehiya na
makatutulong upang maging ganap ang pagkatuto ng mag-aaral. Ayon kay Badayos (2008),
anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-
aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa
kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na
ginagamit ng guro. Ang Differentiated Instruction ay isang estratehiyang ginagamit sa pagtuturo
sa ilang mga matataas na paaralan. Nakapaloob dito ang mga kasanayan na maaring ilapat sa
mga paksa sa asignaturang Filipino gaya ng panitikan at balarila. Ang mga mag-aaral ay may
iba't ibang uri ng kaaalaman gaya ng galing sa pag-awit, husay sa pag-arte, paglikha ng mga
konsepto pasulat man o pasalita at pagguhit. Dahil dito ang Paggamit ng D. I ay angkop sa mga
abilidad at kakayahan ng mag-aaral kung saan nagagamit nila ang mga ito sa mga aralin. Sa
pagsasasgawa nito ay pumapasok din ang Estratehiyang komunikatibo ay mga paraan na
ginagamit sa paglilipat ng konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan, at saloobin sa pag-iisip at
mga gawain ng mga mag-aaral mula sa pagkilala lang sa gramatika tungo sa pagpapalawig, pag-
uugnay, at paggamit sa aktwal na sitwasyon sa tunay na buhay, pasalita man o pasulat na
iminungkahi ni Dote (2016). Sa pagsasagawa ng D.I ay hindi lamang nito hinuhubog ang
kaalaman o abilidad ng isang mag-aaral bagkus ay napauunlad din nito ang kaniyang tiwala sa
sarili at pakikipagkapwa. Dahil dito nakabubuo sila ng relasyon sa isa’t isa na pinapatibay ng
mga kasanayan na inihanda sa pagsasagawa gamit ang Estratehiyang D.I. Mungkahi ni De Juan
Jr. (2008) na gamitin ang estratehiya sa pagtuturo sa pamamagitan ng Collaborative na gawain,
ibig sabihin kinakailangan na na nagkakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang
matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at madagdagan
ang kooperasyon ng mga mag-aaral. Nahuhubog ang magagandang pag-uugali at
pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa
kanilang sariling kakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at
mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag-aaral at mataas na
motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ng guro at mag-aaral, at ng
mag-aaral sa kapuwa mag-aaral.

Suliranin ng pag-aaral

1. Anu-ano ang mga paksa sa Filipino 10 nahihirapan ang mga mag-aaral?


2. Anu-anong mga paksa ang ginagamitan ng D. I sa pagtuturo ng Filipino 10?
3. Paano itinuturo ang mga paksa gamit ang D. I
4. Gaano kaepektibo ang paggamit ng D. I sa pagtuturo ng Filipino 10?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik ay nakatutulong sa mga mag-aaral, guro, paaralan at


tagaplano ng kurikulum. Nagiging kawili wili at nakagagaganyak sa mag-aaral ang pag-aaral ng
araling Filipino sapagkat interesado ang mga gawain na inihanda sa pamamagitan ng
Differentiated Instruction at nagiging mabisa ang pagtamo at pagkatuto ng mga paksa. Gayundin
nadidiskubre ang kanilang mga talento at kakayahan sa harap ng klase. Nakatutulong ang pag-
aaral na ito sa mga Guro upang ang mga paksa sa araling Filipino ay madaling matutunan ng
kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan nd D.I bilang estratehiya sa kanilang pagtuturo.
Gayundin, makita ang kahalagahan ng pag-aaral sa asignaturang Filipino sa pamamagitan ng
Epektibong estratehiya ng pagtuturo. Kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito upang mapataas
ang kalidad ng Edukasyon partikular sa Larangan ng Filipino Sa isang paaralan na nahuhubog
dahil sa mga inahandang kasanayan at mga paksa na nilapatan ng Differentiated Instruction. Ang
pag-aaral na ito ay makapaglalahad ng ideya bilang inobatibong paraan ng kasalukuyang
kurikulum. Maari itong magsilbing batayan sa paglikha ng makabagong pamamaraan.
Nakatutulong ang pananalilksik na ito upang mapag-aralan ang mga angkop na estratehiya na
ginagamit sa pagtuturo at paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Larangan ng akademiko
kung paano natatamo ng mga mag-aaral ang mga kaalamang natutunan.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang Guro sa Filipino na gumagamit ng Differentiated


Instruction bilang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at mga Mag-aaral na
nagsasagawa ng mga iba't ibang paksa sa Filipino na nilapatan ng naturang estratehiya na may
kabuuang bilang na 50 na mag-aaral at Isang Guro. Isinagawa ang pananaliksik na ito noong ika-
3 ng Pebrero hanggang ika-___ ng ____. Ang mga Datos tulad ng pagkuha ng mga Paksa na
nilalapatan ng D.I, mga gawain na isinasagawa sa pagkatuto ng paksa, at pagkuha ng mga marka
bilang pagsukat ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ay kinalap upang gamitin sa pag-
aanalisa, pagbuo ng Interpretasyon, at paglalahad ng resulta ukol sa pagtamo at pagkatuto ng
mga Mag-aaral sa mga paksaing Filipino gamit ang D.I bilang estratehiya sa pagtuturo. Hindi
sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa iba't ibang baitang ng SPNHS upang mapanatili
ang kaayusan ng pagkuha ng Datos.
TALAWAKAS

Dote, Gail Anne (2016). Mga Estratehiya sa pagtuturo ng wika. Nakuha ng ika-11 ng Pebrero sa
:https://prezi.com/a3eicocnuh-v/mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-at-ang-pamamaraang-komu/

De Juan Jr., Albertine (2008) . Mga Istratehiya sa Filipino. Nakuha ng ika-11 ng Pebrero sa:
https://www.slideshare.net/AlbertineDeJuanJr/mga-istratehiya-safilipisno

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto/sa Filipino. Mga Teorya,


Simulain at Estratehiya. Malabon City; Mutya Publishing House,

Manallo, April Dioneda(2014). Differentiated Instruction sa Pagtuturo ng Panitikan. Nakuha ng


ika-11 ng Pebrero sa https://www.coursehero.com/file/48236467/Chapters-1docx/

You might also like