Banghay Aralin Sa Filipino (MG) Ste2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 8

I. Layunin
a. Natutukoy ang sukat at tugma ng tula;
b. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita; at
c. Nakalilikha ng matatalinhagang paglalarawan sa kanilang isipan batay
sa napakinggan / binasang tula.

II. Paksang Aralin


a. Paksa : Ang Guryon ni Idefonso Santos (google)
b. Kagamitan : powerpoint at visual aid

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Pagbabalik -Aral

B. Pagganyak
Talasalitaan. Pagbibigay kahulugan sa bawat salita

1. malagot - ______________
2. madaig - ______________
3. makipagdagitan - ____________
4. pakatimbangin - _____________
5. magwagi - _______________

C. Paglalahad
1. Aktibiti
Pagtalakay sa tulang “Ang Guryon” ni Idefonso Santos

2. Analisis
Naglalahad ba ng kwento ang tula?
Tungkol saan ang tula?
Sino ang nagsasalita sa tula?
May sukat ba at tugma ang tula?

3. Abstraksyon
Gaano kahalaga ang mga paalala ng ating mga magulang?

4. Aplikasyon
Ang mga mag-aaral ay gagawa/bubuo ng dalawang saknong na sa palagay nila ay
tutugon sa nagsasalita kung sakaling ipapalagay na sila ang kinakausap o
binibigyangbilin. (malayang tula)

Pamantayan:
Angkop na Salita ……………………………………10%
Nilalaman……………………………………………… 10%
Pagkakabuo…………………………………………….5%
------------------
25%

IV. Ebalwasyon
Sa paanong paraan nagkatulad ang guryon at ang buhay ng tao?
V. Takdang Aralin
Iguhit ang larawang nabuo sa inyong isipan habang binabasa ang tulang “ Ang
guryon “
Banghay Aralin sa Filipino
Baitang 9

I. Layunin:
1. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat
isa sa nobela.
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag.
3. Naisasadula ang buod ng nobela batay sa pangyayaring nabasa

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Kabanata 12-22 (Mga Kabataan ng Pagkasawi at Trahedya)
B. Kagamitan : Larawan, sipi ng nobela, visual aid
C. Sanggunian: Noli Me Tangere

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Pagbabalik- aral

B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga karakter ng Noli Me Tangere. Susuriin at
ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang katangian ng mga ito.
C. Paglalahad
1. Aktibiti
Ipabasa sa mga mag-aaral ang buod ng kabanata ng kabanata 12-22 ( Mga kabataan
ng pagkasawi at Trahedya )

2. Analisis
Talasalitaan. Ibigay ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag na ginamit sa
teksto.

1. Sinabi ng sepulturero na ito’y hinayaan na lamang na lamunin ng lawa.

2. Halos kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng kamalasan sa


dalawang magkapatid na sakristan, sina Basilio at Crispin.
3. Wari bang tuluyang nawalan na ng bait si Sisa.
4. Lumapit sa kaniya ang si Pedro, ang ama ng dalawang batang sawimpalad.
5. Mas makabubuti ito kaysa maihanay sa mga sumakabilang-buhay na Intsik.

3. Abstraksyon
Pag-unawa sa Binasa
1. Isa-isahin at ilarawan ang tauhan sa nobela gamit ang mga pang-uri. Isulat
din ang maaaring kahalagahan nila sa kuwento at ang maaaring kahinatnan
ng kanilang karakter sa pagtatapos nito.

Tauhan Katangian Kahalagahan Kahihinatnan

4. Aplikasyon
Hahatiin sa dalawa (2) pangkat ang mga mag-aaral at ang bawat grupo ay
magsasadula ng buod ng kabanata 12-22.

IV. Ebalwasyon
Punan ang patlang ng hinhinging kasagutan
1. Si Ibarra ay nagtungo sa _____________ upang alamin ang nangyari sa labi ng
kanyang ama.
2. Sa paglabas niya sa kampo santo, nakasalubong niya si ____________ at sinugod
ito, sa pag-iisip na ito ang kurang nag-utos ng paglapastangan sa ama.
3. Halos kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng kamalasan sa dalawang
magkapatid na sina _____________ at ____________ .
4. Ang batang si Crispin ay napagbintangan ng sakristan mayor na nagnakaw ng
_______________ sa parokya.
5. Tinangka ni ______________ na umalis na lamang ngunit nakita siya ng isa sa mga
guwardiya at inusisa.

V. Takdang Aralin
Magkaroon ng paunang pagbasa sa susunod na kabanata ng Noli Me Tangere

You might also like