Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas )

Probinsya ng Pangasinan ) S.S


Siyudad ng Urdaneta )

KONTRA SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Juan De Vera, dalawampu’t limang taong gulang, isang pulis, may asawa at
kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Pedro, Blahblah City, at pagkatapos
makapanumpa nang sang-ayon sa ating umiiral na batas ay malaya at kusang loob na
nagsasabi:

1. Na ako ang siyang nakareklamo sa kasong pagpatay kay Roman Stewart na


isinampa ni Martha Stewart sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor ng Urdaneta
City Pangasinan.

2. Na ang akusasyon na ito ay mariin kong itinatanggi sa kadahilanang ang habla


laban sa akin ay walang katotohanan at gawa-gawa lamang.

3. Na ang totoong nangyari ay ang mga sumusunod:

3.1.1. Na sa pagdating ko sa lamay ay nakita ko na madami na ang


tao at may mga naglalaro ng baraha at maingay.

3.1.2. Na ako ay dumeretso sa loob para tignan ang labi ni Ana dela
Cruz at makiramay sa kanyang pamilya

3.1.3. Na habang ako ay umiinom ng kape ay napatingin ako sa mesa


kung saang naglalaro ng lucky 9 si Roman Stewart , ay
nagkakantyawan na tumaya na siya at ng masimulan na ang laro.

3.1.4. Na pagkalipas ng ilang sandali ay may nagsisigaw ng “Dinadaya


niyo ako” “Ibalik niyo pera ko” at nagaaway na sila at
nagsusuntukan .

3.1.5. Na ako ay lumapit para awatin sila, ngunit ayaw nila paawat,
tinignan ako ng masama ni Roman Stewart sabay sigaw “Wag
kang makialam”at kinuha niya ang aking baril at itinutok sa akin at
sabing” pakialamero ka”.

3.1.6. Na sa takot na iputok niya ang baril ay nakipagagawan ako sa


kanya at iniiwas ang baril na nakatutok sa akin na sa aming
pagaagawan ay nakalabit ko ang gatsilyo at naputukan si Roman at
sa aking gulat ay nakalabit ko ulit at nabaril siya ulit.

3.1.7. Na ako ay dali-daling umalis sa lugar at nagpunta sa istasyon


ng pulisya upang isuko ang aking sarili.

4. Malinaw sa aking pahayag na wala po akong intensiyon na patayin si Roman


Stewart o manakit ng ibang tao nung itutok ni Roman ang baril sa akin
ipinagtanggol ko lang ang aking sarili at walang intensiyon pumatay o manakit ng
iba.
5. Ang kontra-salaysay na ito ay aking ginawa upang isiwalat ang
katotohanan ng mga pangyayari at upang hilingin sa kagalang-galang na
tanggapan ng Taga-usig ng Lungsod ng Urdaneta City Pangasinan na ang kaso
sa akin ay ipawalang bisa.

Sa katunayan ng lahat, ito ay aking nilagdaan at sinumpaang ngayong ika-31 ng


Enero taong 2018 dito sa Lungsod ng Urdaneta City, Pangasinan.

Juan de Vera
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, on this 31st day of January, 2018
in Urdaneta City, Pangasinan. I hereby certify that I have personally examined the
affiant and that I am satisfied that he fully understood the contents of this
Counter-Affidavit and that he freely and voluntarily executed the same.

Xorah Lee
Assistant City Prosecutor

You might also like