Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Republc of the Philippiines


Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Bamban National High School
Website:www.depedzambales.com

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 8
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

1. Alin sa mga sumusunod na institusyon sa lipunan ang natatanging samahan na hindi kailangang iboto, ihalal at piliin ang mamumuno?
a. Pamilya b. paaralan c. pamahalaan d. simbahan
2. Alin sa mga sumusunod ang una at pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang mga magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol sa kanilang karapatan
d. Pagtatakda ng mga patakaran sa pamilya
3. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil karapatan ng mga magulang na sila ay turuan
b. Dahil ang kanilang ipinapakitang gawi at kilos ang tutularan ng bata
c. Dahil sila ang nagsasanay sa mga bata na pahalagahan ang pag-aaral
d. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata na pahalagahan ang pag-aaral
4. Maliban sa pagbibigay sa mga anak ng makakain, maisusuot, matitirhan at paghahanda sa kanila ng magandang trabaho, alin pa sa mga
sumusunod ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang anak?
a. Maghanap ng magiging kabiyak ng kanilang mga anak
b. Paggabay upang makamit ang kaligayahan at kaganapan bilang tao
c. Maiparanas ang lahat ng kaginahawahan sa buhay
d. Saluhin ang lahat ng problema ng mga anak.
5. Ang pagiging kasapi ng gang, maagang pagbubuntis, pagkalulong sa droag at pagkakasangkot sa mga krimen ay bunga ng__________.
a. Kawalan ng kakayahan ng kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasya
b. Impluwensya na nakikita sa kapaligiran
c. Bunga ng pag-eeksperimento
d. Pagiging mapusok at padalos-dalos ng desisyon
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang resulta ng labis na pagiging makapamilya ng mga Pilipino?
a. Pagiging sobrang palaasa kahit mayroon ng sariling pamilya
b. Pagtulong ng pamilya sa oras ng pangangailangan
c. Pag-aalaga sa kapamilya hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay
d. Pagsisikap na magsama-sama sa mahahalagang okasyon
7. Ano ang pinakamabisang paraan upang manatiling matatag ang pamilya sa kabila ng maraming pagbabago na dala ng modernisasyon?
a. Panatilihin ang pagmamahal at malalim na pananampalataya sa Diyos
b. Dumalo sa mga gawaing pampamilya sa pamayanan
c. Maglaan ng panahon upang makapgbonding sa isa’t-isa
d. Manghingi ng payo o tips sa mga eksperto sa paglutas ng priblemang pampamilya
8. Bilang likas na tagapamahala ng lahat ng likha ng Diyos tungkulin ng pamilya na pangalagaan ang ____________.
a. Lipunan b. pamahalaan c. kalikasan d. komunidad
9. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata na gumawa ng mabuting pagpapasya MALIBAN sa:________________.
a. Pagtitiwala
b. Pagtataglay ng karunungan
c. Pagbibigay ng labis na Kalayaan
d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
10. Ano ang kalahagahan ng pagtuturo bg mga magulang sa mga anak ng simpleng pamumuhay?
a. Matututo silang magtipid
b. Mamumulat ang mga anak sa kahirapan ng buhay
c. Ito ay magtuturo din sa mga anak ng kahulugan ng pagtanggap, pagmamahal at katarungan.
d. Maiiwasan ang pagiging maluho at magastos
11. Si John ay kabilang sa isang broken family. Dahil dito unti-unti niyang winawasak ang kanyang buhay. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a. Ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang ay di niya kasalanan.
b. Humanap na lang ng kamag-anak na kukupkop sa kanya
c. Ang pagrerebelde ay hindi solusyon sa problema
d. Tanggapin ng positibo ang nagyari sa kanyang pamilya at sikaping maging maayos ang kanyang buhay.
12. Ano ang maaaring matutunan ng isang bata kung tanggap ng kanyang kapwa ang buo niyang pagkatao?
a. Magmahal b. pagkamasinop c. awa sa sarili d. paggalang
13. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa
14. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggp. Ano
ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay
(soicail life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan nap ag-aralin ang mga anak
b. Ang mga magulang ang unag naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
16. “ Ang mabuting pakikitungo sa pamilya sa daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang
isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
17. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hndi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mag bata.
18. Sa pamilya, ito ang pinakamabisang paraan ng kominikasyon?
a. Paggamit ng teknolohiya
b. Tinginana t kilos
c. Pagmamahal
d. Pag-iwan ng mensahe sa mga lugar na madalas puntahan ng pamilya
19. Ang mga sumusunod ay hadlang sa mabuting komunikasyon MALIBAN sa:
a. Magkaibang pananaw
b. Ilag sa kausap
c. Walang kibo
d. Sinseridad sa pakikipag-usap
20. Mas magiging makatotohanan ang pagtuturo ng magulang kung sila mismo ay nagpapakita ng mabuting____________________.
a. Halimbawa b.pasya c.panananlita d.pagtupad
21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging bukas -palad?
a. Hindi boluntaryong paglilingkod
b. Pag-iwas sa mga gawain sa pamayanan
c. Pagtulong sa mga kapus-palad
d. Palihim na pagkuha sa mga gamit ng nasunugan
22. Ang pamilya ay may malaking impluwensya sa paghubog ng pagkatao ng mga kasapi nito sapagkat__________________.
a. Ang pamilya ang ating unang guro
b. Lagi nating kasama ang ating pamilya
c. May takot tayo sa ating magulang
d. Sila ang nagbigay ng ating pangangailangan
23. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Plilipino?
a. Makapagtrabahp b.makapaglibang c.makapg-aral d. magbakasyo
24. Ang mga sumusnod ay pangunahing misyon ng pamliya MALIBAN sa:
a. Edukasyon b. pagpapasya c. pananampalataya d. pagpaparami
25. Ito ay pag-uusap o pakikipagtalasta;asan na nagsisimula sa sining ng pakikinig.
a. Monologo b. diyalogo c. pagbabasa d.pagsusulat
26. Ang mabuting samahan at ugnayan sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa-tao. Ano ang magiging bunga nito samga miyembro ng
pamilya kung ito ay maisasabuhay?
a. Higit islang hahangaan ng tao dahil sa paraan ng kanilang pakikitungo sa iba
b. Madali nilang malulutas ang mga problema sa buhay
c. Madali silang matnggap ng mga tao dahil sa kanilang pamilyang pinagmulan
d. Mas magiging madali sa kanila ang makitungo sa ibang tao
27. Ang pamilya Lopez ay sama-sama kung manalangin at hindi maaaring hindi sila magkakasamang magsimba. Ano ang ipinapakita ng pamilyang ito
na dapat tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
28. “Kapag matatag ang pamilya, matatag ang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ay ganoon din sa lipunan
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan
c. Kapag matibay ang pamilya uunlad ang bansa
d. Kung walang pamilya, wala ring lipunan
29. Ano ang dahilan kung bakit natural ang pagtutulungan sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang Mabuti ang kalagyan ng buong pamilya
b. Dahil walang ibang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
c. Dahil walang ibang magtutulungan kundi ang magkakapamilya din
d. Upang walang masabing negatibo ang ibang tao tungkol sa pamilya
30. Ang karapatan sa __________ay ang pangunah ng misyon ng pamilya na naglalayong mabigyan ng magansang kinabukasa ang mga anak.
a. Kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pananampalataya
31. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit dapat hubugin nang tama ang bawat miyembro ng pamilya?
a. Upang maging mayaman sila sa hinaharap
b. Upang maging palaban sila sa ibang tao
c. Upang magkaroon ng posisyon o katungkulan sa hinaharap
d. Upang maging matagumpay sila sa buhay
32. Bahagi ng buhay ng isang babae at lalaki na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay ___________________.
a. Bunga ng pagtugon sa tawag ng diyos na magmahal
b. Mas makakapagpapatatag sa samahan ng mag-asawa
c. Susubok sa kanilang pagiging responsableng tao
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na magparami
33. Ang pagsasakripisyo ng mga magulang na alagaan at ihatid sa paaralan ang mga anak na may kapansanan ay dahil__________________.
a. Walang ibang gagawa nito kundi sila lamang
b. Nais nilang iparanas sa anak na normal pa rin ang buhay sa kabila ng kapansanan
c. Tanggap nila ang kanilang anak anuman ang kalagayan nito
d. Nais nilang magkadiploma ang kanilang anak
34. Ayon sa batas ng malayang pagbibigay o law of free giving, kapag tinalikuran ng mundo ang isang tao dahil sa kanyang pagkakasala, ano ang
gagawin ng kanyang pamilya?
a. Ipaunawa sa kanya na sy ay nagkamali
b. Mananatiling nakaalalay at tutulungan siyang baguhin ang kanyang buhay
c. Bibigyan sya ng karampatang parusa upang dina sya umulit
d. Titiisin at hahayaan siang matuto sa kanyang pagkakamali
35. Ayon sa isang manunulat, ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing panrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at
pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa nang ______________________.
a. Napipiltan b. may pagkukusa c. may hinihintay na kapalit d. may kadalasan
36. Ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay may naging epekto sa budget ng inyong pamilya, ano ang pinakasimpleng magagawa mo
upang makatulong sa pamilya?
a. Maghanap ng pwedeng mapagkakitaan
b. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak
c. Manghiram sa mga kaklase na may sobrang baon
d. Gumawa ng maliit na sakripisyo tulad ng pagtitipid
37. Nasanay si Victor sa kumportableng buhay dahil Malaki ang kinikita ng kanyang ama, ngunit bigla itong nawalan ng trabaho. Dapat bang mabago
ang kanyang pakikitungo sa kanyang ama?
a. Oo dahil hindi na nito maibibigay ang buhay na nakasanayan niya.
b. Oo dahil obligasyon ng magulang na magtrabaho para sa anak
c. Hindi dahil siya pa rin ang ama at ang paggalang sa kanya ay di dapat mabawasan kahit na wala na siyang trabaho
d. Dahil hindi na siya magiging tao kundi dahil sa kanya.
38. May mga paalala ( salita o kataga na paulit – ulit mong naririnig sa iyong magulang, ano kaya ang malalim na mensahe na nais nilang maitanim sa
iyong puso at isipan kaya madalas nila itong sinsabi?
a. Ikaw ay nagdadalaga/nagbibinata na
b. Gawin no kung ano ang tama at mabuti
c. Huwag mo ng ulitin ang mga bagay na ayaw nilang gawin mo.
d. Mas makapangyarihan sila sa iyo kaya dapat silang sundin.
39. Bakit dapat maiwasan ang paggamit ng suhol bilang panghikayat sa miyembro ng pamilya na magsimba?
a. Upang hindi malito sa tunay na layunin sa pagsasagawa ng gawain kaugnay ng pananampalataya
b. Hindi ito praktikal sa ngayon
c. Maaaring makasanayan nita ito
d. Upang hindi maagaw ang atensyon sa pagsisimba
40. Madalas na napagkukumpara kayong magkapatid, marami ang nagsasabi na nakahihigit siy sa iyo kaya’t siya ay popular at kinagigiliwan, ano ang
dapat mong maging pagtanggap?
a. Bilang kapatid magpaparaya na lamang
b. Hanapin ang kanyang kahinaan at kapintasan
c. Iwasang makpiagkumpetensya at sikaping paunlarin ang sariling katangian
d. Kopyahin o gayahin ang katangian niya na gusto ng tao.
41. Ang pagsisisi ay kadalasang bunga ng maling _______________________.
a. Pagpili b. barkada c. intesiyon d. diskarte
42. Ang mga sumusundo ay paraan upang mahubog ang pananampalataya ng bawat kasapi ng pamilya MALIBAN sa:
a. Iparanas ang pananampalataya ng mya kagalakan
b. Ipaunawa ang tunay nitong mensahe
c. Pag-aalok ng suhol
d. Tanggapin ang diyos bilang sentro ng pamilya
43. Anong pagpapahalaga ang matututunan ng isang bata kung tinuruan at sinanay siya ng kanyang magulang sa mga gawaing bahay?
a. Katapatan b. responsibilidad c. paggalang d. pagpapasalamat
44. Kailan nagiging tahanan ang isang bahay?
a. Kapag kumpleto ang pamilya
b. Kapag natutugunan ang pangangailangan ng pamilya
c. Kapag matibay ang bahay sa anumang kalamidad
d. Kung nananahan ang pagmamahal,paggalang at pagmamalasakit sa lahat ng miyembro nito
45. Alin sa mga sumusunod ang tunay na makapgpapaligaya sa isang magulang?
a. Ang maging Mabuti at kapakipakinabang ang anak
b. Ang maging matagumpay sa napiling hanapbuhay ang anak
c. Ang matulungan silang makaahon sa kahirapan
d. Makapg-asawa ng mayaman
46. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil sa pamamagitan nito nagkakaisa ang isip at puso ng dalawanng tao
a. Lenggwahe b. dayalekto c.pagmamahal d. kilos
47 – 49 . Tukuyin kung ang sumusunod ay A.) gampaning pulitikal ng pamilya at B.) kung gampaning panlipunan
47. Pangangalaga ng kalikasan
>A >B
48. Pagtiyak na ang batas ay nangangalaga sa kapakanan ng pamilya
>A >B
49. Pagpili ng karapat dapat na mamuno sa bansa
>A >B
50. Alin sa mga sumusunod ang hinuhubog sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao?
a. Mabuting pagkatao b. mabuting karalter c.pagpapahalaga at mga birtud d. lahat ng mga nabanggit

---INIHANDA NI: GNG. SHIRLEY H. FABUNAN—

“Families are the compass that guides us. They are the inspiration to reach great heights, and our comfort when we occasionally falter.”
Brad Henry

You might also like