Holyweek Songs

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Likhain Mong Muli

Himig Heswita

Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso,


Hugasan ang kamay na basa ng dugo.
Linisin ang diwang sa halay ay puno.
Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso
Ii
Itindig mo kami, kaming iyong bansa.
Akayin sa landas patungo sa kapwa.
Ihatid sa piging na 'yong inihanda.
Itindig mo kami, kaming iyong bansa .
Iii
Amang d'yos, 'yong baguhin ang tao't daigdig.
Sa banal na takot,
Sambang nanginginig,
Ibalik ang puso't
Bayang nanlalamig
Likhain mong muli kami sa pag-ibig.

Liwanagan Mo, Hesus


Rey Malipot
Masdan natin ang ating daigdig:
Ginawang tahanan ng D'yos nating mahal.
Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon,
Nabalungan ng kadiliman at nauhaw sa pagmamahal.
Damhin natin ang kalooban:
Ginawang himlayan ng Diyos nating mahal.
Ngunit sa pagsapit ng sigwa at tag-init sa ating buhay,
Nawalan ng malay at nanlamig sa pag-ibig.
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong bayan, sa 'Yo'y naghahanap.
Ang matalinhagang ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong mukha at kami'y maliligtas.
Kapayapaan at dangal isinag Mo,
At maninibago ang wangis ng Iyong mundo
Ang tawag ni Hesus, pakinggan.
Isabuhay natin mithi ng Kaharian.
Magpawi ng gutom, sa uhaw magpainom,
Sa nasugatan ay magpahilom, sa maysala, magpatawad.
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong bayan, sa 'Yo'y naghahanap.
Ang matalinhagang ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong mukha at kami'y maliligtas.
Kapayapaan at dangal isinag Mo,
At maninibago ang wangis ng Iyong mundo
Kaharian ng Maykapal sumasaatin na
Sa pamamagitan ni Hesus!
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong bayan, sa 'Yo'y naghahanap.
Ang matalinhagang ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong mukha at kami'y maliligtas.
Kapayapaan at dangal isinag Mo,
At maninibago ang wangis ng Iyong mundo!

You might also like