Pictorial Essay Tagalog

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Tumatanda nga bang pabalik ang mga Pilipino?

Oras ang nagtatakda sa edad ng tao. Ito rin ang nagpaparanas ng mga bagay-
bagat sa mga ito. Sinasabing karanasan ang nagtatakda sa paraan ng pagtugon
ng tao sa isang sitwasyon at hindi ang kanilang edad. Hindi ba sapat ang
karanasan ng Pilipino para matira na lamang sa kanila ay dignidad? Maaaring
hindi mulat ang ilan sa mga Pilipino ukol sa mga nangyayari sa kasalukuyan.
Nagbubulag-bulagan sa kasamaang natutunghayan. Dahil sa takot ay hindi
ginugustong malaman. Isang pagpapakitang mga Pilipino tila walang
pinagkatandaan. Iniisip sa murang edad na walang magagawa’t kayang-kayang
matapaktapakan. Kusang natuba dahil pakiramdam ay walang masasandalan.
Mas gugustuhing dumipende kaysa magsarili. Nais ay madaling buhay kaya
pagkamatay ay madaling madali.Utak nga ba ng tao’y parang pambura? Kada
ginagamit ay lumiliit, nagiging basura. Kung lumiliit lamang din ay hindi pa
gamitin sa tama. Gumawa ng maganda’t puksain ang masama.Inaanyayahan na
tumayo sa sariling paa tulad ng poste. Umaraw, umulan, bumagyo, kahit
magpaskil ng mga imprenta, hindi nagpapaapekto dahil sa paninindigan
nito.Kahit mahina ang katawan ay huwag panghinaan ng loob. Walang
maitutulong ang pag-iisip ng kung anu-ano at pagmumukmok nang
nakasubsob. Hayaang magbunga ang iyong mga pinaghirapan, kumilos at mag-
isip ng nasa kaayusan.Halina’t hayaang makita mo ang kasamaan. Maging
instrumento ng pagbabago at kaginhawaan. Ipakita ang malasakit at
pagmamahal sa ating bayan. Pagiging isip bata natin ay atin nang iwanan.
“SUSI SA KALAYAAN”

Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay maihahantulad


sa ibong nakahawla. Masikip, madilim, walanv muwang sa mga pangyayari,
bulag sa katotohanan, at walang layang lumipad. Ang ibong ito ay tila
nakalimutan na at napag-iwanan na ng panahon.

Ngunit sa oras ng kanyang mga paghihirap at kasarinlan ay hindi mawawala ang


mga kababayan nating bukas ang puso upang matulungan ka’t makabangon sa
paghihirap na iyong dinaranas.

Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo ang susi sa kalayaan sa iyong
paghihirap at ng makamtan mo ang iyong mga pangarap na nakubli sa loob ng
matagal na panahon. Dahil sa mga problemang kinaharap mo sa loob ng masikip
at madilim na hawla.

Kapag nakuha mo na ang susi, ang pintong matagal mo ng hinihintay na


magbukas ay magbubukas na dahil sa sipag at tiyaga na iyong ginugol makalaya
ka lamang dito. Ito na ang magiging daan mo tungo sa pangarap na matagal mo
ng inaasam. Simula na din ito ng pagbabago sa iyong buhay.

Ngayon nakalaya ka na sa hawla, ay may laya ka ng makalilipad para abutin


ang iyong mga pangarap. Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo na naman ay
may bagong pagsubok ang uusbong para ibaba kang muli, pero sa pagiging
matatag ang mga pagsubok na ito’y malalagpasan mo din.
“Kahirapan sa Pilipinas.”

Kung bibigyan ka ng papel na lukot at punit, itatapon mo lamang ito. Dahil sa


tingin mo ay hindi mo na ito mapapakinabangan pa. Ngunit kung ikaw ay
bibigyan ng lukot at punit na pera ay magagawan mo pa ito ng paraan.
Ipinapahiwatig nito na mahalaga ang pera sa atin at laging mayroong paraan
tungkol dito.

Mayroon ngang kasabihang “hindi namumunga ng pera ang mga puno.” Na


siyang totoo. Dahil ang mga pera ay hindi basta-bastang pinipitas sa mga puno.
Ang kahirapan ay parte na ng ating lipunan. Ito ay araw-araw na nararanasan
ng mga taong kabilang sa mababang antas ng lipunan. Pilit na nilalabanan ng
bawat indibidwal ang suliranin na ito upang mabuhay at makapagpayuloy ng
bagong yugto ng buhay.

Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Maaaring


dahil sa kawalan ng trabaho ng mga magulang. Ngunit ang kahirapan ay hindi
hadlang sa tagumpay. Bagkus, gawain itong inspirasyon sa pagkamit nito.

Ang mga pera ay hindi rin napupulot sa basurahan. At hindi ito basta-basta
itinatapon. Kailangan mo pa itong paghirapan. Kung mayroon ka naman nito,
dapat ay hindi mo ito sinasayang o ginagamit sa hindi importanteng bagay.

Kung sa tingin ninyo ay malabo na ang pag-asa na malagpasan ang paghihirap,


ay nagkakamali kayo diyan. Marami pang paraan, para umahon at guminhawa.
Para sa mata, kailangan lamang ng salamin para luminaw ang paningin.

Maraming kapos sa pera na hindi makabili ng kanilang pangangailangan dahil


sa pangungurakot ng ilan at ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sana ay unahin
ng gobyerno ang pagtulong at hindi ang kung anu-ano pang
ginagawa. Kailangan lang natin maging matibay sa mga dadaanan nating
pagsubok sa buhay. Pagsubok lamang iyan, huwag mong itigil ang laban!
Pagsisikap ang tunay na sikreto ng tagumpay.
“Ang Takbo ng Buhay”

Ang buhay ay parang gulong. Minsan ay nasa ibabaw kay, kadalasan nama’y nasa ilalim ka.
Matinding pagsubok ang kailangang harapin kailangang bigyan ng solusyon upang
makapagpatuloy sa agos ng buhay. Katulad ng gulong, umiikot at nadudumihan man, malaki pa
rin ang mahalaga nito upang makalarga.
Kapag na sa ilalim ka, iyon ay dahil pumasok na ang problema. Mahirap makipagtunggali sa mga
ito ngunit manalig ka lamang at ika’y pagpapalain at bibigyang solusyon ang iyong mga problema.
Pilitin mang ibaba ka ng iba, mananatilu ka lamang mapagkumbaba upang maiparating mong may
pinag-aralan ka. Parte ito ng ating buhay at hindi ito maiiwasang mangyari. Kaya habang ika’y na
sa ilalim, kumapit ka lamang at ikaw ay aahon din.
Sa kabila ng maraming problema, panatilihin mong maging masaya at iwasang maging malungkot.
Hindi solusyon ang pagiging malungkot sa matitinding kinakaharap bagkus ngitian mo lamang
ang mga ito dahil ipinapahiwatig nitong kaya mo iyon. Laging tandaan na may iba pang may mas
matinding kinakaharap, hindi ka nag-iisa.
Kapag naman na sa ibabaw ka na, mas malawak mo ng makikita ang mundo. Dahil ika’y natuto
na, nabigyang solusyon mo na ang iyong problema mo. Dito mo na malalaman ang kaginhawaan.
At dahil nalagpasan mo na ang mga problema, kaya mo ng maglakad sa sinulid mag-isa.
Ikaw na ngayon ang isang halaman na nagmula sa maliit hanggang sa lumagi at masaganang
namumunga. Nananatiling matatag kahit na maraming pagsubok. Gayunpaman, panatilihin pa ring
mabunga ang buhay.
Lumago ka na at maginhawa na ang iyong kalooban dahil wala ka ng iniisip, oras na upang
tumulong ka na sa iba. Ibahagi ang magandang karanasan mo para makausad din sila. Maging sa
maliit na bagay man ay matutulungan mo sila.
Dahil sa maliit na bagay o tulong ay magagawa mong mapaunlad ang buhay ng ibang tao. Basta’t
hihingi ka lang ng tulong sa Diyos at gagawa ka ng aksyon. Magiging masaya na ang lahat at
masarap sa pakiramdam.
Sa kabila ng kaginhawaan ay huwag kalimutang magpasalamat. Hindi ka darating sa ganitong
yugto kung hindi dahil sa tulong ng iba at ng Diyos. Ipagpatuloy lamang ang magandang nasimulan
at kung dumating ulit ang problema ay ituloy lang ang laban.

You might also like