Anting Anting

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

OBLANCA, GWYNETH T.

BSBM-1A

Pinagmulan ng Anting-anting dito sa Cavite: Katotohanan ba o hindi?

1.Kung sakali mang magkaroon ng pag-aaral patungkol sa mga anting anting dito sa lalawigan
ng Cavite, mapapatunayan kung may siyentipikong kahulugan ba ang mga sinasabing
kapangyarihan na taglay ng mga agimat o anting-anting na ito. Makakatulong ang pag-aaral
patungkol sa mga mahihiwagang bagay na ito sa lokalidad o sa ibang lugar sa paraang
maititigil ba nila ang paniniwala nila dito o maitutuloy pa. Madami mang iba’t ibang paniniwala
ang bawat isa sa atin, kung maitutuloy at magiging matagumpay ang pag-aaral patungkol dito,
kahit papano ay mababawasan ang ating kuru-kuro o di kasiguruhan sa kung ano mang
tinagtalay na hiwaga ng anting anting. Mahalaga rin na malaman kung ano ang istorya sa
likod nito, paano nagsimula o umusbong ang bagay na ito.

2. Base sa aking opinyon, kung sakali mang maituloy ang pag-aaral dito at naitiyak na ang
katotohanan at hiwaga na napakaloob sa anting anting na iyon, maaaring maging simbolo ng
mahika ang anting anting at baka mas dumami pa lalo ang maniwala sa kakayahang taglay
ng anting anting na ito. Ngunit kung napatunayan naman na iniinda lamang ng mga tao ang
sakit habang suot nila ang anting anting, mas makabubuti na ipatigil na sa kanila ang
paniniwala sa mga ganitong bagay at para hindi na dumami ang mga taong gusto pang
tumuklas patungkol dito. Sa madaling salita, ang bunga ng pag-aaral na ito ay para sa
kabutihan at kaligtasan ng mga mamamayan ng bawat tao dito sa ting bansa.

You might also like