Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa
Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda
noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang
Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Mga Tauhan:
Picture
Simoun - Ang mapagpanggap na mag-aalahas na
nakasalaming may kulay
* Isagani - Ang makatang kasintahan ni Paulita
* Basilio - Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
* Kabesang Tales - Ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin
ng mga prayle.
* Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
* Ginoong Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan
ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan
nila
* Ben-zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan
* Placido Penitente - Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan
* Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari
* Padre Fernandez - Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
* Padre Florentino - Ang amain ni Isagani
* Don Custodio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
* Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
* Juanito Pelaez - Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila
* Makaraig - Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
* Sandoval - Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
* Donya Victorina - Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin
ni Paulita
* Paulita Gomez - Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
* Quiroga - Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
* Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
* Hermana Bali - Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
* Hermana Penchang - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
* Ginoong Leeds - Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
* Imuthis - Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi.
Buod:
Ang El Filibusterismo ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa
mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio.
Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw
niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na
nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't
nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang
Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang
kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di
napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga
prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon,
sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang
hapong yaon.
Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang
pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay
nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang
mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay
ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't
sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago.
Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip
na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo
Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita
Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos
upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo
kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang
ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang
magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang
lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng
isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa
upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay
ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang
dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan.
Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa
akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari
subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na
bagay ay totoong makasisira rin sa tao.
Uri nito:
1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob
sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga
tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag
(sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga
salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman at
mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-aaral sa
kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din
ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation ,
at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa
lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw, marangal, payak,
matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o katotohanan
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan
sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti
ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na
nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa
lipunan at gobyerno

WIKANG FILIPINO
Ano ba ang dahilan ng pagkakaisa ng isang lipon ng mga tao sa isang bansa? Paano namumuo ang kanilang sariling
identidad? Hindi ito dahil sa kanilang itsura o pananamit at mas lalong hindi ito dahil sa kanilang kilos o asal. Ang isang
kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala. Kailangan ng isang bagay upang ito’y mabigyang linaw.
Ito ay ang wika. Kung titignan mong mabuti, ang isang bansa ay nagkakaroon ng pagbubuklod-buklod dahil sa kanilang
wika. Ang bansang Pilipinas at ang kanilang wikang Filipino ay isang magandang halimbawa nito.
Maraming kabanata ang nahubog mula sa historya ng pambansang wika ng Pilipinas. Kung susuriin mo ang
kanilang kasaysayan, matutuklasan mo na naging mahirap ang paglalakbay ng mga Pilipino upang makamit ang kanilang
wika. Ang kanilang pagiging archipelago ay isang sanhi kung bakit nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Sa bawat isla,
rehiyon o tribo, may natatanging kultura na namuo na may sariling diyalekto. Dahil dito, nagkaroon ng kahirapan para sa
mga Pilipino na magkaintindihan.
Hindi natapos ang kanilang paghihirap sa heograpiya o sa pagkakaroon ng sari-saring kultura. Naging mahirap
para sa mga Pilipino na gumawa ng paraan upang makagawa ng sariling wika dahil sa mga Kastila. Sapagkat, hindi sila
binigyan ng kalayaan. Isinantabi ang mga katutubong wika at kaunti lamang ang pinagkalooban ng pagkakataong
makapag-aral. Ang mga taong nakapasok sa mga paaralan ay sapilitang pinagamit ang wikang Espanyol bilang
pangunahing lengwahe. Dahan-dahang lumaban ang mga Pilipino, tulad ni Dr. Jose Rizal, na nagbigay diin sa
kahalagahan ng wika. Isa ito sa mga batayan ng layunin ng mga Pilipino upang lumaban para sa kanilang karapatan.
Nang maipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan mula sa mga dayuhan sumakop sa kanila, hindi naging
sapat ang pagkakaroon ng pamahalaan upang sila ay magkaisa. Kinailangan nila ng isang wika upang matapos na ang
dibisyon na namumuo sa bawat rehiyon. Ang problemang ito ay sumibol noong panahon ng mga Amerikano at
pamumuno ni Manuel L. Quezon. Ito ay naging mahabang proseso bago nabuo ang wikang Filipino. Dahil sa
pagkakaroon ng iba’t ibang diyalekto tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilonggo at marami pang iba, nabuhay ang samu’t-saring
alitan.
Nagkaroon pa ng Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa para lamang sa layuning ito. Sa dahilang
sangkatutak ang diyalekto sa bansa, maraming pagtatalo at argumento ang nabuo bago napagdesisyonan ang
pambansang wika ng Pilipinas. Ngunit sa madaling salita, naging matagumpay ang asemblea. Ang pambasang wika, ayon
sa 1986 Konstitusyon (Artikulo XIV, Seksiyon 6), ang naging pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Matapos ang mahabang panahon, ang wikang Filipino ang naging rason ng pagkakaroon ng sariling identidad ng
mga Pilipino. Kung titignan natin, mapapansin natin na kahit anong bansa or kultura ay hindi makukumpleto nang wala
ang kanilang sariling wika. Ito ay hindi lamang paraan ng pagkausap sa kapwa. Ito ay naging daan upang maipahiwatig
ng mga Pilipino ang kanilang saloobin.
Salamat sa wikang Filipino, ang mga mahigit pitong libong kapuluan sa Pilipinas ay nagkakaisa. Kahit sila ba ay
nagkakalayo, sila pa rin ay may isang pag-iisip ang damdamin dahil sa kanilang pambansang wika.

NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay
at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Layunin:
gumising sa diwa at damdamin
nananawagan sa talino ng guni-guni
mapukaw ang damdamin ng mambabasa
magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian:
maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
maraming ligaw na tagpo at kaganapan
ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
malinis at maayos ang pagkakasulat
maganda
maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Bahagi:
tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-
akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
pamamaraan - istilo ng manunulat
pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

You might also like