(Saknong 1-10) Aralin 5 Puno NG Salita - P

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aralin 5 Puno ng Salita (Saknong 1-10)

Para sa tagapag-ulat:

Mga pangunahing tanong lamang at ang buod ang ilalagay o isusulat sa visual aid.
Magsimula sa paglalahad ng mga tanong, ipaalam sa buong klase na kailangan nilang sagutin ito sa
katapusan ng pag-uulat. Basahin sa klase ang tula saka ipaliwanag ang mga saknong. Sikaping
makabisado ang paliwanag, huwag ilahad sa klase sa paraang binabasa lamang. Sa huling bahagi ng
pag-uulat dapat ilahad ang buod. Maaring humiling mula sa mga kaklase ang pagbasa ng buod. Sa
pagtatapos ng pag-uulat, tanungin muli ang buong klase at hayaan silang sumagot.

Pangunahing Tanong:

 Anong tagpo ang pasimula ng akda ng Florante at Laura?


 Saan kumakatawan ang lugar na ito?
 Bakit ‘Puno ng Salita’ ang pamagat ng araling ito?

Paliwanag:

Isinasalaysay ng mga saknong 2 hanggang 7 ang gubat na mapanglaw: sa saknong 2 ay ang mga
puno na nakakatakot, sa saknong 3 ay mga baging na matinik at bungang may lason, sa saknong 4 ay
mga bulaklak na mabaho ang amoy, sa saknong 5 ay mga malalaking dahon na nagbibigay dilim sa buong
kagubatan at sa saknong 6 ay mga hayop na pagala-gala. Inihalintulad pa sa saknong 7 ang gubat na tila
malapit sa kamatayan sa pagbanggit sa Averno at sa ilog Cosito (ang Averno, si Pluto at ang ilog cosito ay
mga simbolismo lamang kung gaano kahindik-hindik ang anyo ng gubat).

Sa gitna ng kagubatan makikita ang isang lalaki na nakatali sa isang puno ng higera. Ang lalaking
ito ay may itsurang kahawig o kamukha ni Narciso at ni Adonis. Kahit tila hirap na hirap sa pagkakatali ay
litaw parin ang kaniyang kaguwapuhan. Makinis ang balat, mestiso, kulay ginto ang buhok at kilay,
maaring ihalintulad sa isang lalaking banyaga o foreigner .

Katulad sa ipinahayag ng mga saknong sa ‘Pag-aalay kay Selya’ at ‘Nasaan si Selya?’, ang buong
akda ng Florante at Laura ay mensahe ni Francisco para kay Maria Asuncion Rivera. Kaya ang gubat na sa
pasimulang ito ng akda ay tumutukoy sa kalagayan ni Francisco sa loob ng bilangguan gaya ng lalaki na
nakatali sa puno.

Buod:

Inilalarawan sa pasimula ng akda ang isang gubat. Isang gubat na malungkot o mapanglaw,
masukal, mapanganib at nakakatakot. May malalaking kahoy na mukhang nagdadalamhati, mga baging
na may mga tinik, mga bungang nakalalason, bulaklak na mabaho ang amoy, malaking dahon at mga
naglipanang mababangis na hayop. Dahil sa hindi magandang tanawin, mukha itong gubat na malapit sa
averno o libingan na pinaghaharian ni Pluto, diyos ng kamatayan. Sa gitna ng gubat na ito ay may isang
lalaki na nakatali sa puno ng higera. Ang anyo ng lalaki ay tulad ng kay Narciso at ni Adonis ang
kaguwapuhan.

Anthony E. Mariano
Filipino 8, Punta NHS

You might also like