Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Isyung Pangwika 2016

FILIPINO NOON, NGAYON, AT BUKAS: Isang Pahapyaw na Pagsipat


sa Konsepto at Kasaysayan ng Wikang Filipino
Ni: Aljohn E. Cueva. Sr. High Faculty

Susing Salita: Wikang Filipino, Pilipino, Tagalog, Intelektwalisasyon, at


Istandardisasyon,

Abstrak: Talakay ng papel ang konsepto at depinisyon ng wikang Filipino at estado nito
sa kasalukuyang panagon bilang wikang pambansa. Ginamit bilang batayan ng may-
akda ang historikal (Konstitusyon), at mga dokumento’t aklat na nalathala ukol sa Filipino
upang mapagtibay ang pagpapakahulugan sa Filipino. Laman din ng papel na ito ang
gampanin ng ating pambansang wika sa ganap na pag-unlad ng ating bansa at
kakayahan nito na mapag-isa ang ating bansang binubuo ng iba’t ibang kultura at
paniniwala.

Sa kasalukuyang panahon, masasabing ang ating wikang pambansa, ang wikang


Filipino ay patuloy sa pag-unlad tungo sa ganap na intelektuwalisasyon at istandardisasyon.
Maituturing na lipas na ang panahon na ang mga Filipino (tao) ay patuloy sa paghahanap ng
kanilang pambansang identidad at simbolo ng kanilang kalayaan na kakatawanin ng isang
pambansang wika. Mayroon na tayong pambansang wika na itinatadhana ng ating saligang
batas (konstitusyon ng 1987), gayundin, mayroon na ring isang ahensiya ng pamahalaan na
ang tungkulin ay paunlarin at payabungin pa ang wikang ito (Komisyon sa Wikang Filipino).
Maging ang iba’t ibang unibersidad at pamantasan sa Filipinas —pampubliko man o
pampribado― ay patuloy na nakikiisa upang ipalaganap, palawakin, at paunlarin pa ang
paggamit at pagtanggap sa wikang Filipino, sa
pamamagitan ng pagdaraos ng mga palihan,
worksyap, paglalathala ng mga aklat-babasahin at
iba pang mga aktibidad.

Hindi na rin limitado sa loob ng paaralan


(asignaturang Filipino) ang paggamit sa wikang
Filipino. Kapansin-pansin na rin ang pagtangkilik
ng mass media sa paggamit nito bilang midyum
na wika ng pagbabalita (brodkasting), teleserye,
variety at entertainment shows, dokumentaryo, at
iba pa. Tahasan na rin ang paggamit sa Filipino
maging sa mundo ng Social Networking Sites
(Facebook, Twitter at Instragram). Mas may
Mula sa: impact ang isang post at higit din ang
http://www.gmanetwork.com/news/story/170936/news/na mararamdamang tuwa, lungkot o galit ng netizens
tion/filipino-pilipinotagalog#sthash.ZPB55NKu.dpuf

1|Page7
Isyung Pangwika 2016

kung ito ay nakasulat sa Filipino. Sa ganitong mga pagkakataon, aakalain mong malinaw na
sa ating mga kababayan kung ano nga ba talaga ang konsepto ng wikang Filipino. Ito ba’y
pambansang wika at asignatura lamang? O ito’y tumutukoy rin sa tao? Paano na ang
nakasanayang Pilipino? Idagdag pa ang ang paulit-ulit at walang kamatayang Tagalog.
Masakit man isipin, pero ang “chauvinism” o “Tagalog Imperialism” kung tawagin ni Prof.
Leopoldo Yabes ay nanatili pa rin sa konsepto ng mga Filipino.

Sa isang kartun na ito na lumabas sa website ng GMA News, implikasyon lamang ito
na magpahanggang sa mga sandaling ito, marami pa rin sa atin ang nalilito sa wikang
Filipino, Pilipino, at Tagalog. Tila mismong mga nasa loob ng akademya ay hindi tiyak sa
tunay nitong depinisyon. Ano nga ba ang pagkakaiba ng tatlo?

Ang wikang Tagalog ay isa sa mga dayalekto ―na dulot ng dimensyong heograpikal
(Constantino nasa aklat nina Carpio et.al, 2012)― na umiiral sa bansa bago pa man ang
pananakop ng mga kastila. Ibig sabihin, ang Tagalog ay katumbas din ng Cebuano ng mga
taga Cebu, Ilokano ng mga taga-Isabela at Ilocos, Pangasinense ng mga taga-Pangasinan,
Kapampangan ng mga taga-Pampanga at gayundin ng iba pang mga umiiral na dayalekto
sa Filipinas. Naging malaking isyu lamang ang katayuan ng Tagalog nang ito ay gawing
batayan ng pambansang wika ni dating pangulong Quezon sa bisa ng Executive Order No.
134. Noong taong 1937. Lalo pa itong naging magulo at kontrobersyal nang ideklara ang
Pilipino bilang wikang pambansa na nakabatay sa Tagalog (1943) at wikang panturo
(Department Order No.7) ng noo’y sec. Jose Romero ng DepEd noong 1959. Nagdulot ng
malaking kalituhan at ‘di pagtanggap sa pambansang wika ang pangyayaring ito higit lalo
para sa mga ‘di nagsasalita ng Tagalog. Sapagkat, isinasaad ng konstitusyon ng 1935,
Artikulo XIV, Seksiyon 3 na:

Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang


at pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na nasasalig sa isa sa mga
wikang katutubo. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at kastila
ay magpapatuloy na mga wikang opisyal.

Kaugnay nito, maaaring itanong na, ano ang mga naging batayan ni dating
pangulong Quezon, upang pagbatayan ang Tagalog bilang wikang Pambansa nang
taong 1937? O mas mainam, bakit Tagalog lang ang naging batayan at tila nakalimutan
na ang iba pang mga dayalekto? Nagkamali nga ba ang ama ng wikang pambansa sa
kaniyang desisyon?

Batay sa mga dokumento, ang nilalaman ng Art. XIV, Sek. 3 o tinatawag ding
“compromise pomise” ay orihinal na inihain ni Del. Wenceslao Vinzon ng Camarines Norte.
Ngunit, sa isang bahagi ng kasaysayan ng ating wikang pambansa, ani ni Cruz (nasa
Constantino, 1991) ay binago ito ng Style Committee ng kumbensyon sa ‘di malamang
kadahilanan sa paraang ganito, ang preys na: “batay sa mga umiiral na katutubong

2|Page7
Isyung Pangwika 2016

dayalek” ay ginawang “batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” At ang


pagbabagong ito ay pumasa at inaprubahan ng kumbensyong konstitusyonal ng walang
sapat na pagdidiskusyon at pagdedebate.

Sa pangyayaring ito, masasabing walang kasalanan ang dating pangulong Quezon,


ninais lamang niya na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa bilang simbolo ng
kalayaan ng ating bansa. Bilang wika na magsisilbing instrumento upang ganap na magkaisa
ang mga Filipino. Sa pangyayaring ito, nagkataon na ang dayalektong Tagalog ang
nakatugon sa mga batayan ng pagpili ng pagbabatayang dayalekto ng wikang pambansa na
inihain ng noo’y Surian ng wikang Pambansa (Komisyon a Wikang Filipino ngayon); may
mayamang mekanismo, mayamang literatura, wika ng kalakalan, wikang sinasalita ng
nakararaming bilang ng mga Pilipino, at ginagamit sa kabisera o wika ng politika. (Mercene
et. al. 2009).

Ngayon, kung ang Tagalog ay isa sa mga katutubong dayalekto ng ating bansa,
at ang Pilipino na noo’y pambansang wika ng Filipinas (1935) ay wikang nakabatay sa
Tagalog, ano ang Filipino? Saan hinugot o ibinatay ang wikang ito?

Dulot ng samu’t saring mga pagtaliwas at pagbatikos, mga kasong isinampa,


katanunga’t kalituhan ng mamamayan idagdag pa ang naganapna EDSA People Power I,
kinailangan repasuhin ang konstitusyon ng 1935. Sa tulong ng samu’t saring mga
konsultasyon at iba’t ibang mga pag-aaral, ang pamahalaan ay nakahanap ng kalutasan sa
mga suliraning ito. Ang konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6-7 na nagsasaad ng
ganito:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang wika.

Ukol sa mg alayunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas,
Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa


mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.

Sa pagbabagong ito sa konstitusyon, nabigyan ng kahit papaano’y kalinawan ang


tanong ng ating mga kababayan. Malinaw nang itinatadhana ng batas na ang kasalukuyang
wikang pambansa ng Filipinas ay Filipino. Wala nang isyu ukol dito. Gayunpaman,
problematiko pa rin ang bahaging ito ng konstitusyon. Pansinin ang preys na:

3|Page7
Isyung Pangwika 2016

“...samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa


salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa ibang wika.” Idagdag pa,

“... ang wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga


rehiyon [Ingles at Filipino] at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo
roon.

Samakatuwid, kailangan na lamang paunlarin pa at pagyamanin. Kumbaga sa


isang bahay, mayroon nang pundasyon, kailangan na lamang ng mga haligi upang ganap ng
mabuo ang bahay. Sa kaso ang wikang Filipino, ang pundasyon ay ang naunang
pambansang wika, ang Pilipino na nakabatay sa Tagalog. Hindi natin maaaring alisin ang
katotohanang ang wikang Filipino ay Tagalog pa rin. Ang kaibahan lamang, ang Pilipino ay
nakabatay lamang sa iisang dayalekto (Tagalog), habang ang Filipino, ay hindi na lamang sa
Tagalog dapat ibatay. Bukod sa dayalektong Tagalog, kinakailangan din na ang lahat ng
umiiral na mga dayalekto at wika (Ingles, Kastila, Intsik at iba pa) ay mabigyan na rin ng
pagkakataon na makisangkot at maging batayan sa pagpapaunlad at paglinang sa ating
wikang pambansa, ang wikang Filipino.

Ang malinaw na sa bahaging ito, ang Filipino ay ang kasalukuyang pambansang


wika ng ating bansa na dapat ibatay sa mga katutubong wika at wikang umiiral sa
bansa. Iyon nga lamang, kung susuriin ang konstitusyon ng 1987, makikitang ang depinisyon
ng wikang Filipino ay malabo pa rin sapagkat, nagmumungkahi pa lamang ang konstitusyon
na dapat na ibatay hindi lamang sa Tagalog ang wikang Filipino sa pagpapaunlad nito. Hindi
dapat magtaka sa bagay na ito sapagkat nang panahong iyon, ang wikang Filipino ay
maituturing na “bata” pa lamang. Nasa proseso pa lamang ito ng pagbabago sa ortograpiya,
pagpapalawak ng mga bokabularyo, at pagpapatanggap dito. Sa paglipas ng halos tatlong
dekada, sa tulong ng mga nagmamahal sa wikang Filipino, alagad ng wika, akademya at
Komisyon sa Wikang Filipino bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin sa
pagpapaunlad nito, maganda na makita ang bagong depinisyon ng wikang Filipino batay sa
KWF na pinagtibay noong ika-5 ng Agosto, 2013:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas


bilang wika ng komunikasyon sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga
pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay,
mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang paggamit sa iba’t ibang
pook at sitwasyon at nalilinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang
akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga
katutubong wika sa bansa.

Ibig sabihin, ang mga dayalektong Tagalog, Ilokano, Sebwano, Maranaw, Badjao,
Pangsinense, Kapampangan at maging ang ilang mga dayuhang wika ay Filipino rin. Mas

4|Page7
Isyung Pangwika 2016

maiging bigyang katawagan ang mga wikang nabanggit bilang Barayti ng Wikang Filipino
na nakapaloob sa dimensiyong heograpikal (dayalekto) batay sa pagpapakahulugan ni
Constantino.

Ang katawagan [din] na Filipino sa wikang pambansa ay hindi nanggaling sa Ingles


na katawagan para sa mga tao. Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na
batay sa lahat ng wika sa Filipinas, kasama ang Ingles at Kastila. May tunog na F sa ilang
mga wika sa Filipinas, tulad ng afuy (apoy/fire), kofun (kaibigan/friend) ng Ibanag; afyu
flafus (magandang umaga/good morning) ng Bilaan; fidu (peste/pestilence) ng S. Cotabato
Manobo atbp (Constantino na nasa aklat nina Carpio et. al., 2012)

Nagpatuloy na rin sa kasalukuyan ang pag-unlad ng wikang Filipino. Patunay rito ang
pagbabago sa kasalukuyang alpabeto ng Filipinas na mula sa orihinal na 20 ng ABAKADA
ay idinagdag ang walong mga titik na, C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z na may kabuuang 28 titik na
sa kasalukuyang alpabetong Filipino. Ang paggamit ng F ay simbolo ng hindi na pagiging
purong Tagalog ng wikang pambansa, sapagkat walang ganitong tunog ang Tagalog, sa
halip, pinapalitan ng P ang anumang tunog F sa Tagalog gaya ng pamilya para sa family o
familia, pamilyar para sa familiar, gayundin ang mga may tunog ng F gaya ng preys para sa
phrase at telepono para sa telephone.

Bukod sa katotohanan na ang wikang Filipino ay wikang nakabatay hindi na lamang


sa Tagalog, si Ernesto Constantino naman ay nagbigay rin ng pitong konsepto kung bakit
ang FILIPINO ang ginawang wikang pamabansa. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagiging natural ng wikang Pambansa


2. Pagiging buhay ng wikang ito.
3. Pagiging demokratiko ng wikang ito
4. Pagiging egalitaryan.
5. Pagiging dinamiko.
6. Pagiging yunipaying o mapag-isa.
7. Pagganap ng tungkulin ng isang wikang pambansa sa
komunikasyon at edukasyon.

Sa mga konseptong inilahad, napag-alaman na ang wikang Filipino ay ang wikang


kumakatawan sa ating bansa. Malinaw ring itinatadhana ng konstitusyon na ito ang ating
wikang pambansa. Ito ang wikang nagsisilbing instrumento ng pagkakaunawaan ng mga
Filipino (tao) kahit pa may mga katutubong wika o dayalektong umiiral. Sa tagpong ito, ang
wikang Filipino ang Lingua Franca sa Filipinas. Ani rin ni Constantino:

Dahil nga Lingua Franca at pangalawang wika, nabubuo ang mga


barayti nito dahil sa interference o paghalo ng unang wika ng mga
tagapagsalita. Kaya kung gagamitin ang Filipino ng isang Cebuano, hindi

5|Page7
Isyung Pangwika 2016

maiiwasan ang ganito: Nagbasa ako ng libro (bumasa ako ng Libro). Bago ang
1973 [Panahon na ang Pilipino ay wikang opisyal ng bansa], mali ang
nabanggit na pangungusap dahil batayan nga ang Tagalog. Pero ngayon,
itinuturing ito na barayti ng Cebuano ng Filipino.

Ang mga paghahalong ito ay hindi nakasisira bagkus ay lalo pang nakatutulong
upang lalong umunlad ang wikang Filipino. Ang manunulat na si Ariel Dim Borlongan ay
inihalintulad sa isang virus na kagaya ng A(H1N1) ang wikang Filipino. Tulad daw ng virus,
nagkakaroon ng iba’t ibang anyo ang wikang pambansa. Dagdag pa niya, “Buhay na buhay
ang wikang Filipino at nagkakaroon ng mga bagong salita!”

Kapansin-pansin din na sa kasalukuyan, ang Filipino ay nagkaroon na ng ibang anyo


(barayti) gaya ng tinutukoy ni Constantino, nariyan na ang Bekimon, Jejemon, mga salitang
internet at maging ang paggamit sa salitang katutubo. Lalo pa itong lumalakas sa tulong ng
mga programang isinasagawa ng iba’t ibang institusyon gaya ng taunang AMABAGAN at
SAWIKAAN ng Komisyon sa Wikang Filipino. May mga unibersidad na ring nagtataguyod
na isalin ang mga aralin na dati’y nakasulat sa Ingles sa Filipino (matematika, agham,
ekonomiks, at iba pa) bilang bahagi ng pagsasaintelektwal ng wikang Filipino. Unti-unti na
ring dumarami ang mga nagsusulat sa wikang Filipino gaya nina Eros Atalia, Bob Ong,
Marcelo Santos III, at Manix Abrera (Comix).

Sa kasalukuyan, nalagpasan na natin ang instrumental (functional) at sentimental


(national identity) na aspekto ng pagpili ng pambansang wika. Ang wikang Filipino sa
kasalukuyan ay patuloy sa pag-unlad at pagsabay sa modernisasyon. Hindi na ito ang
wikang Filipino noon na nakabatay lamang sa iisang dayalekto (Tagalog). Ito na ang kabuuan
ng ating identidad bilang mga Filipino. Gayudin, walang saysay ang mga pagpapaunlad na
isasagawa sa wikang Filipino kung mananatiling “malabnaw” at “hilaw” ang pagtingin dito ng
mga Filipino. Dapat na ang bawat isa ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa tunay na
konsepto nito. Kung may hindi batid, magtanong. Manaliksik. Kung may sapat na kaaalaman,
ibahagi. Bilang mga alagad ng wika, hindi tayo dapat na mapagod upang patuloy na iluklok
sa ganap na intelektwalisasyon at istandardisasyon ang wikang Filipino. Sa ganap na pag-
unawa sa konsepto ng wikang Filipino, tunay nating makakamit ang pagkakaisa!

"Aniya,kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon.


Ngayon, kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay nang habampanahon."

- Isang katutubong Amerikano.


a

6|Page7
Isyung Pangwika 2016

7|Page7

You might also like