Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NORHADIA MOHAMMAD MINDO FIL122

“TUNAY NA YAMAN“

“HINDI NA MASAMA ANG PAG-UNLAD AT MALAYO-LAYO NARIN ANG ATING NARATING,


NGUNIT MASDAN MO ANG ILOG DATI KULAY ASUL NGAYO'Y NAGING ITIM “ mga katagang naglalaro
sa musmus kong kaisipan simula pagkabata. Marahang naiguguhit ang isang malaking katanungan at
pagtataka habang ito'y kinakanta. Di ko sukat mawari ang nais nitong iparating. Sa bawat paghakbang
ng oras, unti-unting nabubuo ang palaisipan sa aking kamusmusan. Hanggang tuluyan nang namulat
at naliwanagan. Iba pala ang nagagawa ng LABIS NA PAGHAHANGAD, NABABAGO niya tayo,
NABABAGO niya ang tao at ito rin marahil ang ugat ng PAGKALIMOT, PAGSASAWALANG BAHALA AT
PAGKIKIBIT BALIKAT. Sino nga ba ang hindi magnanais ng PAGBABAGO? Sino nga ba ang nais manatili
mula sa luma at mabagal na proseso? Hindi ba't wala? Lahat ng nilalang ay naghahangad umungat at
umunlad. Tunay nga namang malaki ang kontribusyon ng Makabagong Teknolohiya sa ibat ibang
larangan, sa larangan ng pamumuhay, edukasyon, agham, komunikasyon, pananaliksik at marami
pang iba. Subalit sabi nga nila “Kailan man ang kalabisan ay di makakabuti“. Aminin man natin o pilit
na itanggi, ngunit totoong nagkaroon tayo ng pagkukulang hinggil sa pangangalaga sa tahanang
pinagkatiwala sa atin ng Panginoon, ang ating KALIKASAN.

Simula nang maipakilala ang Makabagong Teknolohiya sa ating pamumuhay ang mundo ay
para bang nagpalit anyo, at ang tao ang kusang nagpinta ng bago nitong kulay. Ibang iba na ang imahe
ng Kalikasan sa kasalukuyan, ang hanging nilalanghap natin ay di na kasing linis ng dati.
Nakakapanlumo na ang ibang karagatan hindi na tao ang lumalangoy dito kundi mga basura, mga
basurang lumalason at pumapatay sa natitirang lakas ng ating kalikasan. Ang mga ibong dating
malaya, hindi na alam ang kahulugan ng salitang ito. Mga puno, halaman at mga pananim ay kapos
na kapos sa buhay. Maaamong hayop takot at di na magawang magtiwala sa mga tao marahil
nagmula sa isang masalimuot na karanasan sa kamay ng mga mapang-api at mapang-abuso. Di narin
nakakapagtaka kung bakit napakaraming kalamidad ang nangyayari sa sating bansa. Hindi narin tayo
magawang sagipin ng Kalikasan dahil tinalikuran natin siya simula nang makalanghap tayo
kaginhawahan dala ng Makabagong Panahon.

Ang nilalang ang halos dumidikta at nagpapaktabo sa bawat kilos ng mundo para sa sariling
kapakanan. Sadyang mapaghangad ang tao, hahamakin ang lahat masunod lamang ang sariling layaw
kahit pa mismong Inang Kalikasan ang dahan-dahang nadudurog, nasasaktan at unti-unting
naglalaho. Sa pagyakap ng pagbabago, marami ang nalunod at nalamon ng maling paraan ng
paggamit ng Teknolohiya, hanggang tuluyan nang nabulag ang lahat at di na magawang magnilaynilay
sa kalagayan ng ating Kalikasan. Sa puntong ito, isa lamang ang napagtanto ko, ang labis na
paghangad ay maaring magdala sa atin sa tuktok ng tagumpay ngunit maaring magdala rin ito ng
panganib sa ating Kalikasan. Kahit saan man tayo dalhin ng ating mga pangarap huwag nating
kalilimutan ang ating pinagmulan, at huwag natin antayin ang pagkakataon kung saan mismo ang
Kalikasan na ang sumuko at gumuho, dahil kapag nangyari ito wala na tayong ibang makakapitan at
matatakbuhan, at higit sa lahat mawawala na ang tunay nating yaman.

You might also like