Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tata Selo

Ni Rogelio R. Sikat

Ang kuwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa
kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik
ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap
na lang siya kay Kabesa Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.
Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap siya ni Kabesa Tano na umalis
na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi
siya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na siyang
ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa
kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata
Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay
ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit
yumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit
tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng
istaked na pawing mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at nanilbihan sa
Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insidente,
nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na
silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya
iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang
pumunta sa tanggapan ng alcalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, hindi ito inalinta ni
Tata Selo at sinabi nalang nito na “Inagaw sa kanya ang lahat”.

You might also like