Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Antas ng Paggamit ng Text Messaging sa Pormal na Sulatin ng

mga Mag-aaral

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

University of the Cordilleras,

Lungsod ng Baguio

Inihanda

Bilang Parte sa Pagtamo ng

Titulong Bachelor in Secondary Education

Macyon, Marites T.

Ngolab, Qere M.

Hulyo,2015
Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang antas ng paggamit ng text


messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral. Nilalayon din ng pag-aaral na ito na alamin
kung gaano kadalas gamitin ng mga mag-aaral ang mga pamamaraan sa text messaging
sakanilang pormal na mga sulatin. Gumamit ang mga mananaliksik ng palarawan at
kwalitatibong kwalitatibong pamamaraan upang suriin ang antas ng paggamit ng text messaging
sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Liket Scale
bilang instrumento sa pagkuha ng datos. Ang instrumentong ito ay kinapalolooban ng mga
tanong tulad ng ano ang antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-
aaral at kung gaano ginagamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang pamamaraan ng text messaging.
Matapos maipasagot ang mga talatanung lumabas sa resulta ng pananaliksik na ang paggamit ng
text messaging ng mga mag-aaral ay hindi gaanong nakaapekto sa kanilang mga pormal na
sulatin. Lumabas din sa resulta na ang mga pamamraan sa text messaging ay hindi kadalasang
ginagamit ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kanilang pormal na sulatin. Sa kabuan lumabas sa
resulta ng pananaliksik na hindi gaanong naapektuhan ang pormal na sulatin ng mga mag-aaral
sa kanilang pagkahumaling sa text messaging. Makikita rito na hindi gaanong naapektuhan ng
mga nailahad na pamamaraan sa text messaging ang gramatika at retorika ng mga mag-aaral sa
kanilang sulating pormal.
KABANATA 1

Panimula

Mula sa paninirahan sa mga kweba at paggamit ng mga simbolo sa pagsusulat at

pakikipagtalastasan, narating na ngang talaga ng tao ang modernisado at maunlad na

pamumuhay. Halos wala ng makikitang makalumang paraan ng paggawa at paspasan nang

natatapos ang mga gawain dahil sa tulong ng mga makabagong teknolohiya gawa ng siyensya sa

iba’t ibang larangan. Sa larangan ng komunikasyon, madali naring naipararating ang mensaheng

nais sabihin sa ibang tao sa paraang mas kilala bilang text messaging.

Ayon kina Galang et.al, (2011), ang komunikasyon ay hindi maiiwasan. Pangunahin ito

sa pangangailangan ng tao habang siya ay nabubuhay. Nagaganap ang anumang transaksyon

dahil sa komunikasyon, babagsak ang alinmang sector ng lipunan kung walang komunikasyon.

Ang komunikasyon ay lumilinang ng isang mabuting pagkatao at pakikipagkapwa.

Nagkakaunawaan at nagkakaroon ng isang mapayapa, matatag na bansa at lipunan ng dahil sa

komunikasyon.

Ayon naman sa libro nina Aglasi et.al, (1987), ang komunikasyon ay isang Sistema o

paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono, telegram, radio,

telebisyon o computer. Pagpapalitan ito ng ideya o opinyon.

Gumagamit ang tao ng iba’t ibang uri ng kagamitan sa komunikasyon katulad ng

telepono, kompyuter at iba pa. Sa tulong ng mga kagamitang ito na likha ng teknolohiya

nagagawang maipasa ang mensahe sa tagatanggap sa pinakamabilis na oas.

Ayon kay Garcia et.al, (2006), ang wika ay mahalagang sangkap sa komunikasyon

pasulat man o pasalita. Ito ang pinakamabilis na instrument sa pakikipag-ugnayan ng tao sa

kanyang kapwa at lipunang ginagalawan. Katuwang ng tao ang wika sa paglutas ng kanyang
mga suliranin at mga pangangailangan upang mabuhay. Napakalaki ng naiambag ng wika sa

pagtamo ng kalayaan, kabihasnan, karunungan, pag-iingat ng kasaysayan at pag-aangkin ng

isang lahi ng maipagmamalaking pagkakakilanlan kaya naman hindi mabilang ang

pagpapakahulugang ibinibigay sa wika.

Ang wika ay ang pangunahing sangkap sa pakikipagtalastasan. Ang pagkakaroon ng

iisang wika ay malaking tulong upang magkaunawaan ang bawat isa sa isang lipunan. Sa

komunikasyon gumagamit ang mga kasangkot ng iisang barayiti at antas ng wika upang sila ay

lubos na magkaintindihan. Samakatuwid, ang komunikasyon at wika ay hindi mapaghihiwalay. .

Ito ay araw-araw na gawain ng isang tao habang siya ay nabubuhay.

Ayon kay Constantino, ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng

komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaring matamo sa pamamgitan nito ang

instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot

at makibahagi ang mga tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan

nito.

Ang wika ang siyang nagbubuklod sa mga tao saan mang sulok ng mundo. Sa tulong nito

nagagawa ng tao na makipagpalitan ng kuro-kuro at sariling opinyon patungkol sa paksang

pinag-uusapan. Samaktuwid ito ang pinaka pangunahing kasangkapan sa komunikasyon o

pakikipagtalastasan ng bawat tao.

Ayon kay Santiago, (2003), ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang

habang patuloy na ginagamit. Ang wika ay kasangkapan ng lipunan na kapag nawalan na ng silbi

sa lipunan ay tuluyan ng mawawala at ang anyong pasalita at pasulat ng wika ay dapat na di-

magkahiwalay at ang wika ay gamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.


Mahalaga para sa lipunan ang patuloy na paggamit ng wika upang hindi ito mawalan ng

silbi o maglaho na parang bula. Katulad ng isang bakal na kapag hindi ginagamit at nasa tabi

lamang ay mangangalawang o maluluma at hirap ng mapakinabangan pa. Kinakailangang

patuloy na gamitin at pagyamanin ang sariling wika upang ito’y magtagal at magamit pa ng

salin-lahi.

Ayon kay Almario ng makabagong ortograpiya ng Wikang Filipino,( 2014), may mga

tuntunin sa pagbaybay sa wikang Filipino na dapat sundin ng mga mag-aaral upang magkaroon

ng tamang pagbaybay ng mga salita. Gayunpaman, ang mga tuntuning ito ay madalas na

nalalabag ng mga mag-aaral sa pagsulat bunga ng iba’t ibang kadahilanan. Isa sa mga nakikitang

dahilan ay ang palagiang paggamit ng text messaging bilang pangunahing kagamitan sa

pakikipagtalastsan o komunikasyon ng mga mag-aaral.

Text messaging ang pinakapangunahing kagamitan ng tao sa komunikasyon. Maliban sa

ito’y madaling gamitin ay napabibilis din nito ang paghahahtid ng mga mensahe saan man at

kanino man nais iparating kaya naman hindi nakagugulat kung pati ang mga kabataan ay lubos

na nahuhumaling dito.

Ayon kay Raymundo,( 2003), nagsimula ang salitang text sa wikang Pranses na “texte” at

sa wikang Latin na “textus” na tumutukoy sa tissue, estruktura at konteksto ng isang bagay.

Habang ang pormang pandiwa nito na“textere” ay nangangahulugang maghabi, maghubog o

magbuo.Sa teknikal na paggamit ng salitang textus at texte,tumutukoy ito sa nilalaman ng

anumang nailimbag at naisulat at ang porma ng anumang sinusulat o binibigkas.

Sa kabila ng kaginhawaang dulot ng text messaging ay ang di magandang dulot nito sa

mga tao lalo na sa mga mag-aaral. Nakadidismaya ang epekto ng text messaging sa pag-aaral ng

mga estudyante dahil nakakabobo rin umano ito. Sinabi ni dating Department of Education,
Culture and Sports Secretary Raul Roco sa isang panayam na hindi niya gusto and epekto ng

“shortcut” ng mga salita na ginagamit sa text messages. Sinabi niya rin na bagaman wala pang

opisyal na pag-aaral and DECS sa naturang usapin, maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng

isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng spelling at grammar sa English subject ang

istilo ng mga salitang ginagamit sa text. Dagdag pa ng dating kalihim na dahil sa pagmamadali at

pagkakasya sa espasyo ng mensahe, ang ‘for’ ay ginagawa nalang ‘4’ para makatipid. Maaaring

masanay dito ang mga mag-aaral lalo na sa grammar at mahirapan nang tuluyan sa English.Dahil

hindi na mapigil ang mga estudyante sa paggamit ng cellphone, sinabi ni Roco na mahigpit na

lang patututukan sa mga guro ang pagsasanay sa mga mag-aaral sa pagbabaybay at balarila para

hindi masanay sa mga pinaiikling salita sa textmessaging (Garcia, 2001).

Dagdag pa ni Ezperanza et.al,(2003), Malaki rin ang hindi magandang naidudulot nito sa

balarila at bokabularyo ng mga gumagamit nito. Patuloy ang pagdami ng mga taong

dumedepende na sa pagtetext sa paghahatid ng impormasyon kaya naman hindi rin maiiwasan na

ang kanilang personal na pakikibahagi sa iba ay apektado rin. Sa halip na ipahatid nila ang

mensahe sa kumpletong pangungusap, pinapaikli pa ang mga ito na siyang bumabalewala sa mga

alituntunin ng balarilang Filipino. Sa halip na “Maglalaro kayo?” ay pinapaikli pa ito sa “Laro

kayo?” kaya naman nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan. Dahil sa layunin ngtext

messaging ay maipahatid ang mensahe sa mas mabilis naparaan, nawawalan na ng oras ang isang

“texter” na makapagisipng mas naaayon at makahulugang salita. Kabilang na dito ang skanilang

paglimot sa pagsusulat ng kanilang sariling wika, angFilipino. Madalas na mas mahaba ang

salitang Filipino kaysa saIngles kaya naman madalas na gumagamit ang mga cellphoneusers ng

mga salitang Ingles. Dito makikita na sa bilis ng“texting”, nalilimitahan ang mga bokabularyong
ginagamit dahilpaulit-ulit na ginagamit ang mga salitang simple at maiikli at hindina

nabibigyang pansin ang iba pang mga salita.

Bagama’t likas sa mga mag-aaral ang paggamit ng text messaging sa komunikasyon,

hindi maiiwasang pati ang kanilang pag-aaral ay naapektuhan ng mga pamamaraang kanilang

ginagamit sa pagkompus ng mensahe.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga guro, mag-aaral at mga magulang upang

malaman ang antas ng paggamit ng text messaging sa pamamaraan ng pagbaybay ng mga salita

at pagbuo ng mga pangungusap sa pormal na sulatin.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga guro nang sa gayon ay matukoy nila kung

gaano naapektuhan ng text messaging ang pormal na sulatin ng mg mag-aaral. Mahalaga rin ang

pag-aaral na ito sa mga magulang upang kanilang magabayan at mabigyang pansin ang lubos na

pagkahumaling ng kanilang mga anak sa text messaging . Panghuli ay para sa mga mag-aaral ,

ito ay makatutulong sakanila upang malaman ang kanilang mga kamalian dulot ng text

messaging sa kanilang pormal na sulatin.

Ito ang mga dahilan na nagtulak sa mga mananaliksik na hanapan ng kasagutan ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Ano ang antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na pagsulat ng mga mag-aaral

na nasa Unang Taon sa University of the Cordilleras sa taong 2015-2016?

2. Gaano kadalas gamitin ang text messaging sa pormal na pagsulat ng mga mag-aaral?
KABANATA II

Metodolohiya

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng metodo at kagamitang ginamit sa pag-aaral ng antas

ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral ng University of the

Cordilleras. Saklaw ng pag-aaral na ito ang disenyo at pamamaraan ng pag-aaral, populasyon at

pook ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos, paraan ng pagkuha at ang

pagsusuri ng datos

2a.Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palarawan at kwalitatibong pamamaraan upang

suriin ang antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral.

Ito’y palarawan sapagkat inilalarawan nito ang kasalukuyang antas ng paggamit ng text

messaging sa pagbayabay at pagbuo ng pangungusap sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral na

nasa unang taon sa University of the Cordilleras.

2b.Populasyon at Lugar ng Pag-aaral

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng College of

Information Technology and Computer Science na nasa Unang Taon sa University of the

Cordilleras, taon panuruang 2014-1015. Napili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng

CITCS bilang respondante sa pag-aaral na ito sa kadahilanang sila ay palagihang

nakasasalamuha ng mga makabagong teknolohiya. Mula sa malaking bilang ng populasyon

iminungkahi ng eksperto at tagapayo ang pagkuha ng bahagdan o iisang klase na siyang

kakatawan sa mga respopondante. Pinili ng mga mananaliksik ang isang seksyon na may 42

upang maging batayan sa pagsagot ng mga suliraning ginawa sa pananaliksik na ito.


2c.Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan sa paraang Likert Scale sa pagkuha

ng datos. Ang instrumentong ito ay kinapalolooban ng dalawang bahagi na may mga tanong na

ano ang antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral at kung

gaano ginagamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang pamamaraan ng text messaging. Sa tulong ng

pagkunsulta sa eksperto at tagapayo ay napagtibay ang mga nilalaman ng ginamit na

talatanungan.Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop na instrumento upang mas

mapadali ang pagtukoy sa tunay na antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin ng

mga mag-aaral.

2d.Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Batay sa napiling respondente ng mga mananaliksik ay namili ng isang klase na

kakatawan sa kabuuang bilang ng kanilang pangkat. Nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa

dekana ng departamento ng CITCS at sa guro na may hawak sa klase bago naipamudmud ang

mga talatanungan.Binigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang masagot ang talatanungan

at ang nakalap na kasagutan ay ginawan ng tally upang makamit ang layunin ng pananaliksik.

Mula sa pormula na ibinigay ng eksperto ay kinuha ng mga mananaliksik ang weighted

mean ng bawat aytem at ang kabuang bahagdan nito. Ang resulta ng komputasyon ang nagbigay

daan upang mabatid ng mga mananaliksik ang kabuang diskripsyon ng bawat bahagi ng

talatanungan.

2e.Paraan ng Pagsusuri

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng eskala sa pagtukoy ng antas ng paggamit ng text

messaging sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral at kung gaano ginagamit ng mga mag-aaral
ang mga pamamaraan sa text messaging. Kinuha ang mean ng bawat aytem upang makuha ang

kabuuang dikripsyon at interpritasyon nito.

Ang likert scale na ginamit bilang instrumento ay may apat na eskala upang matukoy ang

antas ng paggamit ng text messaging at kung gaano kadalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang

mga pamamaraan sa text messaging sa kanilang pormal na sulatin.

3.26-4.00- napakataas (Lubhang mataas ang antas ng paggamit ng mga pamamaraan sa text

messaging sa pagsusulat ng pormal na mga sulatin.)

2.51-3.25- mataas (Mataas antas ng paggamit ng mga pamamaraan sa text messaging sa pagsulat

ng mga pormal na sulatin.)

1.76-2.50- hindi gaanong mataas (Hindi gaanong mataas ang antas ng paggamit ng mga

pamamaraan sa text messaging sa pagsulat ng mga pormal na sulatin.)

1.00-1.75- hindi mataas (Hindi mataas ang antas ng paggamit ng mga pamamaraan sa text

messaging sa pagsulat ng mga pormal na sulatin.)


KABANATA III

Resulta at Pagtalakay

Ang bahaging ito ay nakapokus sa pagtalakay ng mga datos na nakalap mula sa mga

respondent upang masagot ang mga katanungan sap ag-aaral.

Makikita sa talahanayan 1 ang antas ng pormal na sulatin dulot ng text messaging sa mga mag-

aaral ng College of Information and Technology na nasa unang taon sa University of the

Cordilleras.

3a.Talahanayan 1

Antas sa pormal na sulatin Dulot ng text messaging

Aytem Weighted Interpritasyon

Average

Pagkakaltas sa mga patinig. 2.90 Hindi gaanong nakaapekto

Paggamit ng acronym bilang kapalit sa mga 2.80 Hindi gaanong nakaapekto

pahayag

Pagkakaltas sa mga katinig 3.15 Nakaapekto

Paggagamit ng jejemon na mga salita 3.18 Nakaapekto

Pagpapaikli ng mga salita at pahayag 2.83 Hindi gaanong nakaapekto

Pagbabaybay ng mga maling salita 3.10 Nakaapekto

Paggamit ng simbolo sa pasulat ng mga salita 2.54 Hindi gaanong nakaapekto

Paghahalo ng mga salitang Ingles at Fiipino 2.77 Hindi gaanong nakaapekto

Paggamit ng labis sa mga pananda 2.55 Hindi gaanong nakaapekto

Paggamit ng maling bantas 2.90 Hindi gaanong nakaapekto

General Weighted Average 2.87 Hindi gaanong nakaapekto


3a.1 Implikasyon

Pinatunayan ng resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng text messaging ng mga mag-

aaral ay hindi gaanong nakaapekto sa kanilang pormal na sulatin.

3a.2 Koroborasyon

Ayon sa makabagong ortograpiyang Filipino 2014, may mga alituntuning dapat sundin sa

pagbabaybay ng mga salita at pagbuo ng mga pangungusap. Batay sa resultang lumabas sa

pananaliksik sa antas ng paggamit ng text messaging sa pormal na sulatin napatunayan na ang

mga mag-aaral ay hindi gaanong sumusunod sa alituntunin ni Almario sa pagsusulat ng mga

salita at pangungusap.

Sang-ayon sa pahayag ni Ezperanza et,al, Malaki rin ang hindi magandang naidudulot ng

text messaging sa balarila at bokabularyo ng mga gumagamit nito. Patuloy ang pagdami ng mga

taong dumedepende na sa pagtetext sa paghahatid ng impormasyon kaya naman hindi rin

maiiwasan na ang kanilang personal na pakikibahagi sa iba ay apektado rin. Sa halip na ipahatid

nila ang mensahe sa kumpletong pangungusap, pinapaikli pa ang mga ito na siyang

bumabalewala sa mga alituntunin ng balarilang Filipino. Sa halip na “Maglalaro kayo?” ay

pinapaikli pa ito sa “Laro kayo?” kaya naman nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan. Dahil

sa layunin ng text messaging ay maipahatid ang mensahe sa mas mabilis na paraan, nawawalan

na ng oras ang isang “texter” na makapagisip ng mas naaayon at makahulugang salita. Kabilang

na dito ang sakanilang paglimot sa pagsusulat ng kanilang sariling wika,ang Filipino.

Matutunghayan sa talahanayan 2 ang mga kadalasang pamamaraan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng text messaging.


3.b Talahanayan 2

Mga kadalasang ginagamit sa Text Messaging

Aytem Weighted Interpritasyon

Average

Pagkakaltas sa mga patinig. 2.56 Hindi gaanong ginagamit

Paggamit ng acronym bilang kapalit sa mga 2.73 Hindi gaanong ginagamit

pahayag

Pagkakaltas sa mga katinig 2.59 Hindi gaanong ginagamit

Paggagamit ng jejemon na mga salita 2.12 Hindi gaanong ginagamit

Pagpapaikli ng mga salita at pahayag 3 Madalas gamitin

Pagbabaybay ng mga maling salita 2.38 Hindi gaanong ginagamit

Paggamit ng simbolo sa pasulat ng mga salita 2.61 Hindi gaanong ginagamit

Paghahalo ng mga salitang Ingles at Fiipino 2.71 Hindi gaanong ginagamit

Paggamit ng labis sa mga pananda 2.37 Hindi gaanong ginagamit

Paggamit ng maling bantas 2.37 Hindi gaanong ginagamit

General Weighted Average 2.54 Hindi gaanong ginagamit

Lumabas sa pag-aaral na ang mga pamamaraang nabanggit sa talahanayan ay hindi

gaanong ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipanayam sa paraang pasulat.

Ang pagpapaikli ng mga salita ay madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa pagsusulat

ng kanilang mga pormal na sulatin. Lumabas na 3.00 ang kabuang bahagdan ng mga mag-aaral

na nagpapaikli sa mga salita o dili kaya’y mga pahayag sa kanilang pormal na mga sulatin.
Ang resulta ng pananaliksik ay sang-ayon sa balita ni Garcia,(2001), nakadidismaya ang

epekto ng text messaging sa pag-aaral ng mga estudyante dahil nakakabobo rin umano ito. Sinabi

ni dating Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco sa isang panayam

na hindi niya gusto and epekto ng “shortcut” ng mga salita na ginagamit sa text messages. Sinabi

niya rin na bagaman wala pang opisyal na pag-aaral and DECS sa naturang usapin, maaaring

maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng spelling at

grammar sa English subject ang istilo ng mga salitang ginagamit sa text.

Hindi gaanong ginagamit ng mga mag-aaral ang jejemon na pamamaraan sa text

messaging sa kanilang mga pormal na sulatin. May 2.12 na bahagdan lamang ng mga mag-aaral

ang gumagamit ng pamamaraang ito sa kanilang mga sulatin.

Sang-ayon sa resulta ng pananaliksik

Mula sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, ang mga malimit gamiting

pamamaraan ng text messaging ng mga mag-aaral ay napatunayang hindi gaanong ginagamit sa

kanilang pormal na sulatin sa kabila ng kanilang pagkahumaling dito.


KABANATA IV

Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay ipapakita sa bahaging ito ang mga resulta ng mga nakalap na

datos na sasagot sa suliranin sa pananaliksik na ito at maglalahad ng kanilang rekomendasyon sa

naging resulta ng pag-aaral na kanilang isinagawa.

4.a Kongklusyon

Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod na kongklusyon ay isinagawa:

1. Ang pormal na sulatin ng mga mag-aaral ay hindi gaanong naapektuhan ng paggamit ng

text messaging.

2. Ang mga nailahad na pamamaraan ng text messaging ay hindi kadalasang sanhi ng

maling gramatika at retorika ng mga mag-aaral sa kanilang sulating pormal.

4.b Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay isinagawa:

1. Makatutulong ang ugnayan ng paaralan sa magulang upang magkaroon ang bawat isa ng

ideya at kung sa papaano magagabayan ang mga bata sa kanling pag-aaral.

2. Makaiinam ang pagbibigay ng mga gawaing pasulat ng mga guro sa kanilang mga mag-

aaral upang mas mahasa ang kanilang kasanayan sa pagsusulat.


5. Pagkilala

Ang pananaliksik na ito ay hindi masisimulan, mabubuo at matatapos kung wala ang

pamatnubay o gabay at inspirasyon ng mga mananaliksik mula sa mga taong nakapaligid sa

kanila.

Sa taga-payo ng mga mananaliksik na si Gng. Cora M. Pasalo, taos-pusong

pasasalamat ang ibinibigay sakanya sa walang sawang paggabay, walang hanggang lubid ng

pasensya’t pag-uunawa at sa panggaganyak niya sakanyang mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito

ay hindi masisimulan at maisasakatuparan kung wala ang buthiing taga-gabay ng mga

mananaliksik na nagtatama sa kanilang mga kamalian at pagkukulang. Nakita ng mga

mananaliksik ang hirap at pagod niya sa pagpapayo at paglalakad ng mga kakailanaganin sa

pananaliksik na siyang nagbigay inspirasyon sakanila upang sila’y magpursigi sa kanilang mga

gawain.

Lubos ang pasasalamat ng mga mananliksik sa kanilang naging pangalawang guro’t taga-

gabay sa pag-aaral na ito, G. Ramir S. Austria, sa kanyang mga ibinahaging kaalaman at

pagbibigay ng kanyang oras sa mga mananaliksik upang masagot ang kanilang mga katanungan.

Mula simula hanggang sa wakas ng pag-aaral, siya ay dumamay at umagapay sa mga

mananaliksik. Ang kanyang walang sawang pagtulong sa mga mananaliksik ang naging tulay sa

pagsasakatuparan at pagbuo ng pag-aaral na ito.

Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa lahat ng kawani ng Kolehiyo ng

Edukasyong Pangguro at ng buong unibersidad sa pagtulong upang makalap ang mga datos na

kakailanganin sa pananaliksik at mga payo na kanilang ibinigay.

Malaking pasasalamat din ng mga mananaliksik sa kanilang mga magulang na siyang

nagbigay ng pinansyal, emosyonal, ispiritwal at pisikal na suporta sakanila. Sila ri’y inspirasyon
ng mga mananaliksik sa pagpupursiging matapos ang pananliksik na ito upang masuklian ng

kunti ang suportang ibinibigay sakanila.

Nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang mga kaibigan, kapwa kamag-aral at

sa lahat ng taong tumulong upang matapos ang pananaliksik na ito.

At higit sa lahat ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa Diyos na siyang nagbigay

ng kakayahang mag-isip at nagbuhos ng karunungan sa sanlibutan. Ang papananalig sakanya ng

mga mananaliksik ang dahilan upang sila’y hindi mawalan ng pag-asa at harapin lahat ng

pagsubok sa pagbuo ng pag-aaral na ito.

M.T.M

Q.M.N
6.c Talambuhay

1. Personal na Datos

Pangalan: Qere Mantilez Ngolab

Araw ng Kapanangakan: Oktubre 3, 1996

Lugar ng Kapanganakan: Baguio City

2.Mga Paaralang Pinasukan

Kolehiyo: University of the Cordilleras

Batchelor of Secondary Education

Major in Filipino

Sekundarya: Dona Aurora National High School

2012-2013

Elementarya: Dona Nicasia Juco Puyat

2008-2009

3.Organisasyong Nasalihan sa Kolehiyo

Fil-Soc Society:

Miyembro

S.Y 2013-2015

University of the Cordilleras


1. Personal na Datos

Pangalan: Macyon Talicab Macyon

Araw ng Kapanangakan: Marso 11, 1997

Lugar ng Kapanganakan: Baguio City

2.Mga Paaralang Pinasukan

Kolehiyo: University of the Cordilleras

Batchelor of Secondary Education

Major in Filipino

Sekundarya: Mil-an National High School

2012-2013

Elementarya: Loakan Elementary School

2008-2009

3.Organisasyong Nasalihan sa Kolehiyo

Fil-Soc Society:

Miyembro

S.Y 2013-2015

University of the Cordilleras


A.Libro

Santiago A.O et.al,(2003) Makabagong Balarilang Filipino, Manila: Rex Bookstore (RSDI)

Galang S.N et.al (2011) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Metro Manila: Grandwater
Publishing

Garcia C.L et.al, (2006) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cabanatuan City: Jimcy
Publishing House

Garcia C.L et.al, (2001) Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina, Valenzuela City: Mega-
Jesta prints, Inc.

Mithcie A.A et.al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Bulacan: St. Andrew Publishing
House
UNIVERSITY OF THE CORDILLERAS
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ika-19 ngHunyo, 2015


Ma. Teresa U. Bejar
Registrar’s Office

Mahal naming Bb. Bejar:

Masayang Buhay para sa ating lahat!

Ang may hawak ng liham na ito ay sina at


. , mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of
Science in Education Major in Filipino sa University of the Cordilleras at kasalukuyang
gumagawa ng pananaliksik na pinamagatang“Antas ng Paggamit ng Text Messaging
sa Pormal na Sulatin ng mga Mag-aaral”.
Kaugnay rito, kami ay humihingi ng pahintulot sa inyong kagalang-galang na opisina
na kukuha ng kabuang bilang ng populasyon ng mga nasa unang taon sa University of
the Cordilleras na nasa 2014-2015 na aming kakailanganin para sa aming
isinasagawang pananaliksik. Alam naming kayo ay aming kabahagi sa anumang
hangaring palaganapin nang mahusay ang pananaliksik.
Anumang tulong at gabay na inyong ibibigay ay aming pahahalagahan at gagawin
naming konpidensyal.
Maramingsalamatpo!
Lubos na gumagalang,

Gng. Cora M. Pasalo


Gurong Filipino 110( Introduksyon sa Pananaliksik- Wika at Panitikan)

Binigyang- pansin ni:

Dr. Norma Maria P. Rutab


Dekana- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Antas ng paggamit ng text messaging Sa pormal na sulatin ng mga mag-aaral
Panuto: Sa ibaba ay talaan ng mga paraan sa pagtetext na may epekto sa pormal sulatin ng
mga mag-aaral. Basahin at unawain ang mga pahayag at sagutin ito ayon sa inyong sariling
opinyon. Lagyan ng tsek ( / ) ang katumbas na numero ng hanay ng inyong napiling kasagutan.
4- lubos na nakaaapekto- Ang paggamit ng mga pamamaraan sa text messaging ay may
malaking epekto sa gramatika at retorika sa pagsulat ng pormal na sulatin.
3- nakaaapekto- Ang paggamit ng mga pamamaraan sa text messaging ay may epekto sa
gramatika at retorika ng pormal na sulatin.
2- hindi gaanong nakaapekto- Hindi gaanong apektado ng mga pamamaraan sa text messaging
ang pagsulat ng mga pormal na sulatin
1-walang epekto- Walang epekto ang mga pamamaraan ng text messaging sa pagsulat ng mga
pormal na sulatin.

Antas sa Pormal na Sulatin Dulot ng Text Messaging 4 3 2 1

1. Pagkakaltas sa mga patinig

2. Acronym bilang kapalit sa mga pahayag

3. Pagkakaltas sa mga katinig

4. Jejemon na mga salita

5. Pinaikling salita at pahayag

6. Maling pagbaybay ng mga salita

7. Simbolo sa pagbabaybay ng mga salita

8. Paghahalo ng mga salitang Ingles at Filipino

9. Labis na pagggamit ng mga pananda

10. Maling paggamit ng mga pananda


Panuto: Sa ibaba ay talaan ng mga kadalasang paraan sa pagtetext ng mga mag-aaral. Basahin
at unawain ang mga pahayag at sagutin ito ayon sa inyong sariling opinyon. Lagyan ng tsek ( /
) ang katumbas na numero ng hanay ng inyong napiling kasagutan.
4- napakadalas gamitin – Ang mga pamamaraan sa text messaging ay napakadals magamit sa
mga sulating pormal.
3- madalas gamitin- Ang mga pamamaraan sa text messaging ay nagagamit ng madalas sa
mga sulating pormal.
2- hindi gaanong ginagamit – Ang mga pamamaraan sa text messaging ay hindi gaanong
ginagamit sa pagsusulat ng sulating pormal.
1- hindi ginagamit- Ang mga pamamaraan sa text messaging ay hindi ginagamit sa pagsusulat
ng pormal na sulatin.

Mga Kadalasang Ginagamit sa Text Messaging 4 3 2 1

1. Pagkakaltas sa mga patinig

2. Acronym bilang kapalit sa mga pahayag

3. Pagkakaltas sa mga katinig

4. Jejemon na mga salita

5. Pinaikling salita at pahayag

6. Hindi wastong baybay ng mga salita

7. Simbolo sa pagbabaybay ng mga salita

8. Paghahalo ng mga salitang Ingles at Filipino

9. Labis na pagggamit ng mga pananda

10. Maling paggamit ng mga pananda


References

You might also like