Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HOUSE BILL 223

Naghain ng House Bill 223, si ACT Teachers partylist France Castro na gawing prioridad ang
pagpasa ng mga mandatory units ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo matapos itong tanggalin
ng CHED at ng Supreme Court noong Mayo.

“Ang buwan ng Agosto ay tinaguriang buwan ng wika. Ang Filipino, bilang pambansang wika,
ay wika ng paglaya at pagkakaisa ng mga Pilipino. Bigyang halaga natin ang wikang Filipino at
Panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabalik ng mandatoring siyam na yunit para sa
Filipino at tatlong yunit para sa Panitikan sa kolehiyo,” ani ni Castro.

“Ang pagpatay ng CHED sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, na sinang-ayunan ng Korte


Suprema noong Mayo 2019 at kasabay na pagpatay ng programang K to 12 sa Kasaysayan ng
Pilipinas sa hayskul at Philippine Government & Constitution ay isang malaking dagok sa
pagkakaroon ng makabayang edukasyon sa Pilipinas.”
Magiging puspusan lamang ang pagtataguyod sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon
kung puspusan ding itataguyod ang pagtuturo nito bilang asignatura sa lahat ng antas ng
edukasyon,

Ano ang halaga ng pagkakaroon natin ng buwan para sa pagpapahalaga sa wikang pambansa
kung mismong ang mga ahensya ng gobyerno ay walang pagpapahalaga sa Filipino at Panitikan
at tinatanggal ang mas malalim na pag-aaral at pag-uunawa rito?
Birada ni Castro, kung tutuusin, mas mahalaga at mas malaki ang papel na ginagampanan ng
pag-aaral ng sariling wika at panitikan sa pagtuturo ng makabayang kamalayan sa mga kabataan
kumpara sa mga isinusulong ngayon na mandatoring ROTC sa senior high school. Wala tayong
maiaambag sa edukasyong pangkultura ng mga mamamayan ng daigdig kung hindi natin
lilinangin ang ating sariling wika, kultura.
Naghain si Castro ng Panukalang Batas 223, na nagalayong gawing mandatoryo ang siyam (9)
na yunit ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo upang mapunan ang kakulangan ng
bagong General Education Curriculum at makapag-ambag sa paglinang ng ating kamalayan sa
sariling wika, kultura, at identidad, upang linangin at puspusang itaguyod ang ating pambansang
wika, gaya ng iniaatas ng Saligang Batas.

“Ginigiit natin na kailangan ipagtanggol at ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mandatoring
asignatura sa kolehiyo.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong
ng ating wika:
Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng
isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang
pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,
1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang
lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat
ng kolehiyo at pamantasan.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang
Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
Artikulo XIV - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang
paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa
mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

KAILAN NAGSIMULA ANG TANGGOL WIKA?

KAILAN NAGSIMULANG IPAGLABAN?

KAILAN INIHAIN SA KORTE SUPREMA?

Tanggol Wika or Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of


Defenders of the Filipino Language) is a Philippine-based organization founded in 2014 in an
assembly of more than 300 professors, students, writers and cultural activists at the De La Salle
University-Manila, as a response to the abolition of formerly mandatory Filipino language
subjects in Philippine colleges and universities because of Commission on Higher
Education (CHED) Memorandum Order No. 20, Series of 2013,[1] which implements a new
General Education Curriculum (GEC) as part and parcel of the Philippine government's adoption
of the Kindergarten to 12 years of basic education or K to 12 program.
In its founding manifesto, Tanggol Wika listed the following objectives as its main advocacies:
1) Retain the teaching of Filipino language subjects in the new Philippine General Education
Curriculum (GEC) in college; 2) Revise Commission on Higher Education (CHED)
Memorandum Order 20. series of 2013; and 3) Use Filipino language as a medium of instruction
in different subjects; and 4) Push for nationalistic education in the Philippines.[2]
In 2015, Tanggol Wika filed[3] a Philippine Supreme Court petition (the first-ever petition written
in Filipino,[4] which is the Philippines' national language) - backed by partylist groups and
various personalities[5] - to stop the implementation of CHED Memorandum Order No. 20,
Series of 2013, remarking that it disregards the pro-national language spirit of the framers of
the 1987 Philippine Constitution, the same Constitution’s emphasis on nationalism and cultural
awareness as core values of Philippine education, and the same Constitution’s pro-labor
provisions that give workers – including teachers and workers in the education sector – the right
to participate in policy-making activities.[6]
Subsequently, Tanggol Wika scored an initial victory in its legal battle against CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013 when the Philippine Supreme Court issued a
temporary restraining order against the said government policy which remains valid until further
court orders.[7][8]
The group pushes for its advocacies through forums,[9][10][11] rallies at the CHED
office,[12][13][14] at the Supreme Court,[15][16] in Mendiola near Malacañan Palace and other
venues,[17] and social media campaigns. Its Facebook page has garnered more than 12,000 likes
as of April 2016.[18]
The group called upon politicians to include their advocacy among the issues for the 2016 local
and national elections in the Philippines.[19] It actively promotes the Filipino language through
social media, and regularly post commentaries on current issues. Recently, it called upon a
famous Filipino broadcaster to apologize for "belittling" the Philippine national language when
the latter called the language as "bullshitty" as a reaction to a presidential debate conducted in
the Filipino language.[20][21] Many of its convenors also signed a statement (written in Filipino)
condemning Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. (a vice-presidential candidate in the
2016 elections) for the latter's portrayal of his father Ferdinand Marcos, Sr.'s dictatorship as an
alleged "golden age" of the Philippines.[22][23][24][25] It has also endorsed ACT Teachers
Partylist (among the founding organizations of Tanggol Wika) and the senatorial bid of Bayan
Muna Rep. Neri Colmenares - a co-signatory in a subsequent Supreme Court petition that
challenges the constitutionality of the whole K to 12 system in the Philippines, in the 2016
elections.[26]

You might also like