ANG ESPASYO NG REHIYONAL NA PANITIKAN SA PANITIKANG PAMBANSA
Pinagsisikapan ng mga artikulong naitapok sa Writing the Nation ni Lumbera ang
pagtukoy sa espasyo ng panitikang rehiyonal sa pagbuo ng isang panaitikang Pambansa. Nasakop ang Pilipinas ng maraming mga mananakop na nagkapagdala ng kani-kanilang pamamaraan ng pamumuhay kasama ang kanilang kultura at kinagisnan. Marami-rami mga masasalimuot na nangyari sa Pilipinas bago na nakamit ang kasarinlan, tulad ng panitikang rehiyonal na dumaan sa maraming diskriminasyon upang ipagsiksikan at matanggap ang na ito ay isa sa mga kasangkapan ng pagbuo ng isang pambansang panitikan. Sinabi na “the language of the colonial master have indeed been so privileged that whatever is written in either Spanish or English seems to automatically attain the stature of national writing” nagpapatunay na ang wikang katutubong ginagamit sa rehiyonal na panitikan ay walang puwang sa pagsasakatupan sa pambansang panitikan. Nakakulong ang isip ng maraming mga kritiko na tanging ang mga wika ng mga mananakop lamang ang maaaring gamitin sa mga panitikan. Nilalagyan ng margin ang pagsasakatutubo ng panitikan sa Pilipinas. Maituturing na dinamiko ang panitikan sa Pilipinas dahil katangian nitong pabago-bago dala ng pangangailangan o sa anumang sumisikat na mga bagong pamamaraan at estilo sa pagsusulat. Ngunit, marami sa mga manunulat noong una ay ang paggigiit na ang pamantayan ng pagsusulat ay sa mga likha ni Edgar Allan Poe, Virginia Woolf o sa iba pang manunulat mula sa kanluran. Ang isang bayan na walang panitikan ay isang bayan na walang maituturing na yaman ng katutubo, kaya masasabi na ang kailangan ang panitikang rehiyonal bilang isang magpapakilala ng isang identidad ng isang bayan. Ang intertextuality ay isa sa mga paraan kung bakit ang may mga nabubuong panitikang rehiyonal, mahalaga ang pagsasakatutubo ng mga konseptong mula sa kanluranin bilang spring board sa pagbuo ng isang panitikang pambansa. Tinalakay rin sa artikulo ang pagiging sentro ng wikang Tagalog bilang kasangkapan sa panitikang Pambansa. Ibig sabihin ginawang pamantayan ang wikang Tagalog na dapat gamitin sa mga pagsusulat ng panitikan. Ito ang pumukaw sa aking diwa habang nagbabasa na kahabag-habag ang mga manunulat sa wikang katutubo na hindi na kailanman mapapansin ang kanilang mga likha kahit ito ay higit na tumatalakay sa dapat tinatalakay ng isang pambansang panitikan. Ngunit, sa loob ng tatlong dekada mula 1970-1990 maraming mga malalaking pangyayari sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas. Dati ang wikang ginagamit sa pagsusulat ay Tagalog (Manila centric) ngunit sa panahong nabanggit, unti-unti nang tinatanggap ang mga katutubong wika sa pagpapalawak ng konsepto ng panitikan sa buong bansa. Isa na rin ay ang paglitaw ng mga akdang likha ng magsasaka at manggagawa na hindi dumadaan sa mga workshop. Ibig sabihin labis ang kanilang kamalayan sa mga kaganapan ng lipunan. Sa makabagong panahon ang na kung saan ang globalisasyon ang nakikitang resulta ng pamahalaan sa laganap na kahirapan ng Pilipinas. Ang pagpasok ng mga bansang nakikipag- ugnayan sa Pilipinas dahil sa kalakaran ay kasabay din pagpalitan ng kultura. Ipinapakita ni Ramos na isang anomaliya ang maninidigan para sa kapakanan ng Pilipinas. Katulad sa panitikan, walang kalayaang ipahayag ang mga damdamin sa wika ng katutubo. Kinakailangang isulat ito sa wika ng unibersal, sa pamamaraang ito tinatanggalan ng boses ang mga manunulat mula sa mga katutubo sa Pilipinas. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, ang mga manunulat sa wikang katutubo ay nanindig ang gumawa ng mga likha na may tatak pambansa. Ang tatak Pambansa ay maaaring kilalanin sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang sinasabi ng akda tungkol sa bansa, sa kasaysayan nito, sa buhay pampolitika, sa kultura at sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng lipunan. Sa kabuuan ang espasyo ng katutubong panitikan sa Pilipinas ay lalong yumayabong sa kasalukuyan dahil sa mga tumatangkilik nito. Ito ang pumukaw sa aking interes na pag- aralan ang mga panitikang migrante sa loob ng bilangguan dahil naniniwala ako na maraming mga kwento bernakular ang hilaw at hindi pa napag-aaralan.