Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang ika-9

I. Layunin
1. Natutukoy ang gamit ng mga pangatnig na magkatimbang at ‘di magkatimbang.
2. Nagagamit ang mga angkop na mga pangatnig sa pagbibigay ng sariling opinion/pananaw.
3. Nasusuri at naitatala ang mga pangatnig na magkatimbang at di magkatimbang na nabasa
sa isang talataan.
II. Paksang Aralin
 Mga Pangatnig na nag-uugnay ng Magkatimbang at Di-magkatimbang na Yunit,
 Batayan: Panitikang Asyano 9, p. 125-127
https://teksbok.blogspot.com/2010/08/pangatnig.html
 Kagamitan: Libro, Tulong pampaningin.
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban at ‘di liban sa klase
 Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong
umagang ito, mayroon muna akong ipababasang
mga pangungusap sa inyo, gusto kong ibigay ninyo
ang inyong reaksyon patungkol dito.

Ma’am nakakatawa po ang pangungusap dahil


barok pong pakinggan at basahin.
Ano pa?
Nakalilito Ma’am, kailangan pang intindihin ng
mabuti para malaman mo yung gusto nitong
sabihin.
Tama, mayroon pa bang ibang reaksyon?
Ma’am dapat po pinag-aralan munang mabuti ang
pangungusap bago ipinaskil kasi po nakakahiya
baka pagtawanan lang.
Sang-ayon ako sa iyong sinabi, tunay nga na dapat
ay pag-aralan munang mabuti ang pagkakabuo ng
mga salita bago ipaskil, lalo na’t kung ang gumawa
nito ay isang banyagang hindi pa gaanong sanay
sa pagsasalita ng wikang Filipino.

2. Paglalahad
Sa umagang ito, ang aking pinabasa sa inyo ay
may kinalaman sa ating pag-aaralan sa umagang
ito, upang magkaroon pa kayo ng mas malawak na
kaalaman sa mga gamit sa tinatawag nating
Pangatnig na Magkatimbang at Di-magkatimbang.

3.Talakayan

Pangatnig
Ano ang pangatnig?
Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa
sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang
kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig
ay ginagamit din sa mga pangungusap na
tambalan, hugnayan at langkapan.
Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :
1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na
yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod
ang kaisipang pinag-uugnay
Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na
lamang?
(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) -
pangatnig na panalungat; sinasalungat ng
ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.
2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-
magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)
Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na
kasintalino niya.
(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng
sanhi o dahilan
Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang
politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw
Halimbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin
siya sa media.

4.Paglalapat
Muli ano na ang Pangatnig?

Tama! Saan na uli ito nahahati?

kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa


dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at
5.Paglalahat sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang
dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng
Pumunta na muli kayo sa inyong mga kagrupo at pangungusap.
mayroon akong babasahing talataan sa inyo at nais
kong isulat ninyo lahat ng mga pangatnig na inyong
maririnig at tukuyin ito kung ito ba ay nakapailalim Sa dalawa po, Magkatimbang at Di-magkatimbang
sa magkatimbang nay unit o sa Di-magkatimbang nay unit.
na yunit.
(babasahin ng guro)

Kasagutan:
Magkatimbang: at, o
Di-Magkatimbang: kundi, upang nang

IV. Pagtataya
Bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng iyong opinion o pananaw patungkol sa mga
halimbawang mga isyu, usapin o kilalang mga tao sa ating lipunan, gumamit ng mga pangatnig at
salungguhitan ang mga ito. Isulat sa isang buong papel.

1. Gyera sa Marawi.
2. Madugong Laban Kontra Droga
3. Pamumuno ni Pangulong Duterte sa Pilipinas
V. Takdang Aralin
Pag-aralang mabuti ang binigay na bahagi ng maikling kwento para sa maayos na talakayan para sa
susunod na araw.

You might also like