Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PARA SA MGA MAG AARAL:

Ang mga mag aaral ang pangunahing makikinabang sa pananaliksik na ito. Maliban sa sila ang
nakakaranas ng akademikong tension, magiging susi rin ang pag aaral na ito upang mas maintindihan nila
ang kanilang sarili at ang kanilang mga nararanasan sa pang araw araw na pamumuhay. Sa pananaliksik
na ito, hindi lamang mga epekto at dahilan ang kanilang mahihinuha kundi pati na rin ang solusyon
upang matalo ang suliranin na nagpapaimplika sa kanilang buhay sa paaralan.

PARA SA MGA MAGULANG:

Makakakuha rin ng mga benepisyo ang mga magulang sapagkat sa pamamagitan ng masusing pag aaral
na ito ay maiintindihan nila ang mga nararamdaman o kinakaharap ng kanilang mga anak. Dagdag pa
rito, mas magagabayan nila ng maayos ang kanilang mga anak kung magkakaroon sila ng kaalaman
tungkol kanilang mga nararanasan sa pag aaral.

PARA SA MGA GURO:

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng kalinawagan ang mga guro sa mga nararanasan
ng kanilang mga estudyante. Mas mapapalawak nito ang kanilang isipan upang mas maintindihan nila
kung ano anong dahilan at epekto ng akademikong tension na nararanasan ng kanilang mag aaral.
Maaaring ang kanilang mga tinatakdang gawain sa mga mag aaral o sila mismo ang nagiging dahilan ng
pagkabigo ng kanilang mag aaral.

PARA SA ADMINISTRASYON NG PAARALAN:

Isa sa mga makikinabang sa pag aaral na ito ay ang administrasyon ng paaralan. Makakatulong ang pag
aaral na ito upang malaman at maintindihan nila ang kinakaharap ng kanilang mga mag aaral. Sa
pamamagitan nito, maari nilang mapagbuti at maisaayos ang kurikulum upang masolusyonan ang
suliraning kinakaharap ng kanilang mga mag aaral.

You might also like