Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

NOVENA PATUNGKOL SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, AMEN.

LAHAT:

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at


sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang
pagkakasala ko sa Iyo. Ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon at Ama ko na
iniibig ng lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa
Iyo at nagtitikang mangungumpisal ng dilang kasalanan ko. Umasa akong
patatawarin mo rin alang sa mahal Mong pasyon at pagkamatay Mo sa krus
dahilan sa akin, Siya Nawa.

Buksan o Panginoon ang mga labi namin, palusugin ang aming mga loob at
palakasin sa mga walang kapakanan, mahalay at likong akala, liwanagan mo
ang aming bait, papagningasin ang aming puso nang magunamgunam naming
mataimtim ang kamahal-mahalan Mong pinagdaanang hirap at kamatayan
sampu ng kapait-paitang dinaralita ng Iyong marangal na Ina at maging dapat
kaming dingging sa harapan ng di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay
Ka at naghahari magpasawalang hanggang Siya Nawa.

ULITIN NG TATLONG BESES ANG NAKA-BRACKET

Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang mga kaluluwa ng
mga binyagang nangamatay na.

SAGOT: Dahil sa kanya ay nagpakasakit Ka at nagpakamatay...Siya Nawa.

1. Hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis nang manalangin Ka sa


halamanan.

SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.

2. Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na mukha.


SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.

1
3. Hesus ko alang-alang sa masakit na hampas na Iyong tiniis
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
4. Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santusang Mong ulo.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
5. Hesus ko alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang krus ay Iyong
kababaw-babaw.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
6. Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan Mong mukha na naliligo sa dugo at Iyong
binayaang malarawan sa Birang ni Veronica.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
7. Hesus ko alang-alang sa damit Mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad
sa Iyong katawan niyong tampalasan.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
8. Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan Mong katawan na napako sa krus.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
9. Hesus ko alang-alng sa Iyong kasantu-santusang paa at kamay na pinakuan ng mga
pakong dinadalita mong masakit.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.
10. Hesus kong alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na
sibat at binukalan ng dugo at tubig.
SAGOT: Kaawa’t patawarin ang kaluluwa.

I. Ama Namin
I. Aba Ginoong Maria
I. Reykemeternam (Luwalhati......)

Sagot: Kapara sa unang-una ngayon at magpakailanman, Siya Nawa.


LAHAT: Donais Domini
Sagot: Et Luz Perpetuaal E Dei
LAHAT: Requez Quetempazen
Sagot: AMEN.

2
PAGHAHAIN

Katamis-tamisang Hesus ko na sa pagsakop sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay


ipinanganak, tumulo ang mahalagang dugo sa paghihirap, pagsirkonsisyon, inalipusta
ng mga Hudyo napasa-kamay niyong mga tampalasan, sa paghalik ni Hudas ginapos
ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan sa Iyo tulad sa korderong walang sala,
iniharap kay Anas, kay Kaipas, kay Pilato at kay Herodes, niluhuran, pinaratangan at
pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tinampal naging alimura, natadtad ng sugat
ang buo mong katawan sa hampas ng suplina, pinatungan ng koronang tinik, natakpan
ang Iyong mukha ng isang porpura sa pagpapalibhasa sa Iyo, nalagay sa isang
paghubong kahiya-hiya, napako sa krus at natindig sa kanila, papagitan sa dalawang
magnanakaw na parang isa sa kanila, pinainom ng apdong nilahukan ng suka, at ang
Iyong tagiliran ay silain ng isang sibat, hanguin Mo na Panginoon ko alang-alang doon
sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain Mo ang mga kaluluwa sa purgatorio,
sa pagdurusa nila, iakyat mo sila ng matiwasay sa Iyong kaluwalhatian at iligtas Mo
kami alang-alang sa mga hirap sa impiyerno ng kami maging dapat pumasok sa
payapang kaharian na Iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakisama sa
Iyong naparipahan sa krus, nabubuhay ka nga at naghahari na kasamahan ng Diyos
Ama at Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggang Siya Nawa.

Kiriye elaison, Kristo elaison, kiriye elaison,


Kristo pakinggan Mo kami
Kristo paka-pakinggan Mo kami
Diyos Ama sa langit, maawa ka sa kaniya
Diyos na anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa kaniya
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa kaniya
Santa Trinidad na tatlong persona at iisang Diyos, maawa ka sa kanya.

3
Sagot sa mga sumusunod: IPANALANGIN MO SIYA

Santa Maria
Santang Ina ng Diyos Rosang bulaklak na di mapuspus ng bait ng
Santang Birhen puno ng mga Birhenes taong halaga
Ina ni Kristo Tore ni David
Ina ng grasya ng Diyos Tore ni Garing
Inang kaskdal-sakdalan Bahay na ginto
Inang walang malay sa kahalayan Kaban ng tipan
Inang di malapitan ng masama Pinto ng langit
Inang kalinis-linisan Talang maliwanag
Inang kaibig-ibig Nagpapagaling sa may sakit
Inang kataka-taka ng mabuting kahatulan Sakdalan ng mga taong makasalanan
Ina ng may gawa sa lahat Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati
Inang mapag-adya Mapag-ampon sa Kritiyanos
Birheng kapaham-pahaman Hari ng mga Angheles
Birheng dapat igalang Hari ng mga Aposteles
Birheng dapat ipagbantog Hari ng mga Propetas
Birheng makapangyayari Hari ng mga Martires
Birheng maawain Hari ng mga Patriarcas
Birheng matibay ang loob sa magaling Hari ng mga Kompesores
Salamin ng katuwiran Hari ng mga Birhenes
Luklukan ng karunungan Hari ng lahat ng Santos
Mula sa tuwa naming Haring ipinaglihi na di nagmana ng
Sisidlan ng kabanalan kasalanang orihinal
Sisidlan ng bunyi at bantog Haring inakyat sa langit
Sisidlan bukod ng mahal na loob na Hari ng kapayapaan
makasaing sumunod sa Poong Diyos Hari ng kasanto-santusang rosary

4
1. Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan
SAGOT: Patawarin Mo po siya Panginoon namin
2. Kordero ng Diyos na nakakawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan.
SAGOT: Pakapakinggan Mo siya Panginoon namin
3. Kordero ng Diyos na nakakawala ng mga kasalanan ng santinakpan ng langit.
SAGOT: Kaawaan Mosiya, Panginoon namin
LAHAT: Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos
SAGOT: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

(3 Beses)
(Panginoon namin dingging Mong nalulugod ang aming pag-aamo-amo, dumating nawa sa
Iyong tainga ang aming pagtangis). Pinagtatagubilin sa Iyo Panginoon namin ang mga
kaluluwa sa purgatoryo at kaluluwa ni ___________________ na sa pagkapanaw dito sa
mundo, mangyaring Iyong ipatawag sa kanila o sa kaniya alang-alang sa walang katapusan
Mong awa ang mga kasalanang nagawa at laging nangabuhay o mabuhay sa Iyo
magpasawalang hanggan, Siya Nawa.

1 Ama Namin
1 Aba Ginoong Maria
1 Reykemeternam (Luwalhati......)

Sagot: Kapara sa unang una ngayon at magpakailanman, SIya Nawa.


LAHAT: Donais Domini
Sagot: Et Luz Perpetual E Dei
LAHAT: Requez Quetempazen
Sagot: Amen.

Sa lahat ng hirap at sakit na dinalitang Panginoong Hesukristo, Panginoon kong Diyos,


yamang inilagak sa amin ang mga bakas ng Iyong santong pasyon sa mahal na kumot na
binalot sa Iyong kabanal-banalang katawan ng tanggalin, ibaba sa krus ipagkaloob Mo na po

5
sa aming mabahaging Panginoon alang-alang sa Iyong kamatayan at paglilibing ng Ikaw ay
dalhin sa Glorya, pagkabuhay na nagmuli na kinabubuhayan, pinaghihirapan sa kasamahan
ng Diyos Espiritu Santo magparating man sa walang hanggan, Siya Nawa.
N: Alabado sielo santisimo sakramento dela altar
S: Por siyempre alabado bendito
6 Ama Namin
6 Aba Ginoong Maria
6 Reymeketernam (LUWALHATI.....)
Sagot: Kapara sa unang-una ngayon at magpakailanman, Siya Nawa.
L: Donais Domini
Sagot: Et Luz Perpetual E Dei
L: Requez Quetempazen
Sagot: Amen.

Alang-alang na po Hesussa tatlong oras na pagbayubay sa krus pinag-aamo-amo po sa Iyo


ang mga kaluluwa sa purgatoryo kung sila man ay may kasalanang di napagsisihan,
naipagkumpisal noong sila ay nabubuhay pa, patawarin Mo po sila, papagkamtin ng bayang
kaluwalhatian sa langit. Siya Nawa.

O Panginoon kong Hesukristo Amang katamis-tamisan, pakundangan sa pagkaligaya na Iyong


inibig na Ina ng Ikaw ay Makita nang gabing nabubuhay kang mag-uli at nang Ikaw ay
makitang punong-puno ng kaluwalhatian alang-alang sa Iyong pagka-Diyos, dinaraing po
naming kami ay liwanagin Mo ng mga biyaya ng Diyos Espiritu Santo nang sa raw-araw
samantalang kami’y buahy mangyaring matupad namin ang Iyong loob nabubuhay ka at
naghahari magparating man sa walang hanggan, Siya Nawa.

SUMASAMPALATAYA (ako sa Diyos.....)


Kaluluwang mahal ni Hesukristo pakasantusin Mo ako.
Katawang mahal ni Hesukristo sakupin Mo ako.
Tubig sa tagiliran ni Hesukristo pakahugasan Mo ako.
Pasyon mahal ni Hesukristo pakatapangin Mo ako.

6
O magandang Hesus pakinggan Mo ako, itago Mo ako sa mga sugat Mo. Huwag Mo akong
ipahintulot mawalay sa Iyo, iaadya Mo ako sa demonyong kaaway ko, tawagin mo ako sa oras
ng kamatayan ko, nang makasama ng mga Santos Angeles pagpuri magparating man sa
walang hanggan, Siya Nawa.
O Birhen po ay itong aming hain di man dapat tanggapin, kaluluwa at buhay naming kaawaan
na ninyong ampunin sa wakas ng buhay naming sa kamatayang darating sa langit pagpalain
O Birhen kami ay lingunin Mo tumatawag sa Iyo magpuri di man totoong mahal na poon Santa
Rosario.

Santos Diyos, Santos Puertas Mortales, Misere Nobis (3 beses)

Bendito alabado sia santisimo sacramento de la altar, de la lempia, Immaculada Concepcion


de la Virgen Maria, Madre de Dios, Senora Nuestra, concibido semancha picado original
elpiner disiser natural por siyempre amas amen, Jesus.

LAHAT: Alabado sia santisimo sacramento de la altar


SAGOT: Por siyempre alabado Bendito

3 Beses
LAHAT: Ave Maria Purisima
SAGOT: Simplicado Concibida

You might also like