Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI- Kanlurang Visayas


SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lapaz, Lungsod ng Iloilo
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Para sa bilang 1-3. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang masilayan niya ang kagandahan nito. Tila
ba napana niya ang kanyang sarili.
A. Sumusunod sa utos B. sumama sa lakad C. tumakbo sa utos D. umalis agad
2.Si Psyche ay palaging nag-aalay nang marubdob na panalangin sa mga Diyos subalit wala ni isa sa kanila ang nais maging kaaway
ni Venus.
A. Maalab B. masikhay C. masalimuot D. masaya
3. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni
Apollo. Nagsisisi sila kung bakit inilihim pa nila ito kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat na niyang malaman ang katotohanan
bago mahuli ang lahat.
A. Pinagsabihan B. pinaalalahanan C. hinimok D. hinayaan
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang ginamit bilang aksyon?
A. Pumunta siya sa Maynila upang maghanap ng trabaho.
B. Sumakit ang kanyang tiyan dahil sa pagkain ng hilaw na mangga.
C. Nalunod sa baha ang pamilya Zaragosa dahil sa malakas na bagyo.
D. Naiingit si Celia kay Jessa sa kakinisan ng balat nito.
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang ginamit bilang karanasan?
A. Bumalik si Laura sa palasyo para kay Florante. C. Tumawa ang lahat sa kakulitan ng batang si Jason.
B. Umikot si Dianna sa plasa ng kanilang bayan. D. Pumasok ang mga magnanakaw sa malaking bahay na walng
nakakaalam.
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang ginamit bilang pangyayari?
A. Pumanaw ang kanyang ama. C. Nasunog ang kanilang bahay dahil sa faulty electrical wiring.
B. Pumunta siya sa gubat. D. Pumasok siya sa loob ng bahay nang dahan-dahan.
7. Ano ang naiibang katangian ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan?
A. May bahaging kapana-panabik. C. Naglalaman ito ng talinghaga at nagtuturo ng aral.
B. Hango sa tunay na buhay. D. Nagdudulot ito ng kaaliwan sa mga mambabasa.
Para sa bilang 8-9
At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, “kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa nang mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan. (2) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. (3) Kaya hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magttitwala sa inyo ng tunay na kayamanan? (4) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng
iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

8. Ano ang tema na nais ipabatid ng parabulang “Ang Tusong Katiwala” sa mga mambabasa?
A. Ang pagkilala sa karapatan ng iyong kapwa. C. Pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo.
B. Kailangan ang paggalang sa mga nakatatanda. D. Paggalang sa pagkakaiba-iba ng pananampalataya.
9. Ano ang nais ipahiwatig ng ikalawang pangungusap sa tekstong nabasa?
A. Ang lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
B. Ang maliit na bagay ay ipinagkakatiwala sa lahat ng tao.
C. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay maaaring mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.
D. Ang maliit at malaking bagay ay ipinagkakatiwala sa lahat ng tao.
10. Ano ang ibig ipabatid ng pahayag na “kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa nang
mabuti sa inyong kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
A. Ang kabutihan ay nasusukat sa paggawa ng mabuti.
B. Ang kayamanan ay nasusukat batay sa tagumpay na nakamit.
C. Ang kabutuihan at kayamanan ay sukatan ng tagumpay.
D. Ang tahanang walang hanggan ay makakamit sa paggawa ng kabutihan.
Para sa bilang 11-13. Pumili sa mga pang-ugnay na makikita sa ibaba na angkop na gagamitin sa mga patlang.
Maaga pa noon ( 11) dahan-dahan akong lumakad patungong paaralan. Pasipol-sipol pa ako nang mahina
habang ako’y naglalakad. Maya-maya ay nakarining ako ng isang tinig na humihikbi nang marahan. Bigla akong
luminga-li.nga subalit wala akong nakita. (12) paglinga ko’y napansin kong lumalakad pala ako nang nag-iisa sa
kalye. Kinilabutan ang huo kong katawan ngunit nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Pabilis nang pabilis ang aking
paglalakad. Di kaginsa-ginsa’y muli kong narinig ang paghikbi, (13) sa pagkakataong ito’y malakas na ang tinig.
Hindi ko namalayan pa ang sumunod na mga pangyayari. Ang alam ko’y kumaripas na ako na takbo nang ubod
bilis. Naisumpa ko sa aking sarili na hindi na ako muling daraan pa sa lugar na iyon.
A. Subalit B. kaya’t C. upang D. dahil sa
Para sa bilang 14-16. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa mga sumusunod na pangungusap.
14. Sadyang naghihimutok ang mga tao dahil sa mga katiwaliang nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan.
A. Nagrereklamo B. nagdaramdam C. nagtitimpi D. nagagalit
15. Alin sa mga sumusuod na salita ang magkapareho ang kahulugan?
A. Nagliliyab-nagsasaya B. mahirap-mahumaling C. intelektwal-mahirati D. pagmasid-pagmasdan
16. Alin ang may kaparehong kahulugan sa salitang panlilibak?
A. Pananalig B. panunuya C. paniniwala D. panlilinlang
Para sa bilang 17-18. Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat patlang sa talata upang mabuo ang konseptong nais
ipahayag.
Pag-eehersisyo, Susi sa Kalusugan
Hindi pa nalalaunan nang ipatupad ang “Hataw-Galaw” sa ating paaralan. Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ng
Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng sistema ng pag-eehersisyo ang ,mga paaralan para sa mga kabataan.
Ang pagpapatupad ng proyektong ito ay pinamamahalaan ng mga guro ng Kagawaran ng MAPEH. Isang bahagi ng gawain ng mga
mag-aaral ang pag-eehersisyo.
(17) mga guro sa asignaturang MAPEH, ang pag-eehersisyo ay nakabubuti sa ating puso at baga. Sa pamamagitan ng
pag-eehersisyo, bumibilis ang tibok ng ating puso na nakabubuti sa atin sapagkat ang dugo na binubomba ng ating puso ay
nagdadala ng oxygen na nagmumula sa baga patungo sa ibang bahagi ng ating katawan.
Batay sa DOH, nakatutulong din ang pag-eehersisyo sa pagbibigay ng sapat na lakas sa tao lalo na yaong hindi nakakatulog nang
mabuti.
Sa panuruang taong ito, hinihimok namin ang aming kapwa kabataan na ugaliin ang pag-eehersisyo. (18) , may masamang
epekto rin ang labis na pag-eehersisyo. Kailangan din itong sabayan ng wastong pagkain ng mga masustansyang pagkain na
kailangan ng ating katawan.

A. Ayon sa B. samantala C. sa palagay ko d. sa aking pananaw


Para sa bilang 19-20

Sa sariling Bayan
Ang simoy ng hangin,sa sariling bayan, Sa mundo mang tuwa kung sa iba galing,
Halik ng pag-asa’t kundiman ng buhay, Sa sariling puso’y hindi tumitiim;
Waring nagsasabing ang kaligayahan Ngunit mabigat man ang dalang hilahil
Sa nakagisnang pugad tanging makakamtan. Naginging magaan sa sariling atin.

Halaw sa tula ni Ed Regalado”Pabayan”


19. Ano ang kahulugan ng salitang tumitiim sa ikalawang saknong?
A. Tumatagos B. lumalagos C. sumusugat D. tumurusok
20. Ano naman ang kahulugan sa salitang hilahil sa ikalawang saknong?
A. Lungkot B. hirap C. suliranin D. pighati
Para sa 21-23

Anang kawikaan: “Pag may ibinitin, Ang buhay ng tao’y ‘sang maghapon lamang.
Bukas makalawa’y may titingalain…” Sisikat,lulubog sa iisang araw;
Alalaong bagay dapat puhunanin Kung kaya ang bawat araw na masayang,
Ang gintong panahon sa gintong gawain. Ktumbas ng isang napalunging buhay.

Pakpak ng tadhana’y simbilis ng limbas Bawat kabiguan ng alinmang mithi,


Nakapagtatanan ng iisang iglap; Panahong nasayang ang tunay na sanhi
Kaya dapat tayong gumamit ng pakpak Sa bungang tagumpay ng bawat lunggati,
Upang makasabay sa kanyang paglipad. Ay sipag at agap ang puhunang binhi.

Ang bawat nagdaang yugto ng panahon, Kaya’t tao ika’y gumawa’t magpunla
Ay malaking hakbang ng pagkakasulong, Sa buong buhay mo ng dakilang gawa
At isang hakbang din naman sa kabaong, Upang kung ikaw ma’y yumao mamaya,
Ng taong sa lupa nagmula’t hahantong. Ay hindi’t wala kang nagbalik sa wala.
Halaw mula sa tula ni Amado V. Hernandez “ Ang Panahon”

21. Anong damdamin ang namamayani sa huling saknong ng tula?


A. Paghanga B. pag-asa C. pagtataka D. pagtanggi
“Bawat kabiguan ng anumang mithi
Panahong nasayang ang tunay na sanhi”
22. Anong damdaming nais iparating ng dalawang linya o taludtod ng tula?
A. Pagkalungkot B. pagkagulat C. pagkasawi D. pagtanggi
23. Ano ang damdaming nangingibabaw sa unang saknong?
A. Pagpapahalaga B. pag-asa C. pagkalungkot D. pagkagulat
Para sa bilang 24-26

Pinunit ni Gilgamesh ang kanyang damit at pinunasan niya ang kanyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay
Enkido, “sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang
nahayag. “Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong
paniwalaan bagama’t ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag ng matinding kalungkutan ay maaaring
dumating kahit sa isang napakalusog mang tao.”
24. Ang bahagi ng binasang akda ay isang halimbawa ng epiko.. Ito ay isang akdang pampanitikan na sumasalamin sa isang bansa.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Likas na mayaman sa epiko ang isang bansa. C. Marami ang tumatangkilik sa akdang epiko.
B. Nakikilala ang kultura at tradisyon ng isang bansa. D. Isang akdang nagpapatatag sa bansa ang epiko.
25. Sa binasang bahagi ng akda, maituturing na bayani sa kanilang lugar ang piling tauhan dahil ____________.
A. May taglay na kapangyarihan ang tauhan C. May angking galing ang tauhan
B. Nakakatulong siya sa iba pang tauhan D. Masagana ang pamumuhay ng tauhan
26. Bakit maituturing na bayani ang nagsasalita sa diyalogo?
A. Marami ang nagawa niyang kabutihan sa iba pang tauhan C. Magaling talaga ang piling tauhan
B. Taglay niya ang napakalakas na kapangyarihan D. Mayaman ang binaggit na tauhan
Para sa bilang 27-28
Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kanyang
karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh minsan binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit ano. Sa ikatlong araw ng
kanyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya at ang kanyang mga mata
ay halos di na makita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kanyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw.
Tinawag niya si Gilgamesh, “kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa
pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kanyang kaibigan.
Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kanyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa muli, pinagpatayo niya ito ng
estatwa sa tulong ng kanyang mga tao bilang alaala.
27. Ano ang ibig sabihin ni Enkido sa kanyang pahayag sa unang talata?
A. Natatakot siyang mamamatay na walang kalaban-laban.
B. Haharapin niya ang kamayan ayon sa kagustuhan ng maylalang.
C. Nahihiya siyang mamamatay na hindi nakikipaglaban.
D. Tatanggapin niya ang katotohanan na malapit na siyang mamatay.
28. “Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kanyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa muli, pinagpatayo niya ito
ng estatwa sa tulong ng kanyang mga tao bilang alaala. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Ikinalungkot ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kanyang kaibigan.
B. Labis na dinamdam ni Gilgamesh ang pagkawala ng kanyang kaibigan.
C. Iniyakan ni Gilgamesh ang pagpanaw ni Enkido.
D. Nagpapagawa siya ng estatwa para sa alaala ni Enkido.
Para sa bilang 29-31. Piliin sa ibaba ang wastong salitang pananda na ipupuno sa patlang.
Sa pasimula ay ibig kong ilarawan sa inyo ang isang lalaking kakulay natin at kasimpalad. Siya, katulad ninyo at katulad ko
rin ay kumita ng unang liwanag sa magagandang pulong ito ng ating mga gat at raja, nabubuhay sa biyaya bg ating mga lupain at
gumagalaw na malaya sa gitna ng ating mga lipuna’tkapisanan. Siya’y isang Pilipino sa balat at dugo (29)
sa diwa, puso’t kaluluwa’y tunay na kabaligtaran ngn isang Pilipinong hubad sa kadakilaan at sa diwa ng pagka-Pilipino.
, ang tunay na pagka-Pilipino sa kasalukuyan ay lubhang mahalaga at napapanahon. Mahalaga at napapanahon, (31)
nagbubuo tayo ng isang bansang nawasak at giniba ng isang malupit na digmaan, lumilikha tayo ng bagong kasaysayan ng ating
lahi at nagtitindig tayo ng isang malaking bantayog na kalalagakan ng ating mga banal at dakilang mithi upang maging buhay na
pamana sa mga susunod na salinlahi.
Halaw sa Sanaysay na “ Ang Pagka-Pilipino ni Pedrito Villegas

A.Datapwa’t B. ngunit C. sapagkat D. dahil dito


Para sa bilang 32-34. Piliin sa ibaba ang wastong salitang pananda na ipupuno sa patlang.
MAIL : Ibang Paraan ng Komunikasyon
Kaibang-kaiba ang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng E-Mail o Electronic Mail. Ito ang pinakakaraniwang
kasangkapan sa internet ( 32) nakapagpapadala ng mga liham maaari ring mga larawan at dokumento. (33)
pinindot ang SEND button agad matatanggap ang liham anumang oras at kahit saang dako ng daigdig ipinadadala ito. Wala ring
bayad ang E-Mail kung internet access at E-Mail address. Mura pa ito kaysa overseas call.
(34) E-Mail, minuto lamang ang ibinibilang sa pagpapadala ng liham sa halip na abutin ng ilang linggo.
S & T Digest Intermediate 6,Vol.4

A. Kapag B. Sa pamamagitan ng C. Bukod sa D. Palibhasa

Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya.
Sa pakiwari niya’y alangan sa kanya ang lalaking nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay walang pagkakaiba-iba ng katayuan
sa buhay. Ang ganda’t alindog ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang isang babaing namula sa
pinakadakilang angkan.
35. Aling pahayag ang nagpapatibay na ang sitwasyon ay nagaganap sa totoong buhay?
A. May mga babaeng hindi kuntento sa estado ng kanilang buhay.
B. Mahalaga sa isang babae ang pagkakaroon ng asawa’t maraming anak.
C. Sapat na sa isang babae ang makapag-asawa anuman ang estado ng buhay.
D. Maraming babae sa kasalukuyan ang naghahangad ng kaginhawahan at luho sa buhay.
Para sa bilang 36-37. Ibigay ang kahuluigan ng salitang may salungguhit.
.
Labis ang kanyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa
nang lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga
kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.

36. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
A. Kasayahan B. Kariktan C. katatawanan D. kapangyarihan
37. Ipinaghihnagpis niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang
sa paningin niya ay napakapangit.
A. Kahirapan B. Karangyaan C. Kasaganaan D. Kasalatan
Para sa bilang 38-40. Tukuyin ang tamang panghalip na dapat ipuno sa patlang.
Mukhang matanda na ngayon si Madam Loisel. Isa na (38) siyang tunay na babae ng mga maralitang tahanan-matipuno
ang katawan, matigas ang mga laman at magaspang ang mga kamay na namumula-mula. Nakasabog ang (39) buhok at
patabingi ang kanyang saya. Matinis ang kanyang tinig. Nanlalamira ang sahig kung siya’y mag-isis. Paminsan-minsan, kung
nakaalis na ang asawa patungong opisina, si Madam Loisel ay nakatayo sa tabi ng bintana. Pinagbabalikan (40)
Sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon ng nakalipas. Ang kanyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging
dahilan upang siya’y maging tampulan ng paghanga.
A. Namin B. siyang C. niya D. kaniyang
Para sa bilang 41-42

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang Pilipino. Isang di-makatao at di-
makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamamayan. Laganap sa bansa ang iba’t ibang klaseng krimen gaya
ng salvaging. Magkabila ang rallies at iba pang demontrasyon na kinabibilangan ng mga estudyanteng imbis na nag-aaral ay
nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang bumabagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay
at ina ng limang anak na puros lalaki. Ang kanyang buhay ay umiikot na lang sa pagiging ina at asawa at nakuntento na siya sa
pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais ding matupad, itinuring
niya na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparan na rin niya.
41. Batay sa binasang teksto, sa anong uri ng pananaw napapabilang ang pangyayaring naganap dito?
A. Romantisismo B. Humanismo C. Feminismo D. Naturalismo
42. Inilalarawan sa binasang teksto na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t binibigyang-halaga ang kanyang saloobin at
damdamin. Sa ganitong paglalarawan, nasa anong uri ng pananaw napabilang ang bahagi ng binasang teksto?
A. Humanismo B. Realismo C. Romantisismo D. Feminismo
Para sa bilang 43-44. Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga salita ayon sa pagkakasunud-sunod nito ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinapahayag.
43. A.Hapis, lungkot, pighati, lumbay C. lumbay,pighati, lungkot, hapis
B. Lungkot, lumbay, pighati, hapis D. lungkot, lumbay, hapis, pighati
44. A. Galit, muhi, poot, ngitngit C. galit, ngitngit,poot,muhi
B.Poot, galit, muhi, ngitngit D. ngitngit, galit, muhi, poot
45. Paano makikita kay Amanda Bartolome ang mga katangiang pagkakakilanlan ng isang bansa? Ang mga ina…
A. Na katulad ni Amanda Bartolome ay tipikal na maybahay lamang
B. Sa panahon ng Dekada ‘70 ay walang pakialam sa mga anak
C. Sa panahon ng Dekada’70 ay masyadong agresibo sa mga gawain
D. Katulad ni Amanda Bartolome ay maraming pinagkakaabalahan sa buhay
46. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng suring-basa?
A. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan. C. Sumulat ng sariling haka-haka tungkol sa akdang sinusuri.
B. Gumamit ng mga pananalitang tapat. D. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri
47. Tukuyin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga bahagi ng suring-basa.
A. Panimula, Pagsusuring-Pangnilalaman, Pagsusuring Pangkaisipan, Buod
B. Panimula, Buod, Pagsusuring Pangkaisipan, Pagsusuring Pangnilalaman
C. Buod, Panimula, Pagsusuring Pangkaisipan, Pagsusuring Pangnilalaman
D. Panimula, Pagsusuring Pangkaisipan, Pagsusuring Pangnilalaman, Buod
48. Sa bahaging panimula, ano ang mga dapat mababasa o masusuri rito?\
A. Tema o Paksa ng Akda, Tagpuan at Panahon
B. Uri ng Panitikan, Bansang Pinagmulan, Layunin ng Akda
C. Ideyang Taglay ng Akda, Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
D. Balangkas ng Pangyayari, Kulturang Masasalamin sa Akda
49. Paano isinasagawa ang simposyum?
A. Nagkakaroon ng pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan.
B. Nagsasama-sama ang mga pangkat ng tao para pag-usapan ang isang paksa.
C. Nagkakaroon ng maraming tao upang talakayin ang mga isyu tungkol sa lipunan.
D. Nagkikita-kita ang mga tao sa isang lugar para pag-usapan ang mga bagay-bagay.
50. Paano maging matagumpay ang pagdaraos ng simposyum?
A. Nakabatay ito sa lakas ng boses ng tagapagsalita at kalinawan ng pagsasalita.
B. Nakasalalay ito sa dami ng nakalap na impormasyn tungkol sa paksang tatalakayin.
C. Nakabatay ito sa kalinawan ng paksang tatalakayin kahit walang interesadong makinig.
D. Nakasalalay ito sa kahandaan ng tagapagsalita at may aktibong tagapakinig.

You might also like