Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sosyolinggwistika

Ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at


ang pag-aaral ng buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at
Kaworkski, 1997).

Ayon kay Paz, ang linggwistika ay ang siyentipik na pag-aaral ng mga wika ng tao.
Sa aklat na “ANG WIKA , LINGGWISTIKA AT KOMUNI-KASYON SA ASPEKTO
NG PAKIKINIG AT PAGSASALITA,” sinusuri sa linggwistika ang istraktura, katangian
at iba pang bagay na may kauganay sa isang wika at sa iba pang wika. Sa madaling salita,
ang sosyolinggwistika ang ang pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan at
kung paano ito ginagamit sa iba’t-ibang sitwasyon. Pagtatagpo ito ng wika at
impluwensya ng lipunan sa isang tao.

Halimbawa ng isang panlipunang sitwasyon:


1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Propesyon
5. Kontekstong Kultural

Mikro-sosyolinggwistika
Sa talakay ni Wardhaugh (2006), ang mikro-sosyolinggwistika ay ang direktang
relasyon ng wika sa lipunan na may higit na empasis.

Baryasyon ng Wika
Ito ay ang pagkakaiba iba sa paraan ng paggamit ng wika. Ang mga baryasyong ito
ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istraktura
(gramar).

Pagkakaiba ng mga Anyo ng IsangWika


 Paraan ng Pagbigkas
 Pagsasalita ng mga kalalakihan at kababaihan
 Pangkat sa edad

Modelo ng Wika ni Hymes (1974)


Setting and Scene (Saan nag-usap?) - tumutukoy ito sa panahon o lugar na kaganapan at
katangian gaya ng lawak ng pormalidad. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa
komunikasyon kaya kailangan itong isaalang-alang.
Participants (Sino ang kausap?) - nararapat din na isaalang-alang kung sino ang kausap o
kinakausap. Dito binabatay ang tono ng pananalita.
Ends ( Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?) - binabatay dito ang
patutungohan ng pag-uusap.
Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?) - ito ay ang anyo at istraktura ng mga
pangyayari.
Key (Pormal o Di-pormal na usapan) - palatandaanng lumilinang sa tono o gawi ng
nagsasalita.
Instrumentalities (Midyum ng usapan) - anyo at estilo ng pagsasalita
Norms - tuntuning panlipunan na namamahala sa mga kaganapan, kilos at reaksyon ng
participants.
Genre - isinaalang-alang dito ang uri ng akto ng pagsasalita o kaganapan.

Santos, et al. (2012) Pangunahing ugat sa Pagkakaiba ng Wika:


 Heyograpikal
Heyograpikal na pagkakaiba ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng taga
gamit nito at dahil dito magkakaroon ng Diyalekto o wikang subordineyt.
 Sosyal
Sosyal na baryasyon naman ang tawag dahil sa posisyonng sosyal o panlipunan
ng bawat grupo at mayroong sosyolek sapagkat ito ang ang konteksto ng pagkakaiba
sa gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor.

https://prezi.com/vr7mjitklrds/linggwistika/ᄃ
https://prezi.com/lcyu5n0vf5nl/speaking-by-dell-hymes-tagalog/ᄃ
https://prezi.com/mn4a8k6i6zmf/modelo-ng-wika-ayon-kay-dell-hymes-at-marquardt-
swanson/ᄃ

You might also like