Banghay Aralin Pagsasalita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Antipolo Campus
Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
A. Natutukoy ang depinisyon ng pagsasalita sa loob ng klasrum at ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsasalita.
B. Napahahalagahan ang kasanayang pampagsasalitaan at mga Tungkulin ng
wika at Tungkulin ng komunikasyon.
C. Nakagagawa ng maikling dula-dulaan batay sa tungkulin ng wika at tungkuling
komunikasyon.

II. Paksang Aaralin

Paksa: Pagsasalita: Ang klasrum Bilang Seting para sa Ekspresyong Pasalita

Sanggunian:

Kagamitan: Visual aids, cartolina, pentel pen, libro

A. Yugto ng pagkatuto
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Kalinisan at kaayusan
4. Pagtala ng mga liban

B. Balik Aral

Magdidikit ang guro ng kalahating hugis pusong papel sa ilalim ng upuan ng


piling mag-aaral, kailangang hanapin ng mag-aaral ang kabiyak ng hugis puso
upang mabuo ang tanong na nakasulat dito tungkol sa nakaraang talakayin.

1. Ano ang nakaraang talakayin?


2. Magbigay ng isang bahagi ng Modyul sa katauhan ni kuya kim
C. Pangganyak

Magpapaskil ang guro ng mga litrato na magpapakita ng susunod na tatalakayin,


tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magsabi ng kanilang naobserbahan sa
mga litrato.

III. Pagtalakay o paglalahad ng aralin

Ilalahad ng guro ang depinisyon o kahulugan ng Pagsasalita at ang mga dapat


isaalang-alang sa pagsasalita sa klase.

A. Aktibiti

Hahatiin ng guro ang klase sa apat na may nakaatang na iba’t ibang Gawain, at
ipaliliwanag ng guro na ang bawat grupo ay mayroon lamang limang minuto para sa
preparasyon at limang minuto para sa presentasyon.

Pangkat 1: Kasanayang pampagsasalitaan sa pamamagitan ng talk show

Pangkat 2: Mga tungkulin ng wika sa pamamagitan ng pag-uulat

Pangkat 3: Pamaraan ng pagpapanatili ng usapang interaksyunal sa pamamagitan


ng Role play

Pangkat 4: Tungkuling Pangkomunikasyon sa pamamagitan ng Pagbabalita


PAMANTAYAN

Pinakamahusay Mahusay na Mahusay


( 5 PUNTOS) mahusay (1 PUNTOS)
( 3 PUNTOS)
NILALAMAN - Malinaw na - hindi gaanong - Hindi naging
nailahad ang lahat nailahad ang lahat malinaw ang
ng impormasyon. ng impormasyon paglalahad ng
impormasyon

KOOPERASYON - Ang lahat ng - May pailan ilang - Ang lahat ng


myembro ng myembrong hindi myembro ng
pangkat ay nakilahok batay sa pangkat ay hindi
nakilahok batay sa naiatang na gawain nakilahok batay sa
naiatang na naiatang na
gawain gawain

ORAS - mabilis na - Mabagal na - hindi naisagawa


naisagawa ang naisagawa ang at lumagpas ang
kanilang kanilang kanilang
presentasyon presentasyon at presentasyon batay
batay sa ibinigay lumagpas sa oras sa ibinigay na oras
na oras ng batay sa ibinigay na ng kanilang guro.
kanilang guro. panahon ng
kanilang guro.

B. Analisis

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ukol sa paksa, pipili ang guro ng ilang
mag-aaral upang sumagot.

1.Bakit mahalaga ang kasanayang pampagsasalitaan?

2. Bilang isang guro sa hinaharap, paano makatutulong sayo ang pagsasalita?

3. Ano sa dalawang tungkulin ng wika ang madalas mong nagagamit?


C. Abstraksyon

Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Tungkulin ng Wika at Tungkuling


Pangkomunikasyon gamit ang venn diagram sa ibaba:

Tungkulin Tungkuling
ng Wika Pangkomunikasyon

D. Aplikasyon

Hahatiin ng guro ang klase sa dalawa at magpapagawa ng maikling dula-dulaan


batay sa tungkulin ng Wika at tungkuling Pangkomunikasyon

Pangkat 1: Tungkulin ng Wika (Interaksyunal o Transaksyunal)

Pangkat 2: Tungkuling Pangkomunikasyon (Personal, Interpersonal, Direktiba,


Represensyal, o Imahinatibo)

PAMANTAYAN

Nilalaman: 50%

Presentasyon: 30%

Oras: 20 %

Kabuuan: 100%
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang numero, piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Tungkuling Tungkuling
Transaksyunal Interpersonal

Tungkuling Tungkuling Tungkuling


Direktiba Interaksyunal Personal

____________1. Ang tungkuling ito ng wika ay nakapokus sa paghahatid ng


impormasyon, ito rin ay tinatawag na “Pokus mensahe”.

____________2. Ito ay tungkuling pangkomunikasyon, kung saan ginagamit ng tao ang


wika upang maisagawa ang nais niyang mangyari.

____________3. Layunin ng tungkuling ito ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-


ugnayang sosyal.

____________4. Ginagamit ang wika upang ipahayag ang kaisipan at damdamin.

____________5. Ito ang tungkuling malimit gamitin. Karaniwan dito ay nagtatalakay,


nagtatanong, nag-uulat at nagpapaliwanag ng paksang pinag-aaralan.

Susi ng kasagutan:

1. Tungkuling Transaksyunal
2. Tungkuling Direktiba
3. Tungkuling Interaksyunal
4. Tungkuling Personal
5. Tungkuling Interpersonal
Index of Mastery

5-

4-

3-

2-

1-

__________________

V. Takdang aralin o Kasunduan

Takdang aralin

Magsaliksik ng mga salik sa pagsasalita, ilagay ito sa short bond paper.

___________________________

Inihanda ni: Hannah Joy D. Jocson

__________________________________

Binigyang pansin ni: Gng. Lourdes T. Tejada

You might also like