Ang Alamat Ni Maria Makiling

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG ALAMAT NI MARIA MAKILING

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan,


ang mga diwata o Diyos ay namuhay tulad at kasa-
kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may
hiwaga,nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa
at iba pang karaniwang Gawain ng mag tao hanggang
ngayon. Ang alamat ni mariang makiling ay tunkol sa
dalawang ganitong diwata nuong unang panahon, sina
Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang
anak,si Maria.
Maganda at magiliw si maria,at wiling-wili ang mag-
asawang diwata sa anak na itinuturing nilang kanilang
kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga
magulang, hindi karaniwan si maria subalit naki-
halubilo siya at nakipag- usap sa mga tao.
Nagging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag
araw, naka-damit ng sutla na may borda ng mga
bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok,
abot hanggang sakong ang haba, ay may sabit na mga
bulaklak ng suha. Marikit ang kanyang mga mata kaya
pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya.
Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na
pagbati.
Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama
pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga aeta,
bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpapalit
ni Mariang Makiling – wala pang salapi nuon, at ang
bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-
dalang bagay – sa mga salakot,banig, at sutla.
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng makiling si Gat
Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at
mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng
pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati
ang mga taga-kalapit barangay at nayon ay dumayo
upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda.
Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon,
nakasabay niya si Gat dula sa pagtawad sa isang piraso
ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda,
nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan
silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula
ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang
magkasabay ang balat ng hayop.
Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa
hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo.
Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap,
nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila.
Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina
Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kalian
man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi
siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon
kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit, ay lumalapit sa
mga diwata at humihingi ng tulong, at pakay naman ng
mga diwata ang tumulong sa mga tao.
Isa pang dahilan na hindi nakita uli ni Gat dula si
Mariang Makiling: siya ay isang nilalang na tao
samantalang si Maria ay Isang diwata. Gaano man
katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang
magka-ibang nilalang.

You might also like