Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SA MAKATI at DIVISORYA, DENIMS ANG HANA NILA

Valerio L. Nofuente
Hindi mapasubaliang ang may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay maong o denims.
Tila uniporme ng pinoy ang pantalong maong na sa mga siyudad at matatagpuang namamayani sa
mga kampus, pabrika, subdibisyon , at pook iskwater .Itoy isinusuot ng traysike boy at executive, disc
jockey at kanto boy, maka-mercedes at naka-dyip, babae, bakla, matron, at mukhang tatay, estudyante,
at drop out.
Tila lagareng Hapong kumakagat pasulong man o paurong , ang makapal na telang ito’y pweding
pambahay, pang- ekskursiyon , pantrabaho, pamparty , at pamporma . walang pinipiling edad o uri ng
tao . ito ay unisex , pangmahirap o pangmayaman ,pangtinedyer at pangmatanda babagay kina Jean at
johnny, juan, juana, juanito at juanito.
Sa malilikot na gunuguni at malikhaing kamay ng pinoy, iba-iba ang anyo ng nagagawang
palitawin sa kapirasong tela o bawat putolo na papantalunin maaaring makakita ng straight cut, de-
baston, de rimats at burdado . isang tinedyer na taga-san mateo ang may pantalong kung taguri’y pang
ermita dahil parang album ng patches buhat sa insignia ng ROTC, Marist kindergarten, college of law
,lions club , RCPI,Village homeowner’s Association U.S Navy ,PLDT, Philippine Army, Green
Revolution , CIA Palistenian Liberation Organization, Prisoner of war, at boy scout. Sa huling araw
ng klase noong nakaraang summer, isang estudyante ang may dala ng pentel pen at lahat ng kaklase ay
pinapirma sa pantalong maong para may maiwang souvenir sa kanya.
Isang sastre ang narining na napapalatak, puro maong daw ang dinaanan ng kanyang gunting
sa buwan ng pasukan ngayong Hunyo . Sa mga department store, tila pila ng libreng bigas na lagging
puno ng tao ang mod shoppe o mga seksiyong may nakadispley na Levi’s, Amco, Hustler, Wrangler,
Jag, at iba pa.
Ayon sa isang estudyante, madali raw mahalata ang galing sa probinsyang freshman.
Kalimita’y naka-double knit. Ngunit sa susunod na semester, na rin sila ng lehiyon ng kabataang
nakasuot ng tila unipormeng denims katunayan, may tatak ng etsa-puwera ang hindi nakamaong sa
paaralan.

You might also like