Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Alliah Nikka L.

Monta January 30, 2020


Grade & Section: 11 TVL – St. Isidore

Reaksyong Papel tungkol sa kwentong “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

SARILI

Sa kwentong “Ang Kalupi”, ang masasabi ko ay maganda ang kwento na ito dahil may
makukuha tayong aral. Maihahalintulad ito sa ating sarili dahil hindi natin maiwasang
mambintang ng mga tao na wala namang sapat na ebedinsya. Ang naging reaksyon ko dito ay
syempre naaawa ako sa bata dahil binintangan siyang kumuha ng pera na hindi naman niya
ginawa at binintangan siya dahil siya ay isang gusgusing bata. At nakakasakit din ito ng
damdamin sa iba kung ikaw ay nambintang na hindi naman nila ginawa. Kaya wag nating
husgahan o bintangan ang isang tao na wala tayong sapat na ebedensiya. At hindi din tayo basta
bastang mambibintang at manghusga base lamang sa pisikal ng kaanyoan kung ito ba ay mahirap
lamang.

Itong storyang ito ay nakakapukaw din ng damdamin dahil syempre bilang isang magbabasa
ikaw din ay nakakarandam ng emosyon. Lalo na’t sa storyang ito na pinaratangan ang bata ng
kasalanan na hindi niya ginawa. At hinusgahan pa dahil lang sa pisikal na anyo nito.

PAMILYA

Kung sa pamilya naman ay dapat hindi agad mambintang ng mga bagay bagay na hindi naman
ginawa dahil pangalan ng pamilya niyo ang masisira o madadamay ang pamilya sa mga ginawa
niyo. Halimbawa nito ay kung may nawawalang pera sa bahay at nambibintang ka sa mga
kapatid mo na sila ang nagnakaw na hindi mo naman nakita. Ito ay bawal dahil wala ka naming
ebedensiya kung siya talaga ang kumuha. At kung sa kwento naman ay dapat hinatid ng isa sa
miyembro sa pamilya ang pitakang naiwan sa bahay para hindi na napagsalitaan ng nakakasakit a
salita ang inosenteng bata.

Ang reaksyon ko sa pamilya ng bata ay syempre naawa dahil si Andres na nga ang naghahanap
buhay upang may makain ang pamilya. At walang magagawa ang pamilya ng bata ay mahirap
din sila. Sa pamilya naman ni Aling Marta ay walang kasalan dahil hindi nila alam kung anong
nangyayari kaya naaawa din ako.

KOMUNIDAD

Kung sa komunidad naman, sa henerasyong ito ay madali tayong humusga sa tao o madali
tayong mahusgaan ng mga tao. At mapapansin lang nito ang ating mga kamalian ngunit hindi
nila alam kung ano ang tunay na nangyayari o tunay na kwento. Hindi nila muna
pinagtutuonang pansin ang kanilang mga sarilili kaya’t nanghuhusga sila. At ang mga tao ngayon
ay mangangalap ng impormasyon at iyon ang ibabato saiyo upang masiraan ka at ito ay hindi
tama.
Madali din para sa may kaya sa buhay ang paratangan bilang magnanakaw ang mga walang kaya
sapagkat sila ay mahirap lang . Kaya hindi patas para sa mga walang kaya na ganituhin sila. Lalo
na’t ang paguusapan ay kung may pera ka ay madali lang magkaso ng walang kahirap hirap.
Kaya nakakaawa si Andres dahil siya ay walang sala pero pinaratangan siya ng walang kalaban
laban dahil bata lang siya.

BANSA

Sa bansa naman, may kasalanan din ang gobyerno kung bakit ganito ang ating bansa. Ito ay dahil
sa mga “corrupt” na opisyal sa gobyerno na mas inuuna ang pagpapayaman at hindi mun inuuna
ang tumulong sa kung anong mga nangyayari sa ating bansa. At lalo na sa kalagayan ni Andres
na mahirap lang at walang sapat na tirahan at paligoy ligoy sa kalsada. Sobrang hirap para
sakaniya dahil mahirap lang ang bata at walang magawa dahil wala siyang pera. Hindi din
makahanap ng tulong ang bata dahil hinusgahan na siya ng mga tao na siya talaga ang kumuha
ng pera. At hindi din siya maka kuha ng tulong sa pulis dahil mismo ang pulis ay mas pumanig
sa kay Aling Marta.

Sa bansa din natin ay medyo mahina ang aksyon sa mga mahihirap dahil sila ay mahihirap
lamang. Kung nangangailangan ng tulong ang mga mahihirap, hindi agad nabibigyan. Kaya’t
kung paratangan sila ay wala silang magawa.

DAIGDIG

Kung sa daigdig naman, marami din ang mga panghuhusga na umiikot sa buong daigdig tungkol
sa pisikal na anyo, kung anong relihiyon, kung anong kasarian at iba pa. Hinuhusgahan agad nila
na hindi alam ang pinagdadaanan ng isang tao. Pero wala naman tayong magagawa sa
mapanghusgang mata basta nagpapakita ka ng totoo mong anyo. At nasa kanila na iyon kung
husgahan ka nila sa pagpapakatotoo mo

Ang dapat sakanila ay nirerespeto at hayaan sila na gumawa kung anong nagpapasaya sila.
Hayaan silang gumawa kung anong gusto nila. Kaya wag magparatang na walang sapat na
ebedinsya o walang katotohanan dahil nakasisira ito ng buhay lalo na’t di ito totoo.

You might also like