Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Filipino - Mga Elemento NG Maikling Kuwento
Banghay Aralin Sa Filipino - Mga Elemento NG Maikling Kuwento
I.LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kuwento
2. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kuwento sa tunay na buhay
3. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
Sanggunian: Filipino 7 Supplemental Lesson Plan pp.24-30
Kagamitan: Yeso, scotch tape, pentel
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban
d. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
-Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng
salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho
ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang
“mabuti.”
b. Pag-alis ng Sagabal
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng letra at kanila itong aayusin upang mabuo
Ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. Karakter-hautan
2. Paksa-amte
3. Labanan-tngglnuia
4. Burador-aabnghy
5. Tipanan-tgaupan
c. Pagbasa sa Kuwento
-Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kuwento sa harapan
-Audiobook
Unang Pangkat- Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralan na malayo sa kabihasnan.
Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran
at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay kana sa mga marurusing at
maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala
at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad
o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang
ina?
Pangalawang Pangkat- Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa iyong
guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal sa nobyo niyang
German. Balak daw nilang manirahan sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang
siyang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at
natutunan sa isa’t-isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang narinig mo?
IV. PAGTATAYA:
-Kumuha ng isa’t-kalahating papel.
V. TAKDANG ARALIN:
Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gustong-
gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper).
Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang
guro.