Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas


SANGAY NG AKLAN
Kalibo, Aklan

PAGTATASA SA FILIPINO GAMIT ANG BATAYANG


TALASALITAAN

PAUNANG SALITA

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa Sangay ng Aklan ay may


adhikaing mapataas at mapaunlad ang kakayahan ng mag-
aaral sa pagbasa. Dahil dito ay nagkaroon ng kolaboratibong
pagsusulat ng mga kasanayan para sa Pagtatasa gamit ang
Batayang Talasalitaan na binubuo ng 60 salita sa Unang
Baitang at 108 salita sa Ikalawang Baitang na
kumakatawan sa 80 bahagdan ng lahat ng mga babasahing
pampaaralan. Ang mga ito ay magsisilbing panukat sa pagbasa.

HANGARIN

1. Matukoy ang bilang ng mga salita na di-mabasa sa unang


tingin pa lamang gamit ang Batayang Talasalitaan sa
Panlunas na Pagbasa (Remedial Reading).
2. Malaman ang kakulangan at kahinaan sa pagkilala ng mga
salita.
3. Makilala ang Antas ng Pagbasa sa kakayahang kumilala
ng mga salitang angkop sa baitang na kinabibilangan.
4. Mapag-aralan, makapagplano, at makapagbigay ng
nararapat na panlunas sa pangangailangan at kakayahan
ng mag-aaral.
5. Magsisilbing Kagamitang Panukat sa kaalaman at
kakayahang mabasa ang mga salita sa Panlunas na
Pagbasa.
INTERPRETASYON AT EBALWASYON

Para sa Unang Baitang

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 31 pataas ay


napabilang sa Unang Baitang na kakayahan sa pagbasa.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 11-30 ay


napabilang sa Preschool na kakayahan sa pagbasa or
Primer.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 1-10 ay


napabilang sa Pre-primer na kakayahan sa pagbasa.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng 0 ay batang hindi-


makabasa

Para sa Ikalawang Baitang

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 61 pataas ay


napabilang sa Ikalawang Baitang na kakayahan sa
Pagbasa.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 31-60 ay


napabilang sa Unang Baitang na kakayahan sa pagbasa.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 11-30 ay


napabilang sa Preschool na kakayahan sa pagbasa or
Primer.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng iskor na 1-10 ay


napabilang sa Pre-primer na kakayahan sa pagbasa.

 Ang mag-aaral na nakakuha ng 0 ay batang hindi-


makabasa.

Pagsasagawa ng Pagsusulit sa Pagbasa

A. Pangkatang Pakikinig-Paninging Pagsusulit


Ito ang unang pagtataya na ibibigay sa mga mag-aaral.

Para sa Unang Baitang

1. Ang gabay na gagamitin ng guro para rito ay ang Susi


sa Pagwawasto samantalang sa mga mag-aaral naman
ay ang Batayang Talasalitaan sa Unang Baitang ang
siyang magsisilbing sagutan papel nila.

2. Gamit ang Susi ng Pagwawasto, ididikta ng guro ang


mga salita na makikita sa Unang Pagsusulit mula bilang
1-20, bibilugan ng mag-aaral ang kanilang kasagutan
pagkatapos naman nito ay ipapasagawa rin sa mga
mag-aaral ang Ikalawa at Ikatlong Pagsusulit.

3. Kokolektahin ng guro ang mga sagutang papel. Siya rin


ang magwawasto para rito para makuha ang kabuuang
tamang sagot ng mga mag-aaral.

4. Ang mag-aaral na makakakuha ng iskor na mababa sa


80 na bahagdan ang siyang bibigyan ng Isahang
Pasalitang Pagbasa.

Para sa Ikalawang Baitang

1. Ang gabay na gagamitin ng guro para rito ay ang Susi


sa Pagwawasto samantalang sa mga mag-aaral naman
ay ang Batayang Talasalitaan sa Ikalawang Baitang Set
A na magsisilbing sagutan papel nila.

2. Gamit ang Susi ng Pagwawasto, ididikta ng guro ang


mga salita na makikita sa Unang Pagsusulit mula bilang
1-27, bibilugan ng mag-aaral ang kanilang kasagutan
pagkatapos naman nito ay ipapasagawa rin sa mga
mag-aaral ang Ikalawa, Ikatlo at Ikaapat na Pagsusulit.

3. Kokolektahin ng guro ang mga sagutang papel. Siya rin


ang magwawasto para rito para makuha ang kabuuang
tamang sagot ng mga mag-aaral.
4. Ang mag-aaral na makakakuha ng iskor na mababa sa
80 na bahagdan ang siyang bibigyan ng Isahang
Pasalitang Pagbasa.

B. Isahang Pasalitang Pagbasa

Para sa Unang Baitang

1. Ibibigay ito sa mga mag-aaral na nakakuha ng


kabuuang
iskor na mababa sa 80 na bahagdan.

2. Isahang pagbasa ang pagsasagawa nito.

3. Gagamitin ng guro ang Batayang Talasalitaan para sa


Unang Baitang.

4. Para sa pagkuha ng lebel ng pagbasa ng mga mag-aaral


ay gamiting gabay ang alituntunin na mababasa sa
interpretasyon at ebalwasyon.

Para sa Ikalawang Baitang

1. Ibibigay ito sa mga mag-aaral na nakakuha ng


kabuuang
iskor na mababa sa 80 na bahagdan.

2. Isahang pagbasa ang pagsasagawa nito.

3. Gagamitin ng guro ang Batayang Talasalitaan para sa


Ikalawang Baitang na Set B.

4. Para sa pagkuha ng lebel ng pagbasa ng mga mag-aaral


ay gamiting gabay ang alituntunin na mababasa sa
interpretasyon at ebalwasyon.

You might also like