Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Mataas na Paaralang Junior


Accredited Member: PAASCU

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8 (Panitikang Pambansa)

Pangalan: ___________________________________________________
Baitang at Seksyon:___________________

PANGKALAHATANG PANUTO:

 Basahin ang lahat ng panuto ng pagsusulit.


 Isulat ang lahat ng sagot sa sagutang papel.
 Gumamit ng tintang panulat (ballpen) sa pagsagot.
 Iwasan ang pagbubura.Gumamit ng correction tape/fluid sa pagwawasto.
 Sakaling nakaligtaang sumunod sa mga panuto, makakaltasan ng sampung
bahagdan (10%) ang inyong kabuuang iskor sa bawat pagsusulit.

PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL.


Basahin at unawain nang mabuti ang tula.Pagkatapos, ihanda ang sarili sa mga pagsubok.

LUHA
RUFINO ALEJANDRO
I
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalo’y aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad sa landas ng buhay,
ang ikaw’y mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan."
III
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 1
IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!

TEST I- PAGPIPILIAN: MATATALINGHAGANG SALITA


Panuto:Tukuyin ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na nakasulat nang pahilis.
Sa tula. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (5 puntos)

1. “Hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil”.

a. kaligayahan c. nasaktan
b. kalungkutan d. pighati

2. Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan.


a. maliit c. bata
b. makulit d. binata
3. May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay.
a. nagpaalam c. namatay
b. lumisan d. lumayas

4. tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit.


a. may ngiti sa mga labi c. sumaya
b. may bakas ng kalungkutan d. naiyak

Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 2


5. Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay.
a. nawasak c. natunaw
b. nalanta d. nawala

TEST II. PAG-UNAWA SA BINASANG TULA (10 puntos)


Panuto:Basahin ang sumusunod na mga pahayag na hango sa tulang “luha”. Tukuyin ang
mga simbolo at pahiwatig na ginamit ng may-akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin.
a. sumasabay siya sa agos ng tubig upang masiyahan.
b. ang pighating nararamdaman ay isama sa patak ng mga luha.
c. ianod na lamang ang damdaming puno nang kalungkutan.
d. hayaang dalhin saan man ang kanyang damdaming walang pakiramdam.
2. Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad sa landas ng buhay.
a. mag-iingat sa paglakad baka ikaw ay matapilok.
b. maging mahinahon sa buhay upang ikaw ay magtagumpay.
c. huwag kalilimutan ang bilin ng iyong mga magulang.
d. mag-ingat sa daang tatahakin sapagkat maraming madadaanang pagsubok.
3. Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak.
a. kasabay ng kanyang paglaki ay marami naring nagbago.
b. nagkaroon ng matinding pagsubok sa kanyang paglaki.
c. nakakapunta siya kahit saan man dahil malaki na siya.
d. nakalimutan ang mga paalala ng mga magulang.
4. Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
a. Mag-isang namuhay sa buhay na puno ng problema at pasakit.
b. Nagkaroon ng matinding pagsubok na di niya matanggap.
c. Nagsikap na matupad ang lahat ng mga pangarap kahit nag-iisa lamang siya.
d. Wala nang pag-asang mabuhay sa mundong ibabaw.
5. Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan.
a. Nagpakasaya at namuhay nang walang humpay na kaligayahan sa kasalukuyan.
b. Nabighani sa mga materyal na bagay sa mundong ginagalawan.
c. Nawalan nang pag-asa na maging matagumapay sa kinbukasan.
d. Hindi inisip ang magiging kinabukasan at nagpakasasa sa kasalukuyan.

Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 3


6. Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
a. Balikan ang nakaraan na puno ng kalungkutan.
b. Maranasan ang buhay na may malaking paghihinayang at pagsisisi.
c. Harapin ang kasalukuyang hinayaang mawasak at masaktan.
d. Tanggapin ang katotohanang puno nang sakit at pighati.
7. “Dalo’y aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim”. Ano ang sukat ng
taludtod?
a. 15 c. 17
b. 16 d. 18
8. “Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan”. Ano ang sukat ng
taludtod?
a. 15 c. 17
b. 16 d. 18
9. “Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi”. Ano ang sukat ng taludtod?
a. 16 c. 18
b. 17 d. 19
10. “Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan”. Ano ang sukat ng
taludtod?
a. 17 c. 19
b. 18 d. 20

TEST III. PAGBUO: Wastong gamit ng Panlapi


Panuto:Ang sumusunod na salita ay hango sa tulang “ Ang Pamana ni” ni Jose Corazon de
Hesus.Bumuo ng salitang maylapi mula sa salitang-ugat.Pagkatapos,tukuyin ang uri ng
panlapi.Isulat sa kahon ang tamang sagot. (10 puntos)

SALITANG-UGAT SALITANG MAYLAPI URI NG PAGLALAPI

luha naluha unlapi

isip Naisipan kabilaan

hamak pinahamak gitlapi

tanggap tanggapin hulapi

bigo binigo gitlapi

Paalala: Isang salitang maylapi lamang sa bawat salitang-ugat ang isulat sa kahon at
isang uri ng panlapi.

Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 4


TEST IV. PAGBUBUO: ELEMENTO NG BALAGTASAN
Panuto: Sa ibaba ay mga temang Pambalagtasan.Pumili ng isa at bumuo ng tatlong (3)
saknong ng balagtsan.Tatasahin kayo ayon sa pamantayan: Nilalaman,Kahusayang
Teknikal,Organisasyon at Dating sa Mambabasa. (16 puntos)

Mga Tema:
1. Sa larangan ng tagumapay,alin ang mas lamang Diskarte o Sakripisyo?
2. Sa larangan ng edukasyon, alin ang dapat taglayin Sipag o Talino?
3. Sa larangan ng pag-ibig, alin ang dapat gawin, Ipaglalaban o Palalayain?

Isulat dito ang napiling tema


Tema
Saknong 1: Bumuo ng 3 saknong ng tula batay sa temang iyong napili at
ipaglaban ang panig na iyong napili.

Saknong 2:

Saknong 3:

Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 5


TEST V. PAGSUSURI: HUDYAT NG PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT
Panuto:Suriin ang pahayag at ilahad ang sariling pag-unawa, opinyon at saloobin gamit ang
hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.Isulat ang paliwanag sa iyong saguting papel. (32
puntos)
1. “ Social media ang sanhi sa kapahamakan ng lahat”
Pagsang-ayon: Ipaliwanag mo kung bakit ka sang-ayon sa pahayag

Pagsalungat: Ipaliwanag mo kung bakit ka di sang-ayon sa pahayag

2. “Ang pakikipagkapwa ay sanhi ng kapayapaan”


Pagsang-ayon: Ipaliwanag mo kung bakit ka sang-ayon sa pahayag.

Pagsalungat: Ipaliwanag mo kung bakit ka di sang-ayon sa pahayag.

Paalala: Dapat na maipaliwanag mo kung bakit ka SANG-AYON at DI SANG-AYON

WAKAS

Kagawaran ng Filipino TP 2017-2018 | Ikalawang Lagumang Pagsusulit 08 6

You might also like