Talumpati Ni Raul

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang umaga Ginoong Ben at aking mga minamahal na kamag-aral.

Nais kong talakayin at bigyan


diin kung paano pahalagahan ang ating eksistensyal at malaman ang ating sariling halaga biglang taong
naglalakbay sa malikot at makulay na mundong ito. Dumating ka na ba sa puntong nagising ka na lang
isang araw di mo na alam gagawin mo? Yung tipong pati pagkain at pagligo ay kinukwestyon mo? Bakit
kailangang kumain? I-tatae mo lang din naman yan? Bakit kailangang maligo? Babaho ka lang din
naman. Tama ? Maaaring nakakatuwa yung ideya pero yan ang katotohanan. Magugulat ka na lang na
tinatanong mo ang sarili mo, anong silbi ko? Bakit ako nabubuhay? What is my worth? Am I worthy? Or
worthless? Dumadating lang naman sa puntong tayo ay nabablanko marahil nakasaktan; di lang
nasaktan kundi nasaktan ng sobra-sobra, ni reject ni Universe, nakaranas ng depression, o di kaya
lumalaki ng di buo ang iyong pagkatao. Maraming dahilan.

Sabihin na nating naranasan ko lahat ng iyan. Nagsimula ang lahat nung tumuntong ako ng college. Sa
mga hindi nakakaalam, I already took Bachelor’s Degree in Mechanical Engineering up to 4th year
college, then I stopped. The minor reason is because of health condition. I was diagnosed with bell’s
palsy. But it was cured. Pero ang pinaka dahilan ay kung paano ako minulat ng realidad na ganun ang
takbo ng mundo. Alam kong talagang ayaw na ng katawan ko dahil nasabi ko na yung mga katagang “
Mii, ayoko na pagd na ako.” Na pagod sa kung paano nakita ang tunay na mundo, mabagsik at walang
awa. Para kasi akong sundalong sumugod sag era na espadang laruan lang ang dala. Hindi handa.

Hindi handa sa kung paano ang kalakaran ng mundo. Dapat matapang ka. Dapat palaban ka. At higit sa
lahat dapat matatag ka. Sa engineering department, matira matibay. Sa engineering department, kapag
di ka makahabol sa lesson iwan ka. Walang tulungan. Ilaban mo ang sarili mong gera. Sa College, andyan
yung mismong kaibigan mo ang hahatak sayo pababa. Mga alimango walang ginawa kundi maghatakan
pababa. Meron kang makikilalang mababait meron ding ubod ng sama. Merong aral na aral pero
mababa ang nakukuha. Meron namang kahit di gaanong mag-aral mataas pa rin ang nakukuhang grado.
Galing no! Ganyan ka kulit ang mundo.

Studies, Family, Faith, Friends, eto yung mga factors na nagiging dahilan para ma pressure ang isang
indibidwal. Yung mga responsibilidad na dapat mong gampanan sa bawat isa na ito. Di ko kinaya kasi
sumuong ako sa laban na hindi handa. Mechanical Engineering is just an experimentation. Kaya sabi ng
mga kaibigan ko, ni laro mo yung course kaya ni laro ka rin. Kinuha ko yung career na yun for the sake of
high salary. Nothing else. Kaya nung sinubok ako ni tadhana ayun wala akong pinagkapitan, Wala akong
pinanghawakan. That’s why I stopped. Sumabog na kasi ako.

I undergo depression. Natatawa ako kapag naaalala ko yung linya na sinabi ko. “Bakit di na lang huminto
lahat ditto yng buhay ko, total kuntento na ako kasi at the age of 19 marami na akong na experience at
na puntahan?” Mga linyahan ng taong depressed. Pinapaganda yung kahulugan ng kamatayan. Pero di
ko man lang na isip na there is more to life. Nilamon na kasi ako ng kalungkutan.Akala ko yun na yung
best option para tapusin ang pahina ng libro ko. But I am just lost somewhere in a foggy place. At hindi
pala iyon talaga yung gusto kong mangyari. I manage to overcome it.

And I continued to walk again. Seeking the right path. That’s the time na pumasok ako sa seminary. Para
hanapin ang naliligaw kong sarili. I found that peaceful silence that clears that foggy part of me. To
make the story short lumabas ako and continued my life outside. So many realizations.

Kapag dumating ka sa point ng na sinubok ka at nadapa ka, i-iyak mol ang ng i-iyak never decide on that
same situation. Pagkatapos mo umiyak, magpahinga ka. Never do decisions kapag emotionall unstable
ka kasi 100% mali ang magiging desisyon mo.

Know the right person na makakasama mo sa paglalakbay mo. Dun ka sa tao na alam ang halaga mo.
Kahit anong kembot at tambling mo sa taong di alam ang halaga mo, never ka nila maaapreciate.

When it comes to decision making . Maging isip ka ng isang daang beses o kahit libo pa pero dapat
pagkatapos ng pagiisip may sigurado kang sagot o desisyon.

Kwneto nga ng isang propesor. Kapag daw nagbibigay siya ng pagsusulit, dapat daw ang sagot ay
nakaballpen pero sabi ng mga studyante nya na dapat pwedeng gumamit ng lapis kasi katulad lang daw
yan sa totoong buhay na kapag nagdedesisyon ka na pwede mo pang burahin o baguhin yung una mong
sagot kung na realize mo na mali iyon. Kasi pagrekta ballpen wala ka na daw chance na mapalitan pa.
Kaya na isip ng propesor na pwede nang gumamit ng lapis para may panahon ka pa na magisip at palitan
ang iyong sagot pero ang huling sagot ay dapat naka sulat sa itim na tinta. Nangangahulugan lang na sa
buhay dapat meron ka laging konkretong desisyon. Hindi ka pwedeng maiwan sa pagitan ng OO at
HINDI. LALABAN o AATRAS? Kasi kahit kalian di ka makakausad. Maraming Salamat Ginoo Sa Magandang
Binahagi mo.

At panghuli laging maghanap ng rason kung bakit ka nabubuhay dahil meron at merong dahilan ang
ating eksistensya sa mundong ito. Nabubuhay para sa pamilya, Nabubuhay para tulungan yung batang
nagugutom sa lansangan, Nabubuhay para sa mga aso at pusang inabanduna sa basurahan. Maraming
rason. Kaya hanapin mo ang iyong rason kasi mahalaga ka.

Lagi kong sinasabi sa mga kakilala ko na nagdiriwang ng kanilang kaarawan n asana magkaroon pa sila ng
meaningful life hindi long life. Dahil walang kwenta ang mahabang buhay kung gumigising ka araw-araw
na di mo alam ang halaga at rason ng pagkabuhay mo.

Muli andito ako sa inyong harapan hindi bilang estudyante kundi isang taong naglalakbay na nahanap
ang sariling halaga at rason sa kasalukuyan at patuloy na hahanapin pa ang rason sa hinaharap. Ikaw
nahanap mo na ba?

You might also like