Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

District of Marilao South

LIAS ELEMENTARY SCHOOL


Lias, Marilao, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN
Nabibigyang-halaga ang mga batayang kalayaan na may kaukulang pananagutan at limitasyon.

II. PAKSANG ARALIN


Kasanayan: Pagtupad sa Programa Para sa Kaligtasan
Sanggunian: Curriculum Guide 6 EsP6PP-IIIf-37
K to 12 Gabay PangCurriculum sa Filipino 6
Mga Kagamitan: Power Point Presentation, puzzle, activity cards, manila paper, pentel pen, larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Magpakita ng mga larawan at ilarawan kung ano ang kanilang ginagawa.

2. Balik - Aral
Batay sa mga larawang ipinakita ano ang ipinapakita ng bawat larawan?
 Naranasan na ba ninyong sumakay sa motorsiklo?jeep?trisikel?
 Narasan niyo na bang sumakay ng ganito karaming pasahero?Ano ang inyong pakiramdam?
 Ano kaya ang dapat gawin kung sasakay ka sa motorsiklo?
 Ano sa iyong palagay ang maaaring mangyari sa unang larawan? Sa ikalawang larawan? Sa ikatlong
larawan?sa ika-apat na larawan?
 Ano ang dapat gawin upang maging ligtas sa daan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magkakaroon ng pabilisan sa pagbuo ng picture puzzle. Ang unang pangkat na makabubuo ang siyang panalo.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
 Saan kayo bumibili ng pagkain tuwing reses?
 Ano- ano ang mga itinitinda sa ating kantina?
 Sa tingin ninyo sumusunod ba sila sa programang pangkalusugan?

2. Paglalahad
Pagpapanuod ng isang video presentation na may kinalaman sa aralin.

3. Pagtalakay
Talakayin ang napanuod na video na my kinalaman sa aralin. Sagutin ang mga sumusunod.
Patungkol saan ang inyong napanood
-Ano ang nais iparating ng inyong napanood?
- Ano –ano ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ninyo? Bakit?

4. Pangkatang Gawain
Pangkatin sa apat na grupo ang klase at isagawa ang mga sumusunod na gawain.

Pangkat 1 – Ikanta Mo!


 Gumawa o umisip ng maikling awitin patungkol sa tamang pamamaraan sa masusustansyang pagkain

Pangkat 2 – Iguhit Mo!


 Iguhit ang tamang kasuotan sa paghahanda ng pagkain.

Pangkat 3 – Ipatrol Mo!


 Magbalita ng mga pangyayaring pwedeng mangyari kung hindi maayos ang paghahanda ng pagkain.

Pangkat 4 – Isadula Mo!


 Isadula mo ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng pagkain

 Humanda sa pagpapakita nito sa klase.


5. Paglalapat
Sagutin:
Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagsunod at pagtupad sa batas para sa kaligtasan at kalusugan?

6. Paglalahat
Ano ang dapat nating tandaan:
“Programa sa tamang paghahanda ng pagkain ay sundin upang kalusagan ay kamtin”

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
____1. Nakasakay sa motor si Leo ng walang suot na helmet ngunit ang kanyang asawa na si Nila ay nakahelmet.
____2. Pumasok si Ineng sa paaralan kasama ang kanyang dalawang nakababatang kapatid ng nakaangkas sa motor.
____3. Si Aling Thelma ay tagaluto sa kantina. Siya ay parating nakasuot ng gloves sa tuwing sumasandok ng pagkain.
____4. Tuwing umaga si Lerna ay laging bumibili ng inuming pampalamig na tinda sa gilid ng paaralan.
____5. Si Larry ay bumili sa paninda sa kantina. Pagkatapos niyang kumain ay inilagay na lamang niya ang pinagbalatan sa
gilid ng kanyang upuan.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang tula ukol sa pagsunod at pagtupad sa batas para sa kaligtasan at kalusugan.

Inihanda ni:

PRECIOUS E. CEBRICOS
Teacher I
Iwinasto ni:

JOSEPHINE E. GENOBIAGON, Ph. D.


Principal III

You might also like