Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pananaliksik ukol sa Epekto ng Pagtuturo ng mga Guro at mga

Aktibong Motibasyon ng mga Mag-aaral

I. Rasyunal

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang antas sa Pagtuturo ng


mga Guro at mga antas ng Aktibong Motibasyon ng mga Mag-aaral. Mahalagang
paglaanan ng panahon na matukoy ang mga Pagtuturo ng Guro na siyang nagsisilbing
puwersa sa Aktibong pag-aaral sapagkat ito ang sukatan sa aktibong motibasyon ng
bawat mag-aaral, dapat akma ang gagamitin sa pagtuturo upang mas lalong
maintindihan ng mga mag-aaral.

Ang mabisang pagtuturo ay nakabatay sa mag-aaral bilang isang tao at sa


kanyang pangkalahatang pag-unlad dapat kilalanin ng guro ang mga indibiduwal na
pagkakaiba nila at ayusin ang mga tagubilin na angkop para sa kanila. Ito ay isang
katotohanan bilang mga tagapagturo, gumaganap ng iba’t-ibang mahahalagang
tungkulin sa silid aralan. Ito ay nangangailangan ng iba’t-ibang estilo ng pagtuturo o
pamamaraan upang makuha ang interest ng mga mag-aaral (Barberos,Gozalo at
Padayogdo, 2018).

Ang Pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na makisangkot sa talakayan


upang umaasang ang kanilang lebel ng katalinuhan sa pamamaraang hikayatin ang
mag-aaral na sumali sa iba’t-ibang gawain sa paksang aralin bagamat dapat din nilang
pag-usapan ang kaniyang natutunan bilang isang bahagi ng mag-aaral (Munir at
Rehma, 2016).

II. Layunin
 Makamit ng mg mag-aarl ang tagumpay sa tinutukoy na motibasyon.
 Mas higit na magkaroon ng paggawa o pagganap na hindi lamang sa sariling
interest.
 Mahasa ang mga mag-aaral.
 Makatulong sa mga mag-aaral kung paano nila haharapin at malagpasan ang
mga epekto ng pagtutur
III. Metodolohiya

Sa bahaging ito ay isinasagawa ang mga pamamaraan at intrumentong


ginamit sa pagpangalap ng mga datos kabilang dito ang pagpapasagot sa mga
tagatugon ng mga mananaliksik. Bilang kalahok ng mananaliksik sa kadahilanang
malaki ang bilang ng populasyon dito sa Tagum National Trade School ang pag-aaral
sa paaralang ito dahil sa kagustuhan naming na mas mabigyan ng pansin ang
dumadami na bilang ng mga mag-aaral na nawawalan sila ng motibasyon sa pag-aaral
sa Assignaturang batay sa na-oobserbahan ng aming grupo.

IV. Inaasahang Bunga

Ang pananaliksk na ito ay tungkol sa Pagtuturo ng mga Guro at mga Aktibong


Motibasyon ng mga Mag-aaral. Sa pananaliksik na aming ginawa tungkol dito ay
binibigyang pansin ang halaga at oras ng mga mag-aaral sa hindi gaanong na
iintindihan ang mga gawain na itinuturo at ipinapakita ng guro. Ang mag-aaral ay dapat
hayaang tumuklas ng halaga sa pag-aaral kung ano ang kahalagahan ng
Assignaturang sa ating bawat sarili at pati narin sa ating bansa.

V. TALASANGUNIAN

Barberos, M. T., Gozalo, A., & Padayogdog, E. (2018). Ang epekto ng istilo ng
pagtuturo ng guro sa pagganyak ng aksyon ng pananaliksik ng aksyon-pananaliksik-nyu
steinhardt. www.academia.edu

Munir, F., & Rehman A. U. (2016). Karamihan sa mga madalas na istilo ng


pagtuturo at mga diskarte sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga pampublikong mataas
na paaralan ng lahore, pakistan. www.academia.edu

You might also like