Konseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Maraming kabataan ang nakakaranas ng pambu-bully o pangungutya.

Maraming

estudyante ang nawawalan ng tiwala sa sarili o lakas ng loob sa pag-aaral,

makakaapekto ito ng malaki sa pag-aaral ng bata, may mga batang nato-troma dahil sa

pambu-bully, may mga bata ring nagpapakamatay dahil sa mga gawaing ito.Sa mabilis

na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay

sa kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang

mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito.

Mga tanong:

*Ano ang maaaring maging epeko ng Pambubully sa pag-aaral at pagkatuto ng mga

Mag-aaral?

*Ano-ano ang mga maaaring solusyon upang maiwasan ang isang karahasan tulad ng

Pambubully?

Kaligiran at Rasyonal na Pag-aaral

Mahalagang malaman ng mananaliksik ang mga masasamang dulot Ng pambubully

upang makapaghanap Ng maagap na rekomendasyon.Ayon sa Stop Bullying

Campaign ng Estados Unidos, ang bullying ay isang akto na hindi ginugusto ng

pinapatunguhan ng kilos na Ito. Ito ay may karakter na agresibo, paulit-ulit, at may hindi

pagkapantay ng lakas sa pagitan ng binubully at nambubully. Ilan sa mga bagay na


maituturing na porma ng bullying ay pagsasagawa ng mga banta, pagkakalat ng

nakakasamang mga tsismis, pagasuntong pisikal at pagsasalita sa isang tao,at ang

sadyang hindi pagsama o pagsunod sa isang tao o sa isang grupo. Sa panahon ngayon

maraming kabataan na ang nasasangkot sa iba't-ibang klase ng bullying dahil sa mga

masasamang impluwensya ng mga taong may masasamang hangad.

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ika nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal,

kaya dapat habang bata pa sila ay matutunan na nila na hindi maganda ang dulot ng

Pambubully sa kapwa. Kaya naisipan ng mananaliksik na gawing panauhan o

tagatugon ang mga piling mag-aaral Ng mataas na paaralan ng Matalam na nasa

Baitang Sampu. Ito ay upang malaman kung ilan ba sa mga piling mag-aaral na nasa

baitang Sampu ang nakakaranas ng ganitong uri ng karahasan upang mas

mapagtuonan ng pansin upang mabigyan ng solusyon dahil ang pambubully ay

maaaring humantong sadepresyon na maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa

sarili o di kaya ay pagkamatay.

Layunin:

Hinahangad ng pag-aaral sa kasong ito na maiparating kung ano ang mga

masasamang epekto ng pambu-bully o pang-aapi sa mga mag-aaral na nasa Baitang

Sampu ng Mataas na Paaralan ng Matalam. Naglalayon ang pag-aaral na Ito ay

makasaliksik Ng mga maaaring rekomendasyon upang maibsan ang ganitong uri ng

karahasan.
Nilalayon ding matugunan ang mga sumusunod:

- Malaman ang bilang ng mga ispesipikong mag-aaral na nakakaranas ng Pambubully

na nakakaapekto sa kanilang emosyonal personalidad at Pagkatuto.

- Matukoy ang epekto ng Pambubully sa pagkatuto ng mga piling mag-aaral na nasa

Baitang Sampu ng Mataas na Paaralan ng Matalam.

- Maiisa-isa ang ibat ibang maaaring rekomendasyon upang maibsan ang karahasan sa

pagkatuto Ng mga mag-aaral.

Metodolohiya

Ang mananaliksik ay gagamit ng kuwantitatibong pag-aaral upang makapangalap at

mangolekta ng datos. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng pagsasarbey sa mga

piling mag-aaral na nasa Baitang Sampu ng Mataas na Paaralan ng Matalam ukol sa

kanilang nararanasang Pambubully,upang malaman kung anong epekto nito sa

kanilang pag-aaral at pagkatuto.


Inaasahang Bunga

Sa katapusan ng aming pagsasaliksik ay inaasahan naming makuha ang mga

opinion at saloobin ng mga piling estudyante kung may malaking epekto ba sa kanila

ang nararanasang Pambubully at kung ano ba ang pinakamabisang paraan upang

maiwasan ang epekto ng Pambubully sa pagkatuto ng mga Piling Mag-aaral na nasa

Baitang Sampu ng Mataas na Paaralan ng Matalam. Ito ay magsisilbing basehan ng

mga tao upang makapag-isip sila sa epektibong paraan upang makaiwas sa

Pambubully at maiwasang mabully.


Epekto ng Pambubully sa Pagkatuto ng mga Piling Mag-aaral
na nasa Sampung Baitang ng Mataas na Paaralan ng Matalam

ANGEL DE VERA

JEANILYN CORPUZ

SARRA JANE GONGGA

MARK ROBIN SAGUCOM

2020

You might also like