Sa Kabanata na ito makikita natin ang pagpapatuloy nang
paglalakbay ni Don Juan papunta si Reyno De Los Cristales.
Pagkatapos siya utusan ng matanda na ibigay ang barong sa Ermitanyo ng ang balbas ay hanggang baywang. Ngunit nang kanyang ibigay , nagulat ang Ermitanyo at nagpasalamat sa Diyos. Sinubukan na tulungan ng Ermitanyo si Don Juan. Tinawag nang Ermitanyo ang mga hayop ng Armenya at tinanong sila kung alam nila kung saan ang Reyno De Los Cristales. Sumagot ang mga hayop na hindi nila alam kung nasaan ito. Ngunit sinabi ng Ermitanyo na pumunta siya sa ikapitong bundok at hanapin ang isang matanda. Pumunta siya dito gamit ang Olikornyo na pinahatid nang Ermitanyo. Pagkadating nila sa bundok , nakita ni Don Juan ang Matanda na may balbas na abot sa lupa. Nagulat din siya sa kanyang natanggap na barong. Bilang kabayaran , tutulungan na niya si Don Juan. Tinawag niya ang mga hayop at tinanong kung alam nila kung nasaan ang Reyno De Cristales. Ang tanging nakakaalam ay ang Agila dahil kakapunta lang niya doon. Inutusan na nang matanda na ihatid nang Agila si Don Juan sa kanyang pupuntahan. Sabi nang Agila na ibaba niya si Don Juan sa banyo ni Donya Maria.