PANITIKAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANITIKAN SA PANAHON NG REBOLUSYON SA EDSA

Rebolusyon ng EDSA (1986)

 Isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula


Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong 1986.
 Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa sreye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa
diktaturyang pamumumo ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino
noong 1983
 Para sa mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika – “Ang
Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.”
-Lumalabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino.
-Isinilang ang bagong uri ng Pilipino.

ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO

 Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas


ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay
madarama na sa ilang mga Tula, Awiting Pilipino, sa mga Pahayagan, sa mga
Sanaysay at Talumpati, at maging sa mga Programasa Telebisyon.

PANULAANG PILIPINO

 Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag


ng tunay na damdamin ng mga makata:
a) Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may mga tiwaliang
gawa.
b) Pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.
Hal.
Himala ni Bathala
ni Francisco Rodrigo

Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala


Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala
Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya
Para sa’ting inalipin at inaping Inang bansa
AWITING PILIPINO

 Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena, ang Handog ng Pilipino
sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong
naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan.
 Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon
de Jesus ay ang pangnahing pumailalinlang ngayon sa mga radio at telebisyon. At dahil
sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon,
iminungkahi ngayon sa – “Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang
Pambansang awit ng Pilipinas.

SANAYSAY

 Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa


nakamit na bagong kalayaan.

Mga Sanaysay sa Panahon ng Edsa Rebolusyon

 Pag-ibig Laban sa Tangke - Teresita Sayo


 Bukas na Liham - Jocelyn M. David
 Susi sa GAnap na KAlayaan - Manuel T. Salva Cruz
 Dikta ng Dayuhan - Romulo Alenio Caralipio

PRAGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON

 Maririnig na ang pagpapahayag ng tunay na niloloob nang walang takot o pangamba


ang mga tagapagsalita sa radio at mga lumalabas sa telebisyon.

DZRH

 Pragramang “Kabayan”
 Ang mga tao ay nabibigyan ng kalayaang magsalita at magbigay ng kanilang
opinion o kurukuro
 “People Power”
 Isang pagsasadula sa apat na araw na matahimik na rebolusyong naganap sa
ating bansa.
 Dulang Katatawanang Ipinalabas sa Telebisyon
 Chicks to chicks
 Eh, Kasi Babae
 Sa Baryo Balimbing
PAHAYAGAN, MAGASIN, AT IBA PANG BABASAHIN

 Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ng pagpapanumbalik sa


karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag.
 Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito.
 Daily Inquirer
 Midday Malaya
 Masa
 Daily Mirror
 Veritas
 Pilipino Ngayon

IBA PANG MANUNULAT

 Ponciano Pineda
 Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa
 Isagani Cruz
 Edgardo Reyes
 Domingo Landicho
 Ruth Mabanglo
 Lydia Gonzales

You might also like