Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

1

TSAPTER 1

SALOOBIN NG ILANG ESTUDYANTE SA PAGGAMIT NG TEKSBUK-WORKBUK

SA ASIGNATURANG GEC. 8: ETHICS

1.1Kaligiran ng Pag-aaral

Ang edukasyon ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng tao kung saan ang bawat

isa ay natututong sumulat at bumasa. Ito ang nagsilbing gabay ng bawat mag-aaral sa mga daang

kanilang tatahakin. Tumatayo rin itong pundasyon ng bawat kabataan upang makamtan ang

kanilang mga hangarin sa buhay.

Sa pag-inog ng mundo ay may mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa .Isa

na rito ay ang pagkakaroon ng mga bagong pulitiko na naluklok sa kanilang hinahangad na

pwesto sa pamamagitan ng pagboto ng mga tao. Sa nakaraang pagpapalit ng pesidente ng ating

bansa, nagkaroon ng pagbabago sa edukasyon. Sa pagkaluklok ng ating nakaraang presidente na

si Benigno Aquino III ay nabago ang kurikulum ng ating bansa. At ang asignaturang Gec o

Ethika ay nabibilang ngayon sa bagong kurikulum. Sa bagong asignaturang Etika ay

nagpapagamit sa mga mag-aaral ng teksbuk-workbuk para sa magaang na pagtuturo at

pagkatuto sa parehong mga titser at estudyante.Isa sa mga eskwelahang nagpapagamit sa mga

estudyante ng teksbuk-workbuk ay ang St. Peter’s college na matatagpuan sa Iligan City halos

lahat ng GEC o General Education course ay may teksbuk-workbuk.Kabilang ditto ang

asignaturang Etika GEC 8.Ngunit ang pagpapagamit ng teksbuk-workbuk ay umani ng mga

reaksyon mula sa mga estudyante.


2

1.2 Layunin ng pag-aaral

Ang papel na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon hinggil sa saloobin

ng mga mag-aaral sa paggamit ng teksbuk-workbuk sa asignaturang Etika (GEC 8). Sa

pagsasakatuparan ng layunin, sinagot ang sumusunod ng mga katanungan.

1.2.1 Ano ang saloobin ng mga estudyante sa paggamit ng teksbuk-workbuk sa asignaturang

Etika (GEC 8)?

1.2.2 May pagkakaiba ba ang saloobin ng mga estudyanteng babae sa mga estudyanteng lalaki sa

paggamit ng teksbuk-workbuk?

1.2.3 Ano ang mga dahilan sa uri ng saloobin mayroon ang mga respondent sa paggamit ng

teksbuk-workbuk?

1.2.4 Dahilan ng respondenteng lalaki at babae sa paggamit ng teksbuk-workbuk?

1.3Batayang Teoretikal

Ginagamit na batayang teoretikal sa pag-aaral na ito ang teoretikal ni Sigmund Freud

(Founder of Psychoanalysis) na Psychoanalytic theory na nagsasaad na the individual reacts to

situation in terms and ways he or she perceives them,in ways present in his or her world of

music,drama and movies.Ayon sa pahayag,isang hindi maihihiwalay na aspekto sa buhay ng

tao ang tumugon sa kanilang paligid.Katulad ng mga bagay na

nakikita,napapakinggan,nahahawakan,naaamoy at nalalasahan na maaaring makapagbigay sa

kanya ng kabutihan o hindi kaya ay patuloy siyang lalapit sa bagay na nasa kaniyang paligid

dahil nakapagdudulot ito sa kanya ng kasiyahan.Tulad din ito sa paggamit ng teksbuk-


3

workbuk.May pansariling persepsyon ang bawat estudyante sa pagpapagamit sa kanila ng

teksbuk-workbuk sa mga tiyak na asignatura.Ang persepsyon ay maaaring positibo kung kaya’t

nagugustuhan niya ang paggamit nito.Ngunit may mga estudyanteng negatibo ang pananaw ditto

na napipilitan lamang gumagamit.May iba’t ibang dahilan ang mga estudyanteng ito sa kani-

kanilang pananaw sa paggamit ng teksbuk-workbuk.

1.4 Batayang Konseptwal

Sa bahagi ng mga titser ang paggamit ng teksbuk-workbuk ay bunsod

ng mga nakikita o naoobserbahan nilang problema sa kawalan o kakauntian ng mga aklat na

magagamit sa asignaturang Etika sa St. Peter’s College.Para sa kanila,malaking tulong ang

paggamit ng mga estudyante ng mga estudyante ng teksbuk-workbuk sa pagpapabilis ng pagtala

kay sa leksyon.Nasolusyonan man ng mga paaralan ang mga suliraning iyon ay hindi naman

maiiwasan ang pagbibigay-komento ng mga estudyanteng nagsisigamit ng mga teksbuk-

workbuk na isang paraan sa pagpapalabas ng kanilang mga indibidwal na saloobin o

persepsyon.Dahil may indibidwal na paniniwala na paniniwala ang mga estudyanteng ito kung

kaya’t masasabing may iba-iba silang saloobin at mga dahilan tungkol dito.
4

[DAYAGRAM]

ESTUDYANTE

Teksbuk-workbuk Saloobin dahilan

Babae Lalake Babae Lalake

Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng Pananaliksik


5

Makikita sa Figyur 1 ang tatlong kahon pare-pareho ang laki.Inirerepresenta ng

unang kahon ang teksbuk-workbuk. Inirerepresenta naman ng ikalawang kahon ang saloobin at

ng ikatlong kahon ang dahilan.Sa itaas na mga kahong ito ang salitang Estudyante na may arow

papuntang teksbuk-workbuk at saloobin.Nangangahulugan ito na sa ginagamit ng teksbuk-

workbuk ng estudyante ay may posibleng persepsyon siya sa paggamit nito na maaaring positibo

o negatibo na inirerepresenta ng arow na nag-uugnay sa teksbuk-workbuk at saloobin.Sa kahon

naman ng saloobin ay may arow na nagkokonekta sa kahong nagrerepresenta ng

dahilan.Nangangahulugan din ito na sa anumang saloobin mayroon ang estudyante ay may mga

tiyak na dahilan para rito.

Samantala,sa ibaba ng malalaking kahon ay may apat na maliliit na kahon na

may nakasulat na babae at lalaki na nakakonekta sa saloobin at dahilan.Ipinakikita nito na may

posibilidad na may pagkakaiba ang saloobin at dahilan ng mga babae at lalake sa paggamit ng

teksbuk-workbuk.

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil batay sa saloobin ng mga estudyante sa paggamit ng

teksbuk-workbuk ay malalaman ng mga guro sa mga tiyak na asignatura kung may kahinaan ang

teksbuk-workbuk na ipinagagamit sa kani-kanilang klase.Mula rito maari silang makapamili ng

mahusay na teksbuk-workbuk na makatutulong nang Malaki sa proseso ng pagtuturo-

pagkatuto.Maari ring gumamit ng ibang reperensya mula sa laybrari bilang suplemento at gayo’y

mahahasa rin ang kakayahang magsaliksik ng mga estudyante.


6

Maaari ring magsilbing ebalwasyon ang resulta ng pag-aaral sa kahusayan o

kahinaan ng ginagamit na teksbuk-workbuk lalo sa gawain o pagsasanay na ipinagagawa sa mga

estudyante.

1.6 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sinaklaw lamang ang pag-aaral ng mga estudyanteng kumukuha ng asignaturang

Etika (GEC 8) na nabibilang lamang sa isang seksyon lamang bunga ng kakapusan sa panahon

sa pangangalap ng mga datos.Ikalawang semester taong 2019-2019 ang ginugol sa pagsasagawa

ng pag-aaral.Ang mga respondenteng estudyante ay may bilang na 35.

1.7 Depinisyon ng mga Termino sa Pag-aaral

Upang maging malinaw sa mga mambabasa ang takbo ng pananaliksik na ito,

binigyan ng kahulugan ang mga terminong madalas gamitin sa pagtalakay.

Dahilan.Ito ang mga pahayag na sumusuporta sa uri ng saloobin mayroon ang mga

respondenteng estudyante na ginamit sap ag-aaral.

Estudyante.Tinutukoy nito ang mga respondenteng ginamit sa pag-aaral na

nagpahayag ng kanilang saloobin sa paggamit ng teksbuk-workbuk.

Etika o paasalan.Kalahatang termino na madalas inilalarawan na agham ng

moralidad.Sa pilosopiya, ng Etikal na pag-uugali ay ang kabutihan.Ito ang isa sa tatlong

pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya,kasama ang metapisika at lohika


7

Saloobin.Tinutukoy nito ang palagay o opinion ng mga estudyante sa teksbuk-

workbuk na ginamit nila sa asignaturang Etika (GEC 8).Maaaring ito ay positibo o negatibo

batay sa kanilang pananaw.

Teksbuk-Workbuk.Ito ang ginawan ng ebalwasyon ng mga estudyante sa

pamamagitan ng pagtukoy nila sa uri ng saloobin mayroon sa paggamit nito.Tinutukoy din ito

ang teksbuk-workbuk na ginagamit nila sa asignaturang Etika.


8

TSAPTER 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at babasahin tungkol sa

paksang saloobin ng mga estudyante sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Nahahati sa mga

kaugnay na pag-aaral at mga kaugnay na babasahin.

2.1 Mga kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral nina Fernandez at Galosino (2005) na pinamagatang “Adequency of

Instructural Materials in the Intermediate Grades of Iligan City Central School:Its Relationship to

Selected Variables.Layunin ng kanilang pag-aaral na malaman ang lebel ng kahustuhan ng

kagamitang pampagtuturo na ginagamit sa mga intermediate grades sa Iligan City Central

School sa taong 2005-2006.

Ang kanilang pag-aaral ay isinasagawa sa 30 na titser sa subject na Ingles sa

intermediate grades sa Iligan City Central School na gumagamit ng sariling gawa na

talatanungan.Gumamit sila ng mga instrumenting istatistikal gaya ng frequency

count,porsiyento,weighted mean,pearson product moment correlation (v) para analisahin ang

mga nakuhang impormasyon.

Ang kanilang nakuhang resulta ay nagpakita ng “fairly adequet” na suplay ng mga

kagamitang pampagtuturo na ginamit ng mga titser sa intermediate grades sa ICCS, materials

resources “fairly adequet” din, Still Pictures/Representations at Audio Materials/Digital

Equipment/Facilities ay “inadequate”.
9

May kabuluhan sa pagitan sa pinakamataas na natamo sa pag-aaral at kahustuhan ng mga

still pictures, print materials,at multimedia/digital na kagamitan.May kabuluhan din sa pagitan

ng ranggo ng mga titser at ang kahustuhan ng still pictures at multimedia/digital na kagamitan.Sa

kabilang dako naman walang kabuluhan sa pagitan ng edad ng mga titser at ang tagal nila sa

serbisyo sa kahustuhan ng mga kagamitang pampagtuturo.

Sa pag-aaral nina Galdon at Prete (2008).Nilayon na eevalweyt ang binuong workbook

para sa Art Education,Binuo nila ang kagamitang pampagtuturo upang makabenepisyo kapwa

ang mga estudyane at mga instructor.Inalam sa pag-aaral ang digri ng pagtanggap sa mga

nailimbag na workbook batay sa layunin,introduksyon,nilalaman,ilustrasyon,review question,at

proyekto kung kailangan pa bang irebisa ang binuong workbook ayon sa mga komento at

suhestyon ng mga respondent.

Ginamit ng mga respondent ang dalawampu’t dalawang (22) estudyante at tatlong (3)

instructor mula sa Kolehiyo ng Edukasyon ng MSU-IIT. Talatanungan ang ginamit sa

pangangalap ng datos para malaman kung ang workbook ay tanggap at bagay sa mga gumagamit

ng mga respondent.Natuklasan sa pag-aaral na ang ginawang workbook ay tanggap at bagay

gamitin ng mga respondent bilang isang reperensya o kagamitang pampagtuturo sa sabjek na Art

EdIN-Art Education in Daily Living,na natutungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay ngunit

kinakailangan ng marebisa ito.

Sa pag-aaral naman ni Suycano (2008) inivalweyt nito ang pagtanggap ng workbook na

ginagamit sa Basic Drafting 1 na isang kagamitang pampagtuturo na nakakabenepisyo ang mga

drafting ng mga estudyante, ang mga estudyanteng maka-enrol sa drawing na subjek at maging

ang mga titser sa drawing .


10

Naglayon ang kanilang pag-aaral na malaman ang pagtanggap sa workbook batay sa

layunin,pangkalahatang nilalaman,mga ilustrasyon at self-check test.At hangad din nitong

alamin kung kailangan pa bang irebisa ang nasabing workbook sa pamamagitan ng mga

komento at suhestyon ng mga respondent.

May 16 na mga respondente na galing sa MSU-IIT sa College of Education, College of

Engineering, may nagmula rin sa Iligan City East High School.sa St. Lawrence Institute, sa

Iligan Computer Institute at sa St.Peter’s College of Iligan City na may kasanayan sa pagtuturo

ng sabjek na drawing.Talatanungan ang gamit para malaman kung ang workbook ay tanggap at

nararapat sa mga gumagamit, hiningan din ng mga komento at suhestyon ng mga respondent.

Nagpakita ang resulta ng kanilang pag-aaral na ang nasabing workbook ay tanggap at

nararapat gamitin ng mga respondent bilang kagamitang pagtuturo sa BD 1-Basic Drafting.

Ang lahat ng mga nakalap na kaugnay nap ag-aaral ay inaayos ayon sa taon ng

pagkakagawa nito.Ginamit ng mga mananaliksik ito na kaugnay na pag-aaral sapagkat parehong

inalam ng mga mananaliksik ang saloobin ng kani-kanilang respondent sa paggamit ng mga

workbook na ipinagagamit sa kani-kanilang asignatura sa kursong kinabibilangan.

2.2 Mga kaugnay na Basahin

2.2.1 Pinagmulan ng Libro

Ayon kay Mary Chirene A. Capa (2011) nagsimula ang ideya nang libro na noon ay pa

isa-isa pang ginagawa ang bawat pahina hanggang sa dumami na rin ang kopya dahil nga sa

takot na mawala ang mga kaalaman.Ipinakita din dito kung ano-anong mga bagay ang naging

instrumento para makagawa ng mga sinasabing libro noon.Kumalat ang paggawa ng libro sa
11

iba’t ibang tawag din sila dito.Hanggang sa natuklasan nila ang mga makina na makatutulong

sa pagpapadali ng paggawa at pag-iimprenta na rin ng mga libro.Pagkatapos ng dalawang

dekada ng taon 1800 ay maraming nakaramdam ng impak ng rebolusyon ng teknolohiya na

bumago sa sinaunang paggawa at pag-iimprinta ng mga libro.Marami rin naging problema sa

mga makinang ginamit sa paggawa at pag-iimprenta ng mga libro hanggang sa nakagawa sila ng

makinang makikinabang ang mundo.Ginawang mas madali ang trabaho nito kaysa sa unang

ginawa na mga makina sa paggawa at pag-iimprenta nila ng mga libro.Hanggang sa nakagawa

sila ng pagawaan o pabrika ng mga libro

2.2.2 Teksbuk.Ang teksbuk ay kahit anong libro na kung saan may mga presentasyon

ng mga paksa na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto.Ang teksbuk ay nagrerepresenta ng

sampol ng paksa na kung saan pinag-aralan ng mga estudyante.Ang mga leksyon sa teksbuk ay

nakalagay sa maraming pahina na nakalaan para sa pag-aaral ng mga estudyante.Ang diskusyon

sa klase ay pinalawak ng ideya ng mga awtor na kung saan nagkakaroon ng malayang

talakayan ang mga estudyante hinggil sa paksa.Samantala,sa mga klaseng may matagal

matutong mga estudyante, ang mga estudyante ay pinapabasa ng talata hinggil sa paksang

tinatalakay

Ang katangian ng teksbuk ay ang mga sumusunod;(1) Ang estilo ng pagsusulat ay

kinakailangang malinaw ang mga letra para madaling basahin kapag binabasa.(2) Ang

ilustrasyon ay madaling maunawaan;Dapat ito ay malinis.(3) Kinakailangan na maganda rin ang

aktibidad;(4) ang nilalaman ng teksbuk ay dapat may patern o modelo para makaugnay ang

bawat tsapter sa mga sumusunod pang tsapter.Lahat ng mga kaugnay na literature ng nabanggit
12

sa itaas ay nagsasaad ng ideya tungkol sa pinanggalingan ng libro at kung paano nakaisip ang tao

upang makabuo ng aklat.


13

TSAPTER 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyong kwalitatibo ang ginagamit sa pag-aaral.Pamamaraang descriptibo o

palarawan ang ginagamit sa pagsusuring ginagawa sa mga datos.Sarbey ang tiyak na paraang

ginamit upang matipon ang mga datos.

3.1 Lugar ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik sa St. Peter’s College na matatagpuan sa Lungsod ng

Iligan,Lanao Del Norte.Ang St. Peter’s College ay may (6) na kolehiyo, ang mga ito ay ang College of Arts

and Sciences (CAS), College of Engineering (CoE), College of Computer Studies(CCS), College of Business

Administration (CBA), College of Crimenology (CoC), College of Education (CED).

3.2 Mga Respondente

Ginagamit na mga respondent sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na kumukuha ng

asignaturang Etika na nabibilang sa isang seksyon lamang.Nagmula sila sa klaseng tuwing Biyernes

lamang nagkakaklase sa oras na ika-8 hanggang ika-11 ng umaga.Ang mga nabibilang ditong mga mag-

aaral ay College of Arts and Sciences (CAS).

Talahanayan 1.Bilang ng mga Estudyante sa asignaturang Etika

Kasagutan Bilang ng mga estudyante

Sang-ayon na sang ayon 14


14

Sang-ayon 18

Hindi Tiyak 3

Hindi sang-ayon 0

Hinding hindi sang-ayon 0

3.3 Talatanungan

Sa pangangalap ng mga datos,ginamit ang talatanungan na nahahati sa dalawang bahagi.Ang

unang bahagi ay ang personal na datos,at ang ikalawang bahagi ay binubuo ng mga katanungang

umaalam sa uri ng saloobin mayroon ang mga posibleng dahilan sa pagkakaroon ng nasabing saloobin.

Sa pagtukoy sa uri ng saloobin, ginamit ang iskalang Likert na may limang mapagpipiliang

kasagutan.

Ang mga sumusunod ang deskripsyon ng mga kasagutan.

Sang-ayon na sang-ayon. Hindi lubusan ang pagtanggap ng mga respondent sa pagkakaroon ng

teksbuk-workbuk.May kaunting pag-aalinlangan sa panig ng mga respondent sa kabisaan ng paggamit ng

teksbuk-workbuk para sa lahat ng estudyante ngunit inaayunan pa rin niya ang paggamit nito.

Sang-ayon. Nangangahulugan ito na walang pag-aalinlangan sa panig ng mga respondent na

nakatutulong nang Malaki ang pagkakaroon ng teksbuk-workbuk sa kanilang pag-aaral.

Hindi-Tiyak. Hindi nakasisiguro ang mga respondent sa saloobin na ito.Maaring mayroon silang

pagbabasakali.
15

Hindi Sang-ayon. Inaayawan ng mga respondente ang pagkakaroon ng kagamitang

pampagtuturo ng teksbuk-workbuk.

Hinding-hindi Sang-ayon. Lubos ang pag-ayaw ng mga respondent sa pagkakaroon ng teksbuk-

workbuk.Naniniwala silang walang halaga ito sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

3.4 Pangangalap ng mga Datos

Nang handa na ang talatanungan nagsagawa na ang mga mananaliksik ng sarbey.Naghanda ng

liham para sa guro ng Etika na si Gng Julie Lao na humihingi ng pahintulot na makapangalap ng mga

impormasyong kinakailangan mula sa mga estudyante.Ang liham ay may pirma ng guro na si Angelina L.

Santos sa subjek na Metodo at Pananaliksik. Mananaliksik sa ginawang pag-aaral bilang pagpatotoo sa

pangangailangan ng isang sarbey upang makakolekta ng mga datos.

Pagkatapos mabigyan ng pahintulot ng guro, humingi ng kompletong listahan ng mga pangalan

ng mga ginamit na respondente. Sa guro sa asignaturang Etika. Nagpapaliwanag sa mga respondente

ng layunin ng pag-aaral.Hinintay na makatapos ang pagsagot upang makolekta agad upang maiwasan

ang pagkawala ng talatanungan at pagkatapos ay pinasalamatan sila sa kanilang pagpapaunlak.

3.5 Pagsasa-ayos ng mga datos

Matapos makuha ng mga mananaliksik ang mga talatanungan ay sinimulan na ang pagtala ng

mga datos.Nagsagawa ng pagta-tally ng puntos sa bawat uri ng saloobin ng mga respondente na

ginawan ng talahanayan.Kinuha ang dalas ng bilang ng sagot ng mga respodente sa uri ng saloobin at

ng talahanayan.
16

3.6 Pag-aanalisa ng mga Datos

Sa pag-aanalisa ng mga datos, ang unang binigyan pansin ay ang mga nakuhang kasagutan sa uri

ng saloobin, sumunod ang mga dahilan ng kanilang saloobin.Inalam ang uri ng saloobin na

nangunguna.Inalam din ang mga nangungunang dahilan sa uri ng saloobin mayroon ang mga

estudyante.

3.7 Kwantipikasyon ng mga Datos

Binigyan ng numerikal na panumbas ang panukat upang makuha ang marka ng bawat saloobin

ng mga respondente.Hinango rin sa panukat ni Magracia (1997) ang numerikal na panumbas na ito.

Saloobin Numerikal na Panumbas

Sang-ayon na sang-ayon 15

Sang-ayon 17

Hindi tiyak 3

Hindi sang-ayon 0

Hinding-hindi sang-ayon 0

Nangunguna ang pag sang-ayon sa pakakaroon ng teksbuk-workbuk,sumunod ang sang-ayon na sang-

ayon hindi sila gaanong sang-ayon na sang-ayon sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk,hindi tiyak, hindi

sila tiyak sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Pang huli ang hindi sang-ayon at hinding hindi sila sang-
17

ayon sa pagakakaroon ng teksbuk-workbuk.Pero sa pananaliksik na ito talagang sang-ayon sila sa

pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.
18

TSAPTER 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa tsapter na ito inilahad ang mga nakalap na mga datos at sinuri ang mga ito at

pagkatapos ay binigyan ng kaukulang interpretasyon ang mga naisagawang pagsusuri o analisis

ng mga datos.

4.1 Pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng teksbuk-workbuk

Talahanayan 1. Saloobin ng mga estudyanteng babae at lalaki kung nagugustuhan ba o hindi

ang pagkakaroon ng Teksbuk-workbuk sa asignaturang GEC 8.(N=35)

Saloobin Babae Lalake kabuuan

Blg % Rango Blg % Rango

SnS 8 22.8 2 7 20 1 15

S 10 28.57 1 7 20 2 17

HT 3 8.57 3 0 0 3 3

HS 0 0 0 0 0 0

HHS 0 0 0 0 0 0
19

21 60 6 14 40 6 35

N=35
Kahulugan:
Sns = Sang-ayon na Sang-ayon HS = Hindi Sang-ayon
S = Sang-ayon HHS = Hinding Hindi Sang-ayon
HT = Hindi Tiyak

Sa talahanayan 3.7 Makikita sa talahanayan 1 ang mapagpipiliang mga saloobin ng mga

estudyanteng gumagamit ng teksbuk-workbuk. Ang mga aytem

Ang talahanayan na ito ay tumutukoy sa saloobin ng mga respondente na ginagamitan ng seks,

Ang nangungunguna sa kahon ng saloobin ay ang sang-ayon na may bilang na labing walo (18)

na siyang ibig sabihin ay sang-ayon sila sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Sumunod ang

sang-ayon na sang-ayon na nakuha ng labing apat (14).Hindi gaanong sang-ayon ang mga

estudyante sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Pangtlo ang hindi tiyak na nakakuha ng tatlong

puntos makikita na sila tiyak sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Panghuli ang hindi sang-ayon

at hinding hindi sang-ayon,makikita na hinding-hindi sila sang-ayon sa pagkakaroon ng teksbuk-

workbuk.

Talahanayan 2. Saloobin ng mga estudyante sa paggamit ng teksbuk-workbuk sa pamamagitan

ng seks.

Makikita sa talahanayan 2. Ang mapag pipiliang mga saloobin ng mga estudyanteng

babae at lalaki. Ang kabuuang bilang ng respondent ay (35).Ginagamit sa talatanunganang

isang likert kung saan may mga saloobing maaring pagpipilian dito na sumang-ayon o
20

tumututol.Ang mga aytem dito ay nahahati sa positibo at negatibo at may isang pagpipilian na

nagpapahayag ng pagiging neutral na napapagitnaan ng positibo at negatibo.

Nakakuha ng (17) puntos ang sang-ayon, talagang sang-ayon ang mga estudyante sa

pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Sumunod ang Sang-ayon na sang-ayon nakakuha ito ng

(15)puntos dito medyo may pag alinlangan pa ang mga estudyante sa pagkakaroon ng teksbuk-

workbuk ,sinundan naman ito ng saloobing hindi tiyak nakakuha ng (3) puntos.

Nangangahulugan lamang na may mga estudyante pa ring hindi tiyak sa pagkakaroon ng

teksbuk-workbuk.

Talahanayan 3. Dahilan ng mga Respondente sa uri ng kanilang saloobin.

Dahilan Dalas ng Porsyento Ranggo

Bilang %

1.Nakakatulong sap ag-aaral 30 85.7 1

2.Dagdag gastos lamang ang teksbuk- 6 17.14 9

workbuk.

3.Nakakapagod sagutin ang mga 2 5.71 11

gawain sa workbook

4.Nakakasabay kami sa bawat 25 71.4 2

talakayan sa klase.

5.Nagpapanayam ng kaalaman sa 21 60 3

aking kaisipan.

6.Kulang sa ilustrasyon.
21

7.Kulang na kulang ang mga libro sa 5 14.2 10

laybrari.

8.Kulang na kulang ang mga

impormasyon.

9.Napapadali ang pagkuha ng mga 14 40 6

impormasyon.

10.Humahamon sa isipan ang sa 10 28.5 8

isipan ang mga gawain/pagsasanay.

11.Hindi malinaw ang 0 0

pagpapaliwanag.

12.Nabibigyan solusyon ang mga 0 0

kakulangan ang impormasyon galing

sa internet

13.Kulang na kulang ang mga 0 0

impormasyon

14.Hindi ako interesado sa 0 0 13

pagkakaroon ng teksbuk-wokbuk.

15.Makabuluhan ang paggamit ng 21 60 4

teksbuk-work.
22

16.Hindi sulit ang halaga na 1 2.85 12

nakapaloob sa teksbuk-workbuk.

17.Lalo na akong naiingganyo/ 17 48.57 5

nahihikayat na mag-aaral.

Ipinapakita sa talahanayan 3 ang labing pito (17) na pinagpipilian ng mga estudyante sa

asignaturang Etika sa pagkakaroon ng teksbuk- workbook.Makikita rin sa talahanayan ang

dalas ng bilang ng mga estudyante,porsyento at ranggo ng bawat dahilan.

Nangunguna ang unang (1) dahilan na may dalas ng bilang na tatlong po (30) at nasa

unang ranggo na dahilan na pinili ng mga estudyanteng kumukuha ng Etika .Ang nasabing

dahilan ay ang “Nakakatulong sap ag-aaral”.Sumunod naman ang pang apat (4) na dahilan na

“Nakakasabay kami sa bawat talakayan sa klase” na may dalawampu’t lima (25) at

pumapangalawa sa ranggo .Dahilan na “Nagpapayaman ng kaalaman sa aking kaisipan” na may

dalawampu’t isa (21)at pangatlo sa ranggo.Dahilan na “Makabuluhan ang paggamit ng teksbuk-

workbuk” ay may dalawampu’t isa (21) na pang-apat (4)sa ranggo.Dahilan na “Lalo na akong

naiingganyo/ nahihikayat na mag-aaral ay nakakuha ng labing pitong bilag na naging pang lima

(5)sa ranggo.Ang dahilan na “Napadali ang pagkuha ng mga impormasyon ay naka kuha ng

bilang na labing apat (14) na naging pang anim sa ranggo(6).Ang dahilan na “Nabibigyan

solusyon ang mga kakulangang impormasyon galing sa internet” ay naka kuha ng labing isa (11)

na naging pang pito sa ranggo (7).Ang dahilan na “Humahamon sa isipan ang mga

gawain/pagsasanay ay naka kuha ng sampu (10) na naging pang walo (8) sa ranngo.Ang dahilan

na”Dagdag gastos lamang ang teksbuk-workbuk ay naka kuha ng anim (6) na naging pang

siyam (9) sa ranggo.Ang dahilan na “Kulang na kulang ang mga impormasyon” ay nakakuha
23

ng lima (5) na naging pang sampu (10) sa ranggo.Ang dahilan na “Nakakapagod sagutin ang

mga gawain sa workbuk” ay nakakuha ng dalawang puntos (2) at ito ay naging pang labing isa

sa ranggo.Ang dahilan na “Hindi sulit ang halaga na napakaloob sa teksbuk-workbuk” ay naka

kuha ng isang puntos (1) ito ay naging pang labing dalawa (12) sa ranggo.Ang dahilan na “Hindi

ako interesado sapagkakaroon ng teksbuk-workbuk ay nakakuha din ng isang puntos (1) at ito ay

naging pang labing tatlo sa ranggo (13).Ang mga dahilan na “kulang sa illustrasyon”.”Kulang na

kulang ang impormasyon”.”Hindi malinaw ang paliwanag”.”Kulang na kulang ang mga

impormasyon”sila ang mga walang puntos.


24

TSAPTER 5

BOUD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito makikita ang buod,konklusyon at rekomendasyon na batay sa

isinasagawang pananaliksik.Inilahad ditto ang mga kasagutan sa mga katanungan.Makikita rin

ditto ang mga natuklasan sap ag-aaral na pinagbabatayan sa pagbuo ng konklusyon.

5.1 Buod

Sa pag-aaral na ito inalam ang mga saloobin ng mga estudyanteng kumuha ng

asignaturang Etika sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Kinuha ang mga datos sa lahat ng mga

estudyanteng nabibilang sa Etika.Isinakatuparan ang layunin ng riserts na ito na mailahad ang

mga saloobin ng mga estudyante hinggil sa paggamit ng teksbuk-workbuk,upang maisagawa ang

riserts ginawang gabay ng mga sumusunod na mga katanungan.

Isinakatuparan ang layunin ng reserts ns ito na mailahad ang mga saloobin ng mga estudyante

hinggil sa paggamit ng teksbuk-workbuk sa sabjek na Etika,upang maisagawa ang

reserts,ginawang gabay ng mga sumusunod:

5.1.1Ano ang saloobin ng mga estudyante sa paggamit ng teksbuk-workbuk sa asignaturang

(GEC 8) Etika.

5.1.2May pagkakaiba ba ang saloobin ng mga estudyanteng babae sa mga lalaki sa paggamit ng

teksbuk-workbuk.

5.1.3Ano ang mga dahilan sa uri ng saloobin mayroon ang mga respondente sa paggamit ng

teksbuk-workbuk
25

5.1.4Dahilan ng respondenteng babae at lalaki sa paggamit ng teksbuk-workbuk.

Personal na pakikinayam sa mga respondente at deskriptibo o palarawang paglalahad ang

ginagamit na metodolohiya sa pananaliksik gayun din ang pamimigay at pagsasagot sa

talatanungan ng mga mananaliksik.Itala sa talahanayan ang mga nakalap na saloobin matapos

sagutan ang talatanungan.Sa pangangalap ng datos ginamit ng mga mananaliksik ang paraang

sarbey sa lahat ng mga estudyante ng Etika.Pinasagot ang mga respondente sa dalawang pahina

ng talatanungan.Kung saan may dalawang bahagi.Sa unang bahagi may pagpipiliang saloobin

at dahilan,sa ikatlong bahagi ay ang iba pang dahilan ng mga mag-aaral,palagay nga ay

importanteng magkaroon/gamitan ng teksbu-workbuk.Sa mga datos na nakalap,nangunguna ang

saloobing “Sang-ayon” ang karamihan sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Pumapangalawa ang

Sang-ayon na sang-ayon sa mga saloobing pinagpilian ang pangunahing dahilan ng mga

estudyanteng Etika ay ang dahilan na Nakakatulong sa pag-aaral.


26

5.2 Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon.

1.Karamihan ng mga estudyante ng Etika ay sang-ayon sa pagkakaroon ng teksbuk-

workbuk.Mula sa kabuuang bilang na (35) labing pito (30) ang saloobing sang-ayon 85.7

porsyento.Halos lampas kalahati sa kabuuang pursyento ang nakuha nito.Napatunay na talagang

sang-ayon ang mga estudyante sa paggamit ng teksbuk-workbuk.

2.Maraming pagkakaiba ang nakuhang puntos sa mga dahilan ng pagkakaroo ng teksbuk-

workbuk.

3.Napag-alaman ng ang mga estudyante ng etika pinag isipang mabuti ang naidudulot ng

paggamit ng teksbuk-workbuk sa kanilang asignatura.Mga positibong dahilan ang kanilang

saloobin na pinili sa pagkakaroon ng teksbuk-workbuk.Ang sumusunod ang sampu (10) na

dahilan ng mga respondente ayon sa ranggo.

1.Nakakatulong sa pag-aaral.

2.Nakakasabay kami sa bawat talakayan sa klase.

3.Nagpapayaman ng kaalaman sa aking kaisipan.

4.Makabuluhan ang paggamit ng teksbuk-workbuk.

5.Lalo na akong naiingganyo/nahihikayat na mag-aaral.

6.Napapadali ang pagkuha ng mga impormasyon.

7.Nabibigyan solusyon ang mga kakulangang impormasyon galing sa internet.


27

8.Humahamon sa isipan ang mga gawain/pagsasanay.

9.Dagdag gastos lamang ang teksbuk-workbuk.

10.Kulang na kulang ang mga libro sa library.


28

You might also like