Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangarap na Paraiso

Kalikasan na kay linis at kay ganda yan ang pangarap nating


masilayan. Tubig na kay linaw, preskong hangin na walang dalang polusyon,
at lupang hindi natatabunan ng basura, ang mga ito ang gusto nating
mangyari, hindi ba? Ngunit paano natin masisilayan ang mga ito kung
patuloy tayong tumutulong masira ito? Hanggang salita nalang ba ang ating
pagnanais na muling pagandahin at ibalik sa dati ang ating paraiso? Sino ba
ang dapat magsimula para sa pagbabago?

Sa ngayon paano natin masasabi na maganda ang ating kalikasan?


Kung kalbo na ang mga kabundukan dahil sa pagtotroso’t
pagkakaingin.Pagsira sa katubigan dahil sa pagtatapon ng basura sa mga
ilog at paggamit ng dinamita sa karagatan. Ito ba ang maganda sa
ating paningin? Sa patuloy nating pagbabalewala sa ating kalikasan,ano pa
ang matitira sa susunod henerasyon. Naghihingalong kalikasan na lang ba?

Ngayon, siguro napapansin na natin ang lupit ng kalikasan. Sila ay


gumaganti na at maraming buhay ang sinisingil sa atin. Bagyo, landslide,
lindol,at pabagu-bagong klima na nararanasan ng lahat. Ilan lang yan sa
kayang gawin ng kalikasan. Siguro kaya nangyari ang mga ito ay dahil
binibigyan na tayo ng babala na tayong mga tao ang dapat pag-ingatan ng
ating kalikasan.

Kung hindi ngayon,kailan? Kung hindi tayo, sino? Dapat sa panahon


ngayon, tayo ay kumilos na at simulan ang pagbabago para sa kalikasan.
Huwag nating hayaang masira ang pa ito.Kay gandang pagmasdan ang mga
batang naliligo muli sa malinis na ilog, umaakyat sa mayayabong na puno.
Kaya ngayon pa lang simulan na ang pagbabago.

You might also like