Banghay Aralin Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 8

I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito,
2. napahahalagahan ang kabuuan ng paksa at nakapagbibigay ng mga pangungusap
na may wastong gamit ng mga tayutay, at
3. nakabubuo ng mga pangungusap na napapalooban ng iba't ibang uri ng tayutay
II. PAKSA
a. Paksa: “Ang Tayutay at ang mga uri nito”
b. Kagamitan: PowerPoint Presentation, visual aid, chalk, White Board Marker

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati at pagdarasal
b. Pagtatala ng lumiban
c. Pagpapayos ng upuan at pagpupulot ng mga kalat.
B. Pagbabalik-aral
C. Pagganyak “Word of the Day”
a. May pasasagutang Trivia at ang mga letrang nasa gilid nito ay ang mga clue upang mas
madaling masasagutan ng mga mag-aaral. Sa mga clue na nakalagay sa gilid ay may
mabubuo silang isang salita. At dapat nilang mabuo ang salitang TAYUTAY.

D. Pagpapakilala Sa Aralin
 Paghahanda
 Sa tulong ng isinagawang pagganyak ay maipakikilala na ng guro ang panibagong aralin,
“Ang Tayutay”
 Ipresenta sa buong klase ang magiging layunin ng paksang tatalakayin.

E. Pagtatalakay
TAYUTAY - Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Mga Uri ng Tayutay

 Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw- isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng


kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa: Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
 PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) - ito ang pagpapalitng katawagan o pangalan sa
bagay na tinutukoy.
Halimbawa: Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo - Presidente
ng Pilipinas)
 PAG-UYAM (Irony) - isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinatago sa
paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saantanging ina niya lang ang
humahanga.
 PAGHAHALINTULAD - Ang paghahalintulad ay ang paghahambing ng 2 o higit pang
mga bagay.
Halimbawa: Mas maganda si Nina kesa kay Kisha.
 ANG APOSTROPE, APOSTROPI O PAGTAWAG - ay isang pakiusap o panawagan
sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Sa paggamit ng apostrope, hinihiwalay ng
manunulat o nagsasalita ang sarili nito sa reyalidad at kumakausap sa isang karakter, mga
bagay na maaring may buhay o wala ngunit parang naroroon at kaharap niya pero sa
katotohanan ay wala naman ito.
Halimbawa: Swerte, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.
F. Paglalahat
a. Ano nga ulit ang Tayutay?
b. Ano-Ano ang mga uri ng Tayutay?

GAWAIN: “Fate and Destiny” bawat mag-aaral ay pipili ng kanilang lucky number at kapag
lumabas sa iskren ang numerong napili ay siya ang sasagot ng katanungan.

G. Paglalapat
Pangkatang Gawain
MEKANIKS: Magkakaroon ng pangkatang gawain at papangkatin ko kayo sa
limang grupo. Maghanda ng isang buong papel. Kailangan nilang bumuo ng
DALAWANG pangungusap na napapalooban ng uri ng tayutay. Matapos ang anim na
minuto ay ipepresenta ito sa buong klase.

PANGKAT 1 – SINEKDOKE
PANGKAT 2 – IRONIYA
PANGKAT 3 – ANALOHIYA
PANGKAT 4 – METONOMIYA
PANGKAT 5 – APOSTROPI

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod. Pumili at Ilagay ang letra
ng tamang sagot sa patlang.
a. Sinekdoke
b. Metonomiya
c. Pag-uyam
d. analohiya
e. Panawagan
_______1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. - Metonomiya
_______2. Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin) - Sinekdoke
_______3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. – Metonomiya
_______4. Napakaganda niya kapag nakatalikod. – Pag-uyam
 _______5. Ang bubuyog ay umaaligid aligid sa bulaklak na para bang binata na nanliligaw sa dalaga.
– analohiya
_______6. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka. – Pag-uyam
_______7. Ama, huwag ninyo po kami pababayaan.
_______8. O tukso! Layuan mo ako!
_______9. Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan) – Sinekdoke
_______10. Ang pagiingat niya sa kanyang pangalan ay pangngalaga niya sa kanyang anak.– analohiya

B. Kahalagahan
Bakit mahalagang matutunan ang tayutay?

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik pa ng ibang uri ng tayutay at magbigay ng tiglilimang halimbawa nito. Isulat sa
isang buong papel.

INIHANDA NI:

AINA GRAINE F. ANTIQUISA

You might also like