Professional Documents
Culture Documents
Tigannggggg
Tigannggggg
Tigannggggg
Arceo
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib
at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang
larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata,
hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at
mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay
kay Ina...
Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan.
Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At
kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata.
Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang
panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon
siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...
4
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may
magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na
kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre
at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang
pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga
uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga
kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na
kuwento. Ngunti, ang pananabik na ito’y napapawi.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay
nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay,
mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing
walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring
maging katapatan...
6
Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa
akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil
sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na
panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at
ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina.
Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko
matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw
ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan
ni Ama.
Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo
buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya
nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
10
Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking
ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang
sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya –
tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na
inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.
Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.
Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong
kasiyahan...
11
Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni
Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa
akin ang karamdaman ni Ama.
12
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit
na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang
kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa
pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.
13
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang
loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta:
Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot
sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
14
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung
hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking
kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging
sagwil sa kanyang kaligayahan...
15
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit,
nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin
maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan
ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...
16
Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang
tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya
dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko
maaaring paluhain...
17
Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang
nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat
tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa
kalungkutang itong halos pumatay sa akin...
18
19
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa
aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na
nagkalat sa hapag ni Ama.
Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng
kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo,
ang bigat ng kanilang pagkakadantay...
20
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang
pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging
yaon.
21
Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa
kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At
sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang
pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.
Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
22
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa
tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha
ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa
iyo habang-buhay...
Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.
23
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang
pahluha kung walang makakita sa kanya...
24
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na
damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.
Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan
tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang
paraan...sa ano mang paraan...
Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang
pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga
titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat
ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng
luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
25
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama:Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko...
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang
tinig na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata
man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga
iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...
Ang ilang bagay sa kanyang ina tulad ng hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim
ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi ay naging kapansin-pansin sakanyang anak na
dalagita.
Hindi palakibo, matipid kung makipagusap, bihirang magalit, at may ngiting parang patak na ulan kung
tag-araw ang ugali ng kanyang ina. Ang puso naman ng dalagita ay parang lupang tigang na uhaw na
uhaw.
Ang pagsasalita ng kanyang ama ay palagi niyang namamalas habang nagmamakinilya ng pagbabasa
nito. Pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Makalipas ng ilang taon, may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina.
Kinabukasan, lumuluha na ang kanyang ina at lalo nang naging malingkot at tahimik.
Isang gabi, umuwing lasing ang kanyang ama. Dumaing na masakit ang kanyang ulo at dibdib. Ilang araw
nang naratay ang ama at hindi hiniwalayan ng kanyang ina, na hindi ipinagtapat ito sa anak.
Nakita ng anak sa hapag ng kanyang ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama. Nang
binuksan niya nalaman niyang ang larawan nito ay hindi ang kanyang ina. Walang lagda ang larawan at
ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham.
Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
More in Home
Toni Gonzaga & Alex's Pricey Gift For Mommy Pinty, Can You Remember?
Teacher Goes Viral After Giving This Simple Treats to Her Students with Honor
VIDEO: Xian Lim Ventriloquism Skills Earns Praises From Amazed Netizens
Hiningi ng ama ang mga sulat subalit tumanggi ang anak. Nasa kalamigan ng lupa ang kanyang
kaluwalhatin, ayon sa ama na nagsasabi na ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig.
Naging malubha ang kondisyon ng ama at malimit na mawalan ng malay habang ang ina naman ay
patuloy sa pagbabantay na walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung
walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan
sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”
Kinagat ng ina ang kanyang labi at nagsabi na maangkin na iyon ang kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
BASAHIN DIN: Sino Ang Mga Karakter Sa Kwentong Ibong Adarna? (Sagot)
comment(s) for this post "Buod Ng Uhaw Na Tigang Na Lupa Ni Liwayway Arceo". Tell us what you think
abut this post by leaving your comments below.
Tagged as: Uhaw na Tigang na Lupa, Uhaw na Tigang na Lupa buod, Uhaw na Tigang na Lupa summary
Comments
This 95 Year Old Woman Have Not Been To Doctors In Her Life
Cardio Trust
Sponsored
RugbyPass
|
Sponsored
FruThin
Sponsored
Martel
Sponsored
Protect Your Eye From Fatigue, Use This Eye Drop today.
OptiV
Sponsored
Barnet
Sponsored
Bon Medico
Sponsored
Sponsored
The Filipino TV host Joey de Leon suspend himself on the longest-running noontime show “Eat Bulaga”
after the controversy over his remarks on depression.
Philippine News
TODAY IN HOME
ELEMENTO NG KULTURA – Mga Elemento At Kahulugan ELEMENTO NG KULTURA – Sa ating paksa, ating
alamin at tuklasing ang elemento ng kultura at ang kahulugan ng mga ito. Ayon sa TagalogLang, ang
kultura ay binubuo ng kanyan...
Toni Gonzaga & Alex's Pricey Gift For Mommy Pinty, Can You Remember?
Teacher Goes Viral After Giving This Simple Treats to Her Students with Honor
Pangilinan To POGOs: Bastusan Na Ito, Calls For Deportation Of Lawbreaking Chinese BASTUSAN NA ITO
– Senator Francis “Kiko” Pangilinan has called for the closure of Philippine Offshore Gaming Operations
(POGO) in...
VIDEO: Xian Lim Ventriloquism Skills Earns Praises From Amazed Netizens
Ben & Ben - Maybe the Night Lyrics | Official Lyric Video
Bacolod City Government Buys Thousand Sets Of Virus Protective Gear BACOLOD CITY – The government
of Bacolod City bought at about a thousand sets of personal protective equipment against COVID-19.
According to Panay News, Ci...
Creator of The “Crying in a Puddle” Meme Dies at 29 Due to Stage Four Cancer
JUST IN: DOH Gives Update on Pinoys Repatriated From Wuhan, China
Bato Dela Rosa replies to controversial statement of DJ Chacha. BATO DELA ROSA – Senator Ronald
“Bato” Dela Rosa has this fierce response over the controversial statement of DJ Chacha against him.
Radio jock Czarina Balba, p...
Poor Baby Dies After Hospital Nurses Inject Unnecessary Drugs, Parents Complain
Netizen Shares Her Dad’s Handwritten Old Columnar Goes Viral Netizen shares her Dad’s handwritten old
columnar that admired by many netizens and earned various reactions from the online community.
Nowadays, Computers and lap...
Drunk Man Runs Amok & Throws Huge Rock to Passing Vehicle (Video)
Video of Drunk Man Running Amok & Throwing Huge Rock to Passing Vehicle Garnered Various
Reactions From Netizens The video footage of a drunk man who runs amok and throws a huge rock to a
vehicle passing in the area goes viral...
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz Rumored Split, Lolit Solis Reacts
New South Wales Officials in Australia Celebrates as All Fires Are Now Contained
New South Wales Officials Celebrates as All Fires Are Now Contained Fire officials in New South Wales
Australia celebrate as they say “all fires are now contained” after a devastating and horrendous wildfire
season. Australia has ...
Crab Mentality In Tagalog: English To Tagalog Translations
Next Section
NEWS
marfeel logo
Privacy Statement
Disclaimer
in: Educational
ELEMENTO NG KULTURA – Sa ating paksa, ating alamin at tuklasing ang elemento ng kultura at ang
kahulugan ng mga ito.
ELEMENTO NG KULTURA
Ayon sa TagalogLang, ang kultura ay binubuo ng kanyang mga katutubo at kapareho ng kaugalian,
paniniwala at mga batas.
Sa dito ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan ay nakikilala. Ito ay mabisang kasangkapan sa
pagkakaisa ng isang bansa. dito din naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.
Elemento
Paniniwala | Beliefs
Pagpapahalaga | Values
Ito naman ay hindi maaring mahihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Ito ay maituturing batayan ng
isang grupo o lipunan sa kabuuan ng kung ano ang katanggap tanggap at hindi.
Norms
Ito ay tumutukoy sa mga asal, klos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ito ay
nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang tao sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
Simbolo | Symbols
Ayon kay White, ito ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. Kapag
walang ito, walang magaganap na komunikasyon at interaksyon ng mga tao sa lipunan.
Comments
marfeel logo
Privacy Statement
Disclaimer
This Tagalog short story has been translated into English as “Thirsty is the Arid Land” and “Thirsty is the
Parched Earth.”
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib
at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang
larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata,
hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan…Sa kanya ang aking noo at
mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay
kay Ina…
Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan.
Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!…At
kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata.
Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang
panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon
siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may
magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na
kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre
at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang
pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay
nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay,
mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing
walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring
maging katapatan…
Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa
akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil
sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na
panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at
ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina.
Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko
matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...
Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw
ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan
ni Ama.
Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo
buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya
nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
10
Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.
Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking
ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang
sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya –
tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na
inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.
Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.
Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong
kasiyahan…
11
Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni
Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa
akin ang karamdaman ni Ama.
12
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit
na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang
kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa
pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.
13
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang
loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta:
Sapagkat ako’y hindi makalimot… Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot
sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
14
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung
hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking
kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging
sagwil sa kanyang kaligayahan…
15
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit,
nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin
maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan
ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan…
16
Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang
tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya
dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko
maaaring paluhain…
17
Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang
nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat
tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa
kalungkutang itong halos pumatay sa akin…
18
19
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa
aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na
nagkalat sa hapag ni Ama.
Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng
kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo,
ang bigat ng kanilang pagkakadantay…
20
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang
pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging
yaon.
21
Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa
kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin…At
sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang
pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.
Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
22
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa
tuwina…Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina…Mura pang lubha
ang labingwalang taon…Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa
iyo habang-buhay…
Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.
23
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang
pahluha kung walang makakita sa kanya…
24
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na
damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.
Magaling na ako, mahal ko…magaling na ako…sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan
tayo maaaring tumungo…ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin…sa ano mang
paraan…sa ano mang paraan…
Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang
pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga
titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat
ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng
luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
25
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang
tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata
man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga
iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa…
Liwayway Arceo-Bautista was born in Manila in 1924 to a family of distinguished writers. Her brother
Jesus A. Arceo is considered the leading fiction writer of the 1920s and 1930s.
Arceo-Bautista first gained her own fame with her story “Uhaw ang Tigang na Lupa,” which was
published in the magazine Liwayway. (By coincidence, the name of the magazine was the same as her
given first name.) The story was selected as one of the best stories of 1943.
ni Liwayway Arceo
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging
malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang
patak ng ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang
tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa
nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot
at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang
araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito.
Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre
ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng
lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa
pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita
sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan
sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan
https://liwaywayarceo.fandom.com/tl/wiki/Mga_Tema_sa_Uhaw_ang_Tigang_na_Lupa
Ni Liwayway Arceo
A. Tagpuan:
Aklatan:
Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o mga bagay na
tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang
ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng
ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na
hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na
rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan.
Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng bawat isa
na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas
malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang magkaroon ng
oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan palang ng tagpuan.
B. Tauhan:
Anak:
Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Sa kanya din
unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.
Kung papansinin ang pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang
pamagat ngunit habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anak sa kanayang
pamilya. Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama
at ina.
Ama:
Isa siya sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit
ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa
kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento. Sa kanya din
sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan.
Ina:
Pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi
ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may
kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.
C. Banghay
1. Panimula
2. Saglit na Kasiglahan
Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak sa pagmamahal ng
kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng anak sa
pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging ang pagkakaroon ng kapatid ay
binanggit din.
Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Paano mapipigilan ng anak
ang pagiging malungkot ng ina at paano ang gagawin nito upang malaman ang totoong nasapit ng ama
bakit ganoon na lamang ang kanyang mga magulang.
Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang kalungkutan ng ina
ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento.
4. Kasukdulan
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa
kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na
nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga
pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin ang
linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.
D. Karagdagan
Tinalakay sa kwento ang suliranin ng isang pamilya na dahil sa suliraning iyon ang anak ay nauuhaw sa
pagmamahal ng kanayang mga magulang. Naghahanap ito ng tunay na masasabing pamilya.
Tinalakay din dito ang suliraning pampamilya na kadalasang nagaganap sa ating bayan o pamayanan.
2.Simbolismo
Liham- ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang
kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na pagiisip na
mambabasa.
Pelus na Rosas- o ang pagibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan- sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaring malaman sa tulong na rin
ng liham na kalakip nito.
Pamagat "Uhaw ang tigang na Lupa"- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa
suliranin ng pamilya.
3. Linggwahe
Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin
ng mambabasa.
Willy Gs at 9:12 PM
http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/panunuri-sa-akdang-ang-tigang-na-lupa.html?m=1
MgaTauhan:
Ina-sa unang bahagi ng kwento ay binanggit na siya ay hindi gaanong nagsasalita kumpara sa mga
karaniwang ina base sa sipi na ito`Si Ina ay hindi palakibo siya ay babaing bilang at sukat ang
pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang
kanyang pananalita…” `Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-
idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...”
Anak- ginamitan niya ng paglalarawan sa lugar ng tagpuan at tao sa paligid ang pagbukas ng kwento niya
tulad ng paglalarawan sa relasyon ng ina at ama maging anong klase ng pamilya mayroon siya tulad ng
siping ito: Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng o kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ama- ang ama ay hindi matagumpay sa pagtatago ng mga nararamdaman lalo na sa kanyang anak dahil
sa gawa pa lang kitang kita na ang pagiging malamig ng pakikitungo nito sa kanyang pamilya makikita sa
sipi na ito sa kwento ng Uhaw ang Tigang na Lupa ang kaibahan ng kanyang ama sa karaniwang tatay
`Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga
kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng
isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata…
Binanggit sa siping ito ang pagkalayo ng loob sa ama dahil sa pagiging abala nito sa trabaho at kawalan
ng panahon sa pamilya.
Buod:
Ang kwentong ito ay tungkol sa dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi
kakikitaan ng paglalambing sa isa`t isa. Para bang walang namamagitang pag-ibig ang pagsasama.
Hanggang isang araw,natuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong nililihim sa
pamilya . Ito ay nang mabasa ng dalagita ang talaarawan ng ama at makita ang isang larawan ng isang
babae.
Ngunit ang ina ay patuloy na nag-aalaga sa kanyang ama ng naratay ito sa kabila ng katotohanang
pagtataksil . At bago ito malagutan ng hininga’y hiniling nito ang pagsang-ayon ng kaniyang kalaguyo sa
bagong pagsasama. Sumagot ang kabiyak at nagkunwang kalaguyo—at pinagbigyan kahit napakasakit
pakinggan ang gayong pagtataksil ng kaniyang asawa o bana.
Uri ngTauhan:
Protagonista:
Ina- Siya ay tinuturing na protagonist dahil nakasentro sa kanya ang kwento at bilang isang ina na hindi
palakibo at malimit magsalita taliwas sa mga inaasahan at sa karaniwang ina at ang itinatagog lungkot
nito na makikita sa mata at hikbi nito.Maging ang pakikitungo nito sa asawa at anak ay kapansin-pansin
na malungkot ito at may dinadamdam.
Anak-Protagonista ang anak dahil siya ang nagbukas ng kwento, nagging bida sa kwento bilang lubhang
apektado sa maging relasyon ng magulang at naging parte ng paglilinaw sa usaping nilang mag-anak
bagkus nagging dahilan ng pagkakaliwanagan ng ina at ama . Hindi rin siya gumawa ng problema kundi
ang kanyang ama.
Antagonista
Ama –Siya ang magbigay ng problema sa mag-anak o sa mg pangunahing tauhan na ang ina at anak.
Mula sa pagiging mahina nito sa paglaban sa sariling emosyon at sarili nabigo rin itong magpatakbo ng
pamilya. Ayon sa sipi na ito sa Uhaw ang tigang na lupa na `Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung
minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali
ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...” anang
anak.
Dinamiko:
Ama-Bilog na tauhan (round character) nagbabago ang katauhan niya mula sa pagiging mahilim ay
magawa niyang aminin ang lihim na iba siyang mahal dahil na rin sa nakita ng anak ang larawan at ang
talaarawan.
Anak- Bilog na tauhan (round character) nagbago ang anak dahil noong una ay tahimik at mag-oobserba
lamang ito sa takbo relasyon ng ama at ina ngunit ng naglaon ay nagsimulang magtanong at nagbusisi
tungkol sa talaarawan at larawan na nagging tulay ng pagkalinaw ng kanilang sitwasyon.
Istatik :
Ina- Plat o istatik na tauhan ang ina sapagkat mula umpisa at maging matapos ang kwento nanatiling
hindi palakibo at umasa na masusuklian ang pagmamahal at pag aalaga na binibigay niya sa asawa.
Tagpuan: Bahay ng mag-anak
Tono: Malungkot
Simbolismo/Pahiwatig:
Tema:
Ang tema ng Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo ay nagpapakita ng isang realidad sa ating
lipunan na kahit ang taong pamilyado na ay may kakayahan pa rin magtaksil sa asawa sa isip at sa gawa.
Ang iba`t ibang pag-uugali ng tao ay makikita rin sa kuwento tulad ng sa ina kung saan maraming
maihahalintulad sa kanya sa ating lipunan ngayon na patuloy na nagmamahal kahit sa paraan siya na ang
masasaktan. Isa rin ang pag-ibig sa maraming tema ng kuwento( na tema ng kuwentong ito) sa buong
mundo dahil ito ang `innate’ o likas sa atin.
Note: If you wish to copy this just send an e-mail or leave a comment below.
Unknown at 5:47 PM
http://arzspeaks.blogspot.com/2013/10/pagsusuri-ng-maikling-kwento-kwentong.html?m=1
===
ni Liwayway Arceo
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging
malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang
patak ng ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang
tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa
nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot
at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang
araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito.
Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre
ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng
lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa
pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita
sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan
sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
ARTICLE INFORMATION
Top Contributors
Categories
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.