Kabanata-1 Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula

Ang comprehension o pag-unawa ay ang pinakadiwa ng pagbasa at ang aktibong proseso

sa pagbuo ng kahulugan mula sa tekstong binasa (Durkin, 1993). Ang pag-unawa sa pagbasa ay

isang kumplikadong pakikipag-ugnay sa kahulugan at ang aktibong pagtugon sa binabasa na

nagbibigay-daan sa mambabasa na lumikha ng isang mental na representasyon ng teksto (van

den Broek & Espin, 2012).

Ang kahalagahan nito para sa mga mag-aaral ay naging focal concern ng mga teoriko o

theorists (Kieffer; Vukovic, 2013; Olson, Keenan, Byrne; Samuelsson, 2014; Tighe;

Schatschneider, 2016; van Staden; Bosker, 2014) dahil ang pagbasa ng may pag-unawa ay isang

mahalagang kasanayan upang makabuo ng mas maunlad na lipunan. Sa madaling salita, ang

reading comprehension ay mahalaga para sa mga mag-aaral upang makamit ang pag-unlad ng

isang bansa at kinakailangan din ito ng bawat bansa upang makipagkumpetensya globally.

Kasabay ng mabilis na paglipas ng panahon ang pag-usad ng teknolohiya sa henerasyon

ngayon. Patuloy na yumayabong at lumalaganap na nagdadala ng napakaraming pagbabago na

siyang lubos nakakaepekto sa mga tao. Na kung dati-rati'y aklat ang ginagamit ng mga kabataan

sa tuwing nag-babasa ng mga ibat-ibang tekstong babasahin pero sa kasalukuyang panahon ay

madalas na lang ito ginagamit. Napalitan na ng modernong kagamitan katulad ng computer,

tablet, laptop at smartphone.

Ang isa sa mga popular na ginagamit ng mga kabataan ngayon sa pagbabasa ng mga

babasahin ay wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social networking site at isa ring online

community application. Mula sa pangalan nito na Wattpad, ito ay literal na pad o sulatan. Ito ay

ginagamit ng kabataan upang makapagsulat at makapagbasa ng mga likhang kwento na


ala nobela. Ang Wattpad ay nabuo sa pagtutulungan nina Allen Lau at Luan Yen noong 2006

ngunit umusbong lang ang popularidad nito noong 2011.

Dahil sa labis na paggamit ng social media sa pamamagitan ng gadget, nais ng mga

mananaliksik na magpanukala ang isang paraan ng paggamit ng social media na Wattpad, online

reading platform, upang malaman ang epekto ng wattpad sa reading comprehension sa mga

mag-aaral. Sa kadahilanan na ito ang mga mananaliksik ay gumawa ng pananaliksik patungkol

sa “Epekto ng Wattpad sa pag unawa sa binabasa o reading comprehension sa mga mag-aaral

ng Senior High sa Fatima National High School”.

Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at masuri ang epekto ng wattpad o

elektronikong babasahin sa pagbasang may pag-unawa at kasanayan sa pagbabasa ng mga

mag-aaral ng Senior High sa Fatima National High School at maipakita ang kahalagahan ng

pagbasa nang may pag-unawa. Naglalayon rin ito na mas mapatibay at mapabuti ang pag-alala,

pag-intindi, at mas mapaigting na bokabularyo dulo’t ng pagbasang may pag-unawa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay kaalaman patungkol sa "Epekto ng

wattpad sa reading comprehension ng mga mag-aaral ng Senior High sa FNHS" upang

maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang

mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang epekto ng pagbabasa ng wattpad sa pagbasang may pag-unawa ng mga

mag-aaral?

2. Ano ang maaring magiging resulta ng pagbabasa ng wattpad sa pagbasang may

pag-unawa ng mga mag-aaral?


3. Ano ang kahalagahan ng wattpad sa pagbasang may pag-unawa sa buhay ng mga

mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay may malaking tulong sa mga sumusunod:

Mag-Aaral - Ang pananaliksik ay makatutulong sa mga mag aaral upang mas

madadagdagan pa ang kanilang kaalaman ukol sa epekto ng wattpad sa pagbasang may pag-

unawa..

Mga Guro - Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro upang makaisip ng

epektibong paraan na mas mapadebelop ang pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral

Mga Magulang - Ang pag aaral na ito ay nakatutulong rin sa mga magulang upang sila

ay may kamalayan sa kung ano ang epekto ng wattpad sa mga kabataan. Sa karagdagan, maiisip

nila na ito ang pinakamabisang paraan para mahasa ang ugali ng kanilang anak kaugnay sa

interes nito sa pag unawa sa binabasa.

Tagapangasiwa - Sa pamamagitan ng mabisa at maaasahan na impormasyon ng mga

pananaliksik magiging isang malaking tulong sa mga administrator na magsagawa ng mga

aktibidad upang mapalawak ang pag unawa sa pagbasa ng mga kabataan.

Mga Susunod na Mananaliksik - Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga susunod

na mananaliksik bilang gabay at pagbabatayan ng kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang layunin ng mga pananaliksik na ito ay malaman ang epekto ng pagbabasa ng wattpad

sa Reading Comprehension ng mga estudyanteng na nasa Senior High sa Fatima National High

School.
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral ng Senior High at

kasalukuyang gaganapin sa loob ng paaralan ng Fatima National High School. Ito ay mag-

uumpisa sa ikalawang semester ng unang taon sa senior high, taong dalawang libo’t dalawampu

(2020).

You might also like